Kasama ang sexual health sa mga factor na nakakaapekto sa parehong sexual function at reproduction. Para sa maraming parte, kailangan natin ng healthcare provider upang matukoy ang estado ng ating sekswal na kalusugan, habang ang ilang mga bahagi naman ay maaaring i-self-assess. At sa artikulong ito, tatalakayin natin ano ang vaginal self-exam at paraan upang isagawa ito.
[embed-health-tool-ovulation]
Ano ang Vaginal Self-Exam?
Ano ang Vaginal Self-Exam? Ang vaginal self-exam (VSE) ay isang paraan para sa mga babae na masuri o makita ang kanyang vulva o puki. Ang vulva ay tumutukoy sa labas na bahagi ng genitalia ng babae, na naglalaman ng loob at labas na labia (labi), ang clitoris, at ang vestibule o sa pagbukas ng puki.
Sa kabilang banda, ang puki ay nakakonekta sa vulva papuntang cervix. Karagdagan, ito ay nagsisilbing daanan para sa buwanang dugo ng regla, dito rin dumaraanan ang titi habang nakikipagtalik, at ito rin ang birth canal o daanan ng sanggol sa tuwing nanganganak.
Bago matutuhan ang hakbang paano ang vaginal self-exam, kailangan mo munang malaman bakit ito ginagawa. Sa pangunahin, may dalawang rason para sa VSE:
Para mas maging akma ang iyong katawan, ang VSE ay isang paraan upang maobserbahan mo ang mga pagbabago sa iyong vulva at puki habang nasa cycle ng pagreregla, at masiguro kung mayroong mga abnormalities na kailangan ng medikal na atensyon
Ano ang Vaginal Self-Exam: Paano Ito Gawin?
Paghahanda
Dapat ka munang magpakonsulta sa doktor, at itanong mo ang lahat ng bagay na maaaring gawin at gamitin sa vaginal self-exam upang maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon at problema.
Ipagpalagay ang tamang posisyon
Sa oras na alam mo na ang mga gamit na kailangan mo, gaya ng higaan, maaari mo ng gawin ang pagsusulit. Una, dapat kang umupo na may suporta ang iyong likod maaaring sa unan o pader. Matapos ito, lumuhod sa pamamaraan na ang iyong mga paa ay malapit sa iyong ibaba. Panghuli, ibuka ang iyong hita at humiga nang kaunti. Dahil ang posisyon kung paano gawin ang vaginal exam ay medyo awkward, huwag kalimutan na i-relax ang pelvic muscles.
Umpisahan ang eksaminasyon
Hawakan ang salamin sa harap ng bahagi ng iyong ari at suriin ang itsura ng iyong vulva. Kung komportable ka na, maaari mong hawakan ang parte ng iyong vulva upang maging pamilyar ka rito. Tandaan ang mga sumusunod na normal na makikita para sa bawat parte:
Labia majora at labia minora – Ang ilabas na bahagi ng labi ng vulva (labia majora) ay kadalasang mataba at pinalilibutan ng buhok. Karagdagan, nakapalibot dito ang labia minora (inner lips). Ito ay para makita mo na napro-protektahan ito ng vestibule, na bukasan ng puki.
Clitoris – Kung ibubuka mo ang labia, makikita mo rin ang clitoris sa gitna, sa ibaba lang ng clitoral hood. Ang clitoral hood ay bump na tissue sa bahagi ng loob na labi na kasama sa itaas ng urethral opening, kung saan dumaraan ang ihi.
Suriin ang iyong puki – Ibuka ang labi ng puki nang dahan-dahan upang makita ang iyong puki. Madali mo itong makikita sa pamamagitan ng paghawak ng salamin at flashlight. Sa obserbasyon, makikita mo na ang iyong puki ay may pinkish na walls at folds o ridges sa paligid. Kung ikaw ay komportable, maaari mo ring ipasok ang iyong mga daliri upang maramdaman ang vaginal wall. Mapapansin mo na ang vaginal wall ay parang itaas na bahagi ng iyong bibig.
Tingnan ang iyong vaginal discharge – Panghuli, tingnan ang mga katangian ng iyong vaginal discharge. Kadalasan, ang discharge ay malinaw hanggang sa puting cloudy. Bagaman ito ay nakadepende sa iyong cycle ng pagreregla. Karagdagan, ang discharge ay maaaring may amoy o wala, hangga’t hindi ito mabaho.
Ikonsidera kung ano ang “normal” para sa iyo
Ngayong alam mo na kung ano ang vaginal self-exam, mahalagang alamin kung ano ang “normal” sa katawan mo.
Ang isang mahalagang parte kung paano gawin ang vaginal self-examination ay maging pamilyar. Habang sinusuri mo ang iba’t ibang parte ng iyong vulva, tandaan kung ano ang normal para sa iyo. Pakiusap na tandaan na ang normal na kulay, size, at hugis, ay magkakaiba sa bawat babae. Karagdagan, nakadepende rin ito sa sitwasyon. Kung ikaw ay aroused, halimbawa, ang labia at ang clitoris ay maaaring mamaga.
Ano ang Vaginal Self-Exam: Regular itong gawin
Upang malaman kung may nangyayaring labas sa ordinaryo sa iyong labas na parte ng ari, kailangan mong regular na magsagawa ng VSE. Kung regular mong nasusuri ang iyong vulva at puki, madali mong malalaman kung may mali. Maaari itong gawin kahit na isang beses kada buwan, o kung gaano mo kadalas nais.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng Vaginal Self-Exam
Ngayon na alam mo na paano gawin ang vaginal self-exam, oras na para sa ilang mga dapat tandaan:
- Ang mainam na panahon para gawin ang VSE ay sa pagitan ng iyong menstrual period.
- Huwag gumamit ng kahit na anong cream o douche bago ang vaginal self-exam.
- Siguraduhin na ang iyong mga kamay ay malinis bago magsagawa ng VSE.
- Hangga’t nire-relax mo ang iyong mga muscles, wala kang mararamdaman na sakit. Kung nakaramdam ng sakit, mayroong posibilidad ng vaginal infection o presensya ng sores.
- Ang pagsasagawa ng vaginal self-exam ay ligtas.
- Ang VSE ay hindi dapat ipalit sa kahit na anong eksaminasyon, partikular na ang pelvic exam o smear test.
Kailan Magpapatingin sa Doktor
Bukod sa kaalaman tungkol sa kung ano ang vaginal self-exam, mahalaga ring malaman kung kailan dapat magpatingin.
Sa panuto kung paano gawin ang vaginal self-exam, natalakay natin kung ano ang dapat na normal findings. Kung nakapansin ng kahit na anong hindi normal, kailangan mong konsultahin ang iyong doktor para sa maayos na diagnosis.
Halimbawa ng mga bagay na HINDI mo dapat makita habang VSE:
- Hindi karaniwang amoy ng puki
- Grey, berde, dilaw o madugong vaginal discharge
- Sores o genital warts sa vulva
- Hindi karaniwang paglaki ng puki
Minsan, makakikita ka ng mga hindi karaniwang pamumula sa iyong labia. Kung nakita ito, isipin ang iyong mga nakaraang ginawa na maaaring mag-trigger ng iritasyon. Ang labia ay maaaring irritated sa nakaraang pakikipagtalik o sa feminine product. Kung walang rason para sa iritasyon at pamumula, mainam na konsultahin ang iyong doktor.
Kung alam mo kung paano isagawa ang vaginal self-exam, magiging mas pamilyar ka sa iyong katawan at mas makikita kung may mali. Ang VSE ay maaaring awkward sa umpisa, ngunit kung isasagawa nang regular, mas magiging komportable ka na rito.
[embed-health-tool-due-date]
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Babae rito.