backup og meta

Paglagas Ng Buhok Dahil Sa Stress, Bakit Nangyayari?

Paglagas Ng Buhok Dahil Sa Stress, Bakit Nangyayari?

Normal lamang na nangyayari ang paglagas ng buhok, karaniwan lamang na nalalagas ang mula sa 50-100 hibla ng buhok kada araw. Ang paglagas ng buhok dahil sa stress at anxiety ay normal din. Gayunpaman, dahil sa pandemyang COVID-19, tila mas napadalas ang paglalagas ng buhok ng tao kung ikukumpara noon. Mayroon bang kaugnayan ang paglalagas ng buhok sa nararanasan ng mga tao ngayong pandemya? Ano ang maaaring gawin sa paglagas ng buhok dahil sa stress at anxiety

Mga Sanhi Ng Paglalagas Ng Buhok 

Nasa 85%-90% ng buhok ng tao ang nasa aktibong paglago. Ang mga natitirang porsyento ay nasa telogen o nagpapahinga. Matapos ang dalawa hanggang apat na buwan sa pagpapahinga, ang nalagas na buhok ay mapapalitan ng panibagong patubo na buhok. 

Ang paglalagas ng buhok ay sumasalamin sa kung paano ang katawan ay tumutugon sa sakit o panghihina. Normal lamang ang paglalagas ng buhok ngunit kung ikaw ay nalalagasan ng mahigit sa 50% ng kung anong mayroon ka, suriin ang patern tulad ng nawawalang patch, kung ito ay biglaan o sinasabayan ng ibang sintomas, ito ay isang bagay na maaari mong ipag-alala. 

Narito ang ilang mga sanhi ng paglalagas ng buhok: 

  • Pagbaba ng timbang
  • Pagbabago sa diet
  • Pagbabago ng hormones habang nasa menopausal, panganganak, o pagtanda
  • Pagpapagamot tulad ng chemotherapy
  • Kakulangan sa bitamina o mineral
  • Sakit tulad ng alopecia areata
  • Stress 

Nangangamba ang mga tao sa paglalagas ng buhok dahil isa ito sa mga bagay na napupuna ng mga tao tungkol sa kanila. Ang buhok ay nag-iiwan ng maganda at masamang impresyon sa ibang tao at ito ay maaaring magdagdag sa stress at anxiety na kaniyang mararamdaman. 

Maaaring magamot at maibalik sa normal angg iba pang sanhi ng paglalagas ng buhok pagtapos ng ilang buwan. Ang stress management ay makatutulong din, partikular sa paglagas ng buhok dahil sa stress at anxiety. Mainam na kumonsulta sa iyong doktor o eksperto upang malaman kung paano lulutasin ang paglalagas ng buhok.

Ang Paglalagas Ng Buhok At COVID-19 

Pinakikita ng pag-aaral na ginawa sa daga na ang stress ay nakaaapekto sa pagbabagong-buhay ng buhok. Ang isinailalim na hayop ay binigyan ng cortisol o hormone ng stress sa inilaang panahon. Nama-manage ang hormone na ito sa yugto ng pahinga ng follicles ng buhok. Ang pagtaas ng stress sa daga ay ang pagbaba naman ng pagtubo ng buhok at kahit sa pagbabago ng follicles ng buhok. Maaaring pareho ang epekto nito sa tao. 

Kinuha ng COVID-19 ang maraming bagay sa mga tao, emosyonal, pisikal, at maging ang pinansyal na aspeto. Binago ng isolation at quarantine ang paraan ng pakikisalamuha natin sa isa’t isa kung kaya’t nabawasan tayo ng ugnayan sa pamilya at kaibigan. 

Nawawala sa tao ang kanilang paraan ng pamumuhay kung kaya’t nagdaragdag ito ng stress sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit maraming tao ang nakararanas ng paglagas ng buhok dahil sa stress at anxiety habang tumatagal ang pandemya.

Paglagas Ng Buhok Dahil Sa Stress At Anxiety: Telogen Effluvium

Ang stress ay maaari ding magdulot ng telogen effluvium. Ito ay nangyayari kung ang katawan ay nakararanas ng matinding stress. Umaabot ng 30% ang naaapektuhan ng yugto ng telogen sa isang tao bago tuluyang pumunta sa pagkalagas. Maaaring mawala ang 300 na hibla ng buhok kada araw kumpara sa 100 na regular na bilang. Tandaan na ang paglagas ng buhok ay maaaring mag-umpisa mula 2 hanggang 3 buwan matapos ang kaganapan. 

Maliban dito, ipinakikita ng pag-aaral na ang tao na nagkaroon ng COVID-19 ay nakaranas din ng sintomas ng hirap sa pagtulog, pagkawala ng pang-amoy at panlasa, pagkapagod. Ang isa sa mga kinalabasan ay ang paglagas ng buhok. 

Key Takeaways

Ang paglalagas ng buhok ay normal, gayunpaman ito ay maaaring tugon ng katawan sa sakit o pagbabago. Ang paglagas ng buhok dahil sa stress at anxiety ay maaaring isa sa mga epekto ng pandemyang COVID-19 sa tao. Isinailalim ng pandemya ang tao sa pisikal, emosyonal, at pinansyal na stress na nagresulta sa paglalagas ng buhok.
Isa ang paglalagas ng buhok sa mga epekto ng sakit. Makatutulong ang doktor na i-manage ang stress na iyong nararanasan at makapagbibigay ng mga payo kung paano tutugunan ang paglagas ng buhok.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito

[embed-health-tool-ovulation]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Stress and hair loss: Are they related, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/stress-management/expert-answers/stress-and-hair-loss/faq-20057820, Accessed July 17, 2021

How stress causes hair loss, https://www.nih.gov/news-events/nih-research-matters/how-stress-causes-hair-loss, Accessed July 17, 2021

Burden of Hair Loss: Stress and the Underestimated Psychosocial Impact of Telogen Effluvium and Androgenetic Alopecia, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0022202X15309635, Accessed July 17, 2021

Hair Loss in Women, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/16921-hair-loss-in-women, Accessed July 17, 2021

Hair Loss, https://www.nhs.uk/conditions/hair-loss/, Accessed July 17, 2021

Coronavirus FAQ: Does It Make Your Hair Fall Out? https://www.npr.org/sections/goatsandsoda/2021/03/06/974057466/coronavirus-faq-does-it-make-your-hair-fall-out, Accessed July 17, 2021

6-month consequences of COVID-19 in patients discharged from hospital: a cohort study, https://www.thelancet.com/journals/lancet/article/PIIS0140-67362032656-8/, Accessed July 17, 2021

Telogen Effluvium, https://www.health.harvard.edu/a_to_z/telogen-effluvium-a-to-z, Accessed July 20, 2021

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Adenomyosis: Ano Ang Epekto Nito Sa Katawan?

Pwede ba Mabuntis ang may Endometriosis? Alamin Dito ang Kasagutan


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement