Ang bawat pepe ay may sariling kakaibang amoy. Kadalasang self-conscious ang mga kababaihan sa amoy pero, ang vagina na may fleshy odor ay normal. Mayroon bang mabahong pepe? Ano ba ang normal na amoy nito? Ang amoy ay malamang na kumbinasyon ng normal na vaginal bacteria, nutrisyon, at personal na kalinisan.
Ano ang normal na amoy ng ari?
Ito ay nag-iiba sa bawat tao. Dahil sensitibo ang ari, umaangkop ito sa mga pagbabago sa pang-araw-araw na kapaligiran ng babae. Halimbawa, sa panahon ng regla ang uri ng amoy at discharge ay apektado.
Kaya ano ang normal na amoy ng isang pepe? Ayon sa isang pag-aaral, ang amoy ng vagina ay binubuo ng 2,100 magkahiwalay na odiferous effluent o scent molecules. Ang ari ay tahanan din ng bilyun-bilyong bakterya.
Tinutukoy ni Dr. Maria Mendes Soares ng Mayo Clinic ang bacteria na ito bilang vaginal flora. Pinapanatili nito ang pH ng vagina sa 4.5 o bahagyang acidic, na nagpapaliwanag sa maasim na amoy.
Bukod dito, ang vagina ay naglalaman ng koleksyon ng mga glandula ng pawis, kaya kung ano ang inilalarawan ng iba bilang musty smell o mabahong pepe.
Ano ang sanhi ng pagbabago sa amoy ng ari?
Mayroong ilang dahilan kung bakit iba ang amoy ng ari sa buong linggo o buwan.
- Diet. Maaaring amoy ng ari kung ano ang iyong kinakain.
- Menstruation. Napapansin din ng mga babae ang pagbabago ng scent sa panahon ng kanilang regla.
- Sekswal na aktibidad. Maaaring mag-iba ang amoy ng ari pagkatapos ng pakikipagtalik. Ang semilya ay natural na may pH level na walo, na nakakaapekto sa iyong sariling pH balance.
- Antibiotic use
- Personal hygiene
- Pagbubuntis
- Menopause
- Iba pang hormonal imbalances na maaari ring baguhin ang iyong amoy
- Impeksyon. Ang mga impeksyon sa vaginal, kabilang ang mga yeast infection at sexually transmitted infection ay makakaapekto sa iyong amoy sa ibaba.
Mga uri ng amoy ng ari ng babae
Tangy o fermented
Ang acidity ay isang pangunahing dahilan kung bakit ang iyong ari ay nagbibigay ng mabango o maasim na aroma. Inihahambing ng iba ang amoy sa mga fermented na pagkain tulad ng yogurt at beer.Ang dahilan nito ay, dahil ang mga pagkaing ito ay naglalaman ng parehong bakterya na matatagpuan sa karamihan ng mga vagina: Lactobacilli. Nakakatulong ito na mapanatili ang normal na antas ng pH, na bahagyang acidic.
Coppery
Ang metalikong amoy na ito ay karaniwang nauugnay sa iyong regla. Naglalaman ng iron ang dugo, kaya ganun ang amoy. Ang dugo at tissue ay nalaglag mula sa iyong uterine lining sa panahon ng regla at itinatago sa pamamagitan ng vaginal canal. Maaari ding magkaroon ng pagdurugo pagkatapos ng pakikipagtalik. Ito ay dahil sa posibleng mga punit at scrapes sa paligid ng cervix.
Sweet
Ang pepe ay tahanan ng milyun-milyong bacteria. Minsan, ang labis na pagdami ng yeast ay maaaring magbunga ng matamis na tinge na katulad ng cookies at honey.
Chemical
Ito ay katulad ng amoy bleach o ammonia. Ang naipon na ihi sa paligid ng iyong vulva ay maaaring maglabas ng kemikal na amoy. Ito ay dahil ang ihi ay naglalaman ng urea, isang byproduct ng ammonia. Kapag amoy kemikal ang ari ng babae, maaari rin itong senyales ng dehydration.
Ang mala-chemical na amoy ay isa ring tagapagpahiwatig ng bacterial vaginosis, isang karaniwang impeksiyon sa mga kababaihan. Kasama sa mga sintomas nito ang pangangati, pananakit at discomfort, at abnormal na discharge sa ari na maaring mabahong pepe.
[embed-health-tool-ovulation]
Parang amoy body odor
Tulad ng anumang bahagi ng katawan, ang ari ay mayroon ding mga glandula ng pawis. Karaniwan tayong may dalawang uri: ang eccrine at apocrine glands.
Ang mga eccrine gland ay responsable sa paggawa ng pawis upang palamig ang katawan.
Sa kabilang banda, ang mga apocrine gland, ay tumutugon sa emosyonal na stimuli.
Milky fluid na kadalasang walang amoy. Kapag ito ay nahahalo sa bacteria sa paligid ng vulva, ito ay gumagawa ng masangsang na amoy.
Malansa
Ang ilang mga kababaihan ay nagrereklamo tungkol sa isang matapang, at malansang amoy. May dalawang posibleng dahilan para sa mabahong pepe na ito:
- Bacterial vaginosis: Ang labis na paglaki ng anaerobic bacteria ang pangunahing sanhi ng impeksyong ito.
- Trichomoniasis: Ito ay isang pangkaraniwang impeksiyon na nakukuha sa pakikipagtalik na madaling gamutin gamit ang mga antibiotic. Nagbibigay ito ng masangsang na malansang amoy.
Kailan ako dapat magpatingin sa doktor?
Ano ang normal na amoy ng ari? Kahit na ito ay maaaring naiiba mula fleshy hanggang musk para sa bawat babae, ang pangunahing bagay ay dapat itong maging bahagya at banayad.
Generally, madaling malaman ang abnormal na amoy ng mabahong pepe. Dahil mahirap silang balewalain.
Ang abnormal na amoy ng ari ng babae ay amoy ng pagkabulok at regular na nangyayari. Ang isang pagpunta sa doktor ay kinakailangan kapag ang amoy ay sinamahan ng mga sumusunod:
- Nangangati
- Burning sensation kapag umiihi
- Makapal, clumpy discharge
- Pagdurugo sa ari na walang kaugnayan sa regla
- Pananakit habang nakikipagtalik
Maaaring Magbago ang Normal na Amoy ng Pepe
Bagama’t maaari kang magkaroon ng regular na amoy ng ari, ang mga banayad na pagbabago ay normal. Ano ang normal na amoy ng ari? Maging pamilyar sa normal na antas ng pH ng iyong katawan. Ang amoy ng iyong ari ay lubos na nakadepende dito.
Maaaring dumating ang mga pagbabago sa panahon ng iyong regla, pagkakaroon ng penile sex, at kahit pagadaan sa menopause.
Ang mga ari ay naglilinis sa sarili. Gumagawa ito ng discharge na lumalaban sa bacteria at mikrobyo.
Gumawa ng mga tamang hakbang sa kalinisan, tamang diet, at pangalagaan ang iyong mga ari upang mabawasan ang matinding amoy ng mabahong pepe.