backup og meta

Masakit na pepe, ano ang maaaring maging dahilan?

Masakit na pepe, ano ang maaaring maging dahilan?

Mga Palatandaan at Sintomas

Ang vaginal burning o masakit na pepe ay isang kondisyon ng irritation at pangangati. Ito ay sanhi ng pamamaga o impeksyon sa ari, genitals, at daluyan ng ihi. Ito ay very common. Ang mga kababaihan ay malamang na makaranas ng itching at burning sa bahagi ng ari sa ilang mga punto sa kanilang buhay. Kadalasan ito ay higit sa isang beses.

Sa pangkalahatan, ang vaginal burning ay madaling gamutin. Gayunpaman, maaari rin itong maging isang indicator ng isang mas malubhang kondisyon. Ang ilang mga kababaihan ay maaaring mapansin na walang discharge pero may burning sensation. Nararanasan lang ito ng iba sa ilang partikular na aktibidad tulad ng pakikipagtalik o pag-ihi. 

Ano ang mga sintomas ng masakit na pepe?

Ang mga sintomas ay depende sa sanhi nito. May mga kaso na ang burning sensation ay sinasabayan ng matinding sakit at pagdurugo. Pinakakaraniwan na sintomas ay  irritation at matinding pangangati sa bahagi ng ari.

Ang masakit na pepe ay maaari ding maging sanhi ng iba pang mga sintomas na mas hindi pangkaraniwan. 

  • Burning sensation kung umiihi
  • Pananakit sa panahon ng pakikipagtalik 
  • Pagkapagod at pananakit ng ulo 
  • Mga pantal sa paligid ng maselang bahagi ng katawan
  • Pambihirang pagdurugo o spotting sa pagitan ng mga regla 
  • Lagnat dahil sa impeksiyon 
  • Pananakit ng tiyan at likod

Maaaring lumitaw nang random o lumakas ang  intensity ng mga sintomas na ito sa paglipas ng panahon. Kung minsan, ito ay maaring mauwi sa mas malubhang kondisyon.

Kailan ako dapat magpatingin sa doktor? 

Kadalasan, ang masakit na ari ay bubuti nang mag-isa. Ang mga antibiotic at over-the-counter na cream ay maaaring makatulong maibsan ng sakit. Gayunpaman, kung ang pakiramdam na mainit ay hindi makayanan at umuulit kahit pagkatapos ng paggamot, magpacheck sa iyong doktor.

Bagama’t maaari mong mapansin na walang discharge pero may burning sensation, pwede itong lumala sa mas seryosong health risk. Magrereseta ng eksaktong mga gamot ang iyong doktor sa sandaling masuri ka. 

masakit na pepe

Mga Dahilan at Risk Factors

Ano ang nagiging sanhi ng masakit na pepe?

Maaaring magkaroon ng maraming dahilan ang vaginal burning. Ito ay mula sa mild na komplikasyon hanggang sa malubhang kondisyon at sakit.  Ang mainit na pakiramdam na ito ay maaaring makaapekto sa ari, genitals at daanan ng ihi.

Dulot ng Irritants

May mga factors na maaaring makairita sa ari at vulva kapag direktang kontak. Ang tawag ay contact dermatitis. Maaari mong mapansin na walang discharge ngunit may burning sensation, kasama ng matinding pangangati at pamamaga ng ari. Ang mga irritant ay nasa mga pinaka pangunahing pang-araw-araw na produkto, kabilang ang:

  • Laundry detergents
  • Sabon
  • Pabango at iba pang scented products
  • Fabric softeners

Bukod dito, may mga ginagamit ka sa iyong ari na maaaring maging sanhi ng masakit na pepe. Kabilang ang:

  • Tampons
  • Condoms
  • Vaginal wipes at sprays

[embed-health-tool-ovulation]

Ano ang nagpapataas ng aking risk para sa masakit na pepe?

Mayroong maraming mga kadahilanan, kabilang ang:

  • Gumamit ng mga mabangong produkto na malamang na naglalaman ng mga irritants
  • Mahinang pag-aalaga at kalinisan ng vagina
  • Menstruation, pagbubuntis, at menopause
  • Douching
  • Condoms at lubricants

Paalala sa mga madalas pumunta sa gym at mga atleta: Ang mga taong madalas magsuot ng masikip na damit ay napapainit ang kanilang genitals, na nagiging breeding ground ng bacteria. Siguraduhing magpalit ng basang damit pagkatapos.

Paano nasusuri ang vaginal burning?

Ang iyong doktor ay madaling masuri ito sa mga sintomas lamang. Bagama’t maaaring mapansin ng ilan na walang discharge pero may burning sensation na tanging sintomas, hindi nangangahulugan na ito ay hindi seryoso.  Bilang resulta, may iba pang mga pagsusuri na ginagamit para ma-rule out  ang mga impeksyon at STI. Kabilang dito ang:

Pisikal na pagsusulit. Ito ay upang suriin kung may mga pinsala, pamamaga, at iba pang nakikitang pagbabago sa mga nakapaligid na lugar ng ari.

Internal vaginal exam. Ito ay upang higit pang suriin ang ari para sa pagkakapilat, pinsala, at abnormalidad sa kalamnan.

Discharge analysis. Kinokolekta ang isang sample ng discharge para sa pagsusuri. 

Medical History. Mahalagang sabihin ang iyong medical history, sexual habits at mga relasyon upang matukoy ang sanhi. Ang mga kadahilanan tulad ng mga komplikasyon sa operasyon, mga depekto sa panganganak, at mga kasalukuyang gamot ay maaaring makadagdag sa nararamdaman.

Treatment

Paggamot sa vaginal burning sanhi ng irritants

Ang pinakamadaling paraan upang maiwasan ito ay ang pag-iwas sa lahat ng irritants. Hangga’t maaari, hugasan ang iyong ari ng tubig at simpleng sabon. Tanungin ang iyong OB-GYN kung anong mga produkto ang ligtas para sa iyong kasalukuyang kondisyon ng balat. Iwasan ang paggamit ng mga mabangong produkto dahil malamang na magdulot ito ng pangangati.

Bilang karagdagan, siguraduhing maligo pagkatapos lumangoy o gumamit ng sauna o mga hot tub. Makakatulong ito na maalis ang bacteria na maaaring madikit sa vulva. Mahalagang obserbahan ang wastong kalinisan.

Burning dahil sa mga impeksyon

Kung ang kati at nasusunog na pakiramdam ay nasa loob ng ari, ito ay dahil sa isang impeksyon. Ang pinaka karaniwang sanhi ng impeksyon ay: 

Bacterial vaginosis (BV)

Ayon sa isang ulat, mayroong 29.2% prevalence ng BV sa mga kababaihang edad 14 hanggang 49. Ang bacterial vaginosis ay nagreresulta mula sa build-up ng bad bacteria sa ari. Nakakaapekto ito sa normal na balanse ng iyong vaginal pH.

Yeast Infection

Ito ay tinutukoy din bilang vaginal candidiasis. Ang yeast infection ay dahil sa sobrang paglaki ng candida albicans, isang uri ng fungus. Isang karaniwang kondisyon ito na nakakaapekto sa 75% ng mga kababaihan kahit isang beses sa kanilang buhay. Ang yeast infection ay nakakaapekto sa vagina environment.

Urinary Tract Infections

Urinary Tract Infection (UTI). Ang vaginal burning ay nauugnay din sa UTI. Ito ay dahil sa discomfort at burning sensation na iyong nararanasan kapag umiihi. Ang UTI ay nangyayari kapag ang bacteria ay nakapasok sa iba’t ibang bahagi ng urinary tract, kabilang ang pantog, urethra, at bato.

Sexually Transmitted Infections (STIs)

Kabilang dito ang gonorrhea, chlamydia, trichomoniasis, at genital herpes. Sa karamihan ng mga kaso, ang mga sintomas ay hindi karaniwang nakikita hanggang sa masuri. Gayunpaman, laganap ang vaginal burning, kasabay ng discomfort sa pag-ihi at unusual spotting.

Paggamot ng vaginal burning na dulot ng impeksyon

Ang mga kondisyong ito ay maaaring banta sa buhay. Mahalagang magpacheck sa doktor kung aktibo ka sa pakikipagtalik o kung nagsimula kang magpakita ng mga sintomas. Karamihan sa mga ito ay ginagamot sa isang kurso ng antibiotics.  

Ang trichomoniasis at gonorrhea ay kailangan ng pag-inom ng maraming antiviral pill nang sabay-sabay. Bukod dito, ang mga yeast infection ay maaari ding gamutin gamit ang antifungal na gamot sa anyo ng mga cream at gel.

Masakit na pepe dahil sa hormonal changes

Bagama’t ang mga pagbabagong ito ay hindi direktang nakakaapekto sa ari, maaari silang maging sanhi ng pagkatuyo. Ang mga tuyong patch ay lubhang makati, at maaaring maging sanhi ng nasusunog na pakiramdam. May ilang mga kababaihan ay maaaring walang discharge ngunit may burning sensation.

Ang mga pagbabago sa hormonal ay maaaring ma-trigger ng mga birth control pill, pagbubuntis, o menopause.

Halimbawa, bumababa ang produksyon ng estrogen kapag ang isang babae ay pumasok sa menopause. Ang masakit na pepe ay isa sa mga pangunahing senyales nito, lalo na sa panahon ng pakikipagtalik.

Paggamot ng vaginal burning dulot ng hormonal changes

Maaaring magreseta ang iyong doktor ng mga hormonal supplement sa anyo ng mga cream, tablet, o vaginal insert. Kakailanganin din ng ilang kababaihan na sumailalim sa therapy sa hormone upang mapawi ang mga sintomas.

Vaginal burning dulot ng mga kondisyon ng balat

Ito ay sa vulva, o sa panlabas na balat na nakapalibot sa ari. Ang mga sintomas ay kadalasang nauugnay sa underlying cause tulad ng dry patches, scarring, at mga pantal. Ito ay maaaring sanhi ng mga sumusunod:

Eczema at psoriasis

Ito ay mga makapal na patches ng balat na namamaga, namumula, o nagbabalat. Dahil ang mga ito ay lubhang makati, ang pagkasunog ay magaganap dahil sa madalas na pagkamot. Ang eksema at psoriasis ay hindi direktang nakakaapekto sa balat sa loob ng ari, ngunit maaaring kumalat sa paligid ng vulva.

Lichen sclerosus

Ang kondisyong ito ay manipis, puting mga patch na nabubuo sa balat, lalo na sa paligid ng vulva. Maaaring magdulot ito ng pagkakapilat sa paligid ng genital area dahil sa patuloy na pagkamot. Ang mga kababaihan ay madalas ding makaranas ng sakit at discomfort sa oras ng pag-ihi at pakikipagtalik.

Masakit na pepe dulot ng mga kondisyon ng balat

Ang eksema at psoriasis ay umuulit, kaya pinakamahusay na kumunsulta sa iyong doktor. Ito ay malamang na gamutin ng mga iniresetang gamot sa bibig o mga over-the-counter na cream. Ang lichen sclerosus, sa kabilang banda, ay maaaring gamitan ng mga steroid na gamot para mabawasan ang pamamaga at pangangati.

Lifestyle changes at mga home remedy

Sa pangkalahatan, madaling gamutin ang masakit na pepe. Anuman ang pinagbabatayan ng sanhi, ang susi ay panatilihing malinis at malusog ang ari.

Paano mababawasan ang vaginal burning

Narito ang ilang paraan kung paano bawasan ang risks. Gayundin narito ang ilang mga remedyo sa bahay para sa pangangati at pananakit ng pepe.

  • Iwasan ang feminine sprays, mabangong toilet paper, at ilang partikular na detergent at sabon.
  • Huwag mag douche.
  • Hugasan mabuti ang iyong ari ng tubig at plain soap.
  • Palaging punasan ang harap hanggang likod pagkatapos umihi at dumi. 
  • Iwasang magsuot ng hindi angkop na damit at piliin ang mga kasuotang gawa sa maluwag at breathable na tela, tulad ng cotton.
  • Magpalit ng damit pagkatapos mag-ehersisyo o lumangoy.
  • Isama ang probiotic na pagkain sa iyong diet, na maaaring mag promote ng healthy bacteria. Subukan ang Greek yoghurt, miso, kefir, kombucha, pickles at sauerkraut.
  • Lagyan ng petroleum jelly o ice pack para mapawi ang burning sensation.
  • Makakatulong ang mga cortisone cream na mapawi ang matinding pangangati at burning sensations.

Kung mayroon kang anumang mga alalahanin, kumunsulta sa iyong doktor.

Key Takeaways

Ang masakit na pepe ay hindi normal, ngunit napaka karaniwan. Sa karamihan ng mga kaso, ito ay karaniwang hindi nakakapinsala at madaling gamutin. 
Gayunpaman, maari rin itong maging isang senyales ng isang mas malubhang kondisyon. Maaaring din na mag-iba ang mga sintomas sa bawat babae.
Pinapayuhan na kumunsulta sa iyong doktor para sa anumang alalahanin.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/ask-experts/i-have-a-burning-sensation-in-my-vagina-whats-going-on (Accessed 06 May 2020)

 

https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/vaginal-yeast-infections (Accessed 06 May 2020)

 

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/vulvodynia/symptoms-causes/syc-20353423 (Accessed 06 May 2020)

 

https://www.healthlinkbc.ca/health-topics/vagts (Accessed 06 May 2020)

 

https://www.acog.org/patient-resources/faqs/gynecologic-problems/disorders-of-the-vulva-common-causes-of-vulvar-pain-burning-and-itching (Accessed 06 May 2020)

 

https://www.jeanhailes.org.au/health-a-z/vulva-vagina-ovaries-uterus/vulva-vaginal-irritation (Accessed 06 May 2020)

https://www.aad.org/public/diseases/eczema/childhood/child-have/difference-psoriasis

https://www.allaboutwomenmd.com/knowledge-center/vaginal-itching-causes.html (Accessed 06 May 2020)

https://www.nhs.uk/conditions/lichen-sclerosus/

https://www.nhs.uk/conditions/topical-steroids/

https://www.nhs.uk/conditions/contact-dermatitis/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6317580/

https://www.cdc.gov/std/bv/stats.htm

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3818598/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/17560449

Kasalukuyang Version

06/27/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Anu-Ano Ang Mga Paraan Para Palakihin Ang Dibdib?

Adenomyosis: Ano Ang Epekto Nito Sa Katawan?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement