Paano palakihin ang dibdib o pagandahin ang itsura nito? Ito ba ay may kaugnayan genes? Walang umiiral na konseptong tungkol sa “normal” o “perpekto” na dibdib. Iba-iba ang hugis at laki ng dibdib ng bawat tao. Dagdag pa, walang opisyal o medikal na pag-uuri para sa hugis ng dibdib. Ang sukat at laki nito ay unang natutukoy sa genes ng isang tao. Ngunit maaari itong mabago sanhi ng pagbubuntis at pagpapasuso, matinding pag-eehersisyo, at biglaang pagbabago ng timbang. Maaari ding magkaroon ng kapansin-pansing pagbabago kung nasa partikular na yugto ng regla. Maaaring ansamantala lumaki ang dibdib kung nagbubuntis o nagpapasuso.
Gayunpaman, ang dibdib ay kadalasang nauuri sa mga sumusunod.
- Pabilog: Kilala rin ito bilang bilog, ito ay puno mula sa taas at baba
- East West: Kadalasang ang utong ay nakaharap sa magkabilang direksyon. Ang kaliwa at kanang suso ay sumasakop mula sa gitnang bahagi ng dibdib patungo sa magkabilang gilid.
- Wide set: Ma mas malawak na distansya sa pagitan ng mga suso kaysa sa East West na anyo.
- Teardrop: Ito ay bilugang suso, bahagyang mas malawak ang ilalim na bahagi kaysa sa itaas, at kapansin-pansin ang hulma.
- Makitid: Ang suso ay makitid at ang utong nito nakaharap sa baba. Mas malaki ang ibabang bahagi nito kaysa sa itaas. Gayundin, ang mga suso ay mas mahaba kaysa malapad.
- Hindi pantay: Hindi pantay na sukat, mas malaki ang isang bahagi.
- Bell: Ang suso ay hugis kampanilya, mas puno ang ilalim na bahagi at mas manipis sa itaas na bahagi.
Mga Pangunahing Salik Sa Hugis At Itsura Ng Dibdib
Paano palakihin ang dibdib? Ang katangian ng genes ay itinuturing pa ring salik na may malaking gampanin sa pagtukoy ng hugis ng dibdib. Ito ay dahil ang genes ay nakaaapekto sa pagiging siksik, tissue, at laki ng dibdib.
Dagdag pa, ang iba pang mga salik na nakaaapekto sa hugis at laki ng dibdib ay ang mga sumusunod:
- Timbang: Ang taba ay isang malaking bahagi ng tissue ng dibdib at ang pagiging siksik nito. Kung kaya mapapansin ang pagbabago sa hugis ng dibdib kung tumataba o pumapayat.
- Ehersisyo: Maaaring magmukhang mas matigas ang dibdib kung iyong palalakihin at palalakasin ang pectoral muscles sa likod ng tissue ng dibdib.
- Edad: Natural lamang na lumaylay ang iyong dibdib habang tumatanda. Kaya naman, sa paglipas ng panahon ang iyong dibdib ay maaaring mas humava at nakaharap sa baba.
- Pagbubuntis at pagpapasuso: Ang hormones habang nagbubuntis at nagpapasuso ay maaaring maging sanhi ng pamamaga ng dibdib. Maaari ding mabago kung paano nakakalat ang tissue at fat sa buong dibdib.
Dapat Bang Maging Pantay Ang Dibdib?
Bagaman mas kapansin-pansin ang anumang hindi pagkakapantay sa dibdib, ang dalawang gilid ng buong katawan ay maaaring bahagyang magkaiba. Maaaring ang isa ay mas malaki kaysa sa isa at ito ay normal lamang. Kung may mapansing pagbabago sa sukat, laki, kulay, o anyo ng dibdib, kumonsulta sa doktor upang malaman ang posibleng sanhi nito.
Natutukoy ang laki at hugis ng dibdib sa genes, ngunit maaari itong magbago dulot ng pagbubuntis at pagpapasuso, matinding pag-eehersisyo, at bigalang pagbabago sa timbang. Maaari ding magkaroon ng kapansin-pansing pagbabago sa ilang mga pagkakataon ng siklo ng regla.
Maaaring pansamantalang lumaki ang dibdib habang nagbubuntis at nagpapasuso. Kung minsan, ang itsura ng dibdib ay maaaring may kaugnayan sa pagtaas ng timbang o habang nakikipagtalik. May ilan ding mga gamot na maaaring maging sanhi ng pamamaga ng dibdib, at napapansin ito ng ibang mga kababaihan kung umiinom ng gamot para sa birth control.
Ano Ang Nangyayari Sa Dibdib Kung Pumapayat?
Natuklasan ng maraming tao na sa kabila ng regular na pag-eehersisyo at istriktong diet, ang kanilang mga hita at pwet ay hindi lumiliit o pumapayat at tanging ang dibdib lamang. Simple lamang ang dahilan nito: Kung ang katawan ay nasa caloric deficit (nangangahulugang pagsunog ng mas maraming calories kaysa sa kinakaing calories), nagsisimula itong gumamit ng nakareserbang fat. Dahil ang dibdib ay ay karaniwang binubuo ng adipose na tissue o fat, ito ay maaaring maging sanhi upang mabawasan ang laki ng dibdib kung nabawasan ang fat ng isang tao sa kanyang tao.
Ang ratio ng tissues ay naka-set ayon sa genes. Sa mga taong may labis na fat, mas mabilis ang mas pagliit ng dibdib kaysa sa mga taong may kaunting fat. Ito ay dahil ang dibdib ay hindi lamang naglalaman ng glandular tissue ngunit maging ng connective at matatabang tissues.
Upang mapanatili ang pagiging elastiko at mapigilan ang paglaylay, iminumungkahi ng mga eksperto na huwag mabilis na magbawas ng timbang, kumain ng mga masusustansyang pagkain, tulad ng madahong gulay at lean protein. Paano magmukhang mas malaki at mas puno ang dibdib? Ang pagpapalakas sa muscle ng dibdib sa pamamagitan ng pampalakas na ehersisyo ay maaaring makakatulong upang magmukhang mas buo ang dibdib.
Paano Palakihin Ang Dibdib?
Ang dibdib ay naglalaman ng grandular, connective, at matatabang tissues. Hindi ito muscular na organs. Ang hugis at laki ng dibdib ay sanhi ng distribusyon at dami ng fats, kaya maaaring mayroon ding epekto ang ehersisyo.
Kung nais na magmukhang mas puno, mas bup ang dibib, sundin ang mga sumusunod na ehersisyo:
Step 1
Humiga nang lapat sa upuan habang nakalapat ang mga paa sa sahig.
Step 2
Hawakan ang dumbbells sa parehong mga kamay at buhatin ang mga ito sa itaas ng dibdib habang nakadiretso ang mga braso (dapat nakatuwid ang mga braso).
Step 3
Magsagawa ng isang set nito araw-araw upang mapalakas ang muscle ng dibdib.
Ang push-ups at weightlifting workouts na nakatuon sa pectoral muscles, tulad ng chest presses, ay maaaring makapagpatatag sa dibdib, at maging sanhi ng pagtaas at paglaki nito. Upang mabawasan ang laki ng dibdib, ang pagsunod sa malusog na diet at pagkakaroon ng nakakatunaw-taba na mga gawain tulad ng pagtakbo, aerobics, at paglalangoy ay maaaring makatulong. Ang pull-ups, squats, at iba’t ibang posisyon ng planking ay nakapagpapatibay sa muscles ng likod at ng mga braso, na nakapagpapabuti sa postura at nakapagpapaangat ng dibdib.
Key Takeaways
Paano palakihin ang dibdib? Ang laki at hugis ng dibdib ay lubhang natutukoy ng genes, ngunit ang edad, pagbubuntis, at estado ng kalusugan ng muscle ay maaaring makatulong upang bahagya itong mabago. Maaari ding isaalang-alang ang pagsailalim sa cosmetic na operasyon upang mas mapabuti ang itsura ng dibdib. Kumonsulta sa iyong doktor kaugnay ng mga opsyong maaaring gawin.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng mga Kababaihan dito.
[embed-health-tool-ovulation]