backup og meta

Gamot Sa Mabahong Pepe, Alin Ba Ang Epektibo?

Gamot Sa Mabahong Pepe, Alin Ba Ang Epektibo?

Sabi ng mga sexual health experts, karaniwan na may amoy ang ari paminsan-minsan. Ngunit sa pangkalahatan, ang normal na amoy ng ari ay maaaring ilarawan na “fleshy” or “musky.” Kaya naman, kung mapapansin mo ang isang malakas na amoy, na “malansa,” maaaring may problema. Alamin dito ang gamot sa mabahong pepe.

Ano ang Maaaring Magdulot ng Malansang Amoy ng Pepe?

Maraming bagay ang maaaring maging sanhi ng malansang amoy ng iyong ari. Nasa ibaba ang ilan sa mga pinakakaraniwang dahilan:

Bacterial Vaginosis

Ang mga babae ay maaaring makakuha ng bacterial vaginosis (BV) pagkatapos ng pakikipagtalik. Ngunit tandaan na hindi ito impeksyon na nakukuha sa pakikipagtalik. Pangunahin, ito ay isang imbalance sa vaginal flora na nagiging sanhi ng BV. Bukod sa malansang amoy, nagreresulta din ito sa pangangati ng ari, at berde, dilaw, o kulay abong discharge.

Ang Pelvic Inflammatory Disease

PID, na isang impeksyon sa vaginal na umakyat sa pelvic region (uterus, fallopian tubes, ovaries), ay maaaring magdulot ng malansang amoy ng ari. Ang isa pang babala ng PID bukod sa malansang amoy ay ang pagdurugo sa panahon ng pakikipagtalik at maging ang malalim na pelvic pain sa panahon ng penetrative sex.

Sexually-Transmitted Infections

Upang masagot ang tanong, ano ang gamot sa mabahong pepe na ito?, maaaring kailanganin mong magpasuri para sa mga STI. Ito ay dahil ang ilang impeksyon na nakukuha sa pakikipagtalik, tulad ng trichomoniasis, ay maaaring magdulot ng malansang amoy sa ari. Ang iba pang mga sintomas na maaaring ipakita ng “trich” ay masakit na pag-ihi, masakit na pakikipagtalik, at pangangati at pananakit ng ari.

Iba pang mga Factors

Ayon sa reports na ang mga kondisyon tulad ng labis na pagpapawis, poor hygiene, at poor diet ay maaaring magdulot ng malansang amoy sa ari. Maaari mo ring mapansin ang malakas na amoy bago o pagkatapos ng iyong regla.

Kung wala sa mga dahilan na inilarawan sa itaas ang nagdulot ng malansang amoy, posibleng mayroon kang Trimethylaminuria o “Fishy Odor Syndrome.”

Ano ang Fish Odor Syndrome?

Ang Fish odor syndrome o Trimethylaminuria ay isang bihirang metabolic na kondisyon kung saan hindi ma-convert ng pasyente ang kemikal na trimethylamine sa trimethylamine N-oxide.

Kapag naipon ang trimethylamine, nagdudulot ito ng malansang amoy na nananatili sa hininga, ihi, pawis, at vaginal discharge.

Ang ilang mga pasyente na may Trimethylaminuria ay naglalabas ng malakas na malansang amoy, habang ang iba ay may katamtamang amoy. Bilang karagdagan, ang amoy ay maaaring mag-iba sa intensity depende sa sitwasyon. Halimbawa, ang mga sumusunod na factors ay tila nagpapalala sa mga sintomas:

  • Menstrual period
  • Stress
  • Pagpapawis
  • Pagkain tulad ng beans, itlog, at isda

Maliban sa katamtaman hanggang sa malakas na amoy, ang mga pasyente na may Fish Odor Syndrome ay karaniwang malusog.

Dapat ding tandaan na ang Fish Odor Syndrome ay mas karaniwan sa mga babae kaysa sa mga lalaki. Hindi pa rin alam ng mga mananaliksik kung bakit, ngunit hinala nila na may kinalaman ito sa mga hormone na estrogen at progesterone.

gamot sa mabahong pepe

Ano ang Nagiging sanhi ng Fish Odor Syndrome?

Bago natin isa-isahin ang iba’t ibang paraan para maalis ang malansang amoy, tukuyin muna natin kung ano ang sanhi ng Fish Odor Syndrome.

Ang mga pasyenteng may Fish Odor Syndrome ay may mga problema sa enzyme flavin monooxygenase 3 (FMO3). Ang enzyme na ito ay responsable para sa ugnayan ng trimethylamine sa trimethylamine N-oxide.

Dahil ang mga gene ay kasangkot sa kundisyong ito, binibigyang-diin ng mga ulat na ang Fish Odor Syndrome ay karaniwang namamana.

Paano Mawawala ang Malansang Amoy

Ang paggamot para sa Fish Odor Syndrome ay nakatuon sa pagpigil at pag-alis ng matapang na amoy. Ang mga sumusunod na hakbang ay maaaring makatulong sa pag-alis ng malansang amoy o gamot sa mabahong pepe:

Baguhin ang Iyong Diet

Para maalis ang malansang amoy, mahalagang baguhin ang iyong diet. Ibig sabihin, kailangan mong iwasan ang mga pagkain na naglalaman ng trimethylamine at mga precursor nito.

Ang mga halimbawa ng mga pagkain na dapat iwasan ay:

  • Gatas na nakukuha mula sa mga baka na pinapakain ng trigo
  • Beans
  • Peanuts
  • Mga gisantes
  • Atay
  • Egg
  • Kidney
  • Produktong soy
  • Brassicas (cauliflower, broccoli, repolyo)
  • Mga suplemento ng langis ng isda at isda na naglalaman ng lecithin

[embed-health-tool-ovulation]

Uminom ng gamot

Para sa gamot sa mabahong pepe, maaaring magreseta ang doktor ng antibiotic o laxative na gamot para sa iyo.

Ang mga antibiotic at laxative ay maaaring makatulong na sugpuin ang produksyon ng kemikal na trimethylamine, sa gayon ay mapabuti ang mga sintomas.

Uminom ng Supplements

Sa ilang pagkakataon, maaaring payuhan ka ng doktor na uminom ng activated charcoal o supplement na may riboflavin o B12.

Ang activated charcoal ay maaaring makatulong na mapabuti ang mga sintomas ng Fish Odor Syndrome sa pamamagitan ng pag-alis ng labis na trimethylamine sa katawan. Sa kabilang banda, ang B12 ay maaaring makatulong na “pahusayin” ang natitirang FMO3 – ang enzyme na tumutulong sa pag-metabolize ng trimethylamine.

Baguhin ang Lifestyle

Panghuli, upang maalis ang mga sintomas ng Fish Odor Syndrome, tingnan ang pagsunod sa maliliit na hakbang na ito:

  • Lumipat sa magaan na pag-eehersisyo. Ang pag-eehersisyo ay isang mahalagang bahagi ng pagiging malusog, ngunit ang mga taong may Fish Odor Syndrome ay maaaring nahihirapang magpanatili ng isang fitness routine dahil mabaho ang kanilang pawis. Pinapayuhan ng mga eksperto na lumipat sa banayad o mababang epekto na pag-eehersisyo.
  • Bawasan ang stress. Hindi lang pinapawisan ka kung stress, maaari rin itong lumala sa mga sintomas ng Fish Odor Syndrome. Bawasan ang stress sa pamamagitan ng pagsubok sa meditation o paggawa ng deep breathing exercises.
  • Gumamit ng sabon na may katamtamang pH. Ang antas ng pH ay nasa 5.5 hanggang 6.5. Ipinaliwanag ng mga doktor na ang paggamit ng mga sabon na halos kapareho ng pH ng balat ay makakatulong sa pag-alis ng trimethylamine.
  • Gumamit ng antiperspirant. Dahil ang malansang amoy ay nananatili sa pawis, makatutulong ang paggamit ng mga produktong antiperspirant. Bukod pa rito, pinapayuhan din ng mga eksperto ang mga pasyente na labahan ang kanilang mga damit nang madalas upang maalis ang pawis.

Key Takeaways

Ang pagkakaroon ng malakas, malansang amoy sa iyong ari ay maaaring nagpapahiwatig ng impeksyon o poor nutrition. Maaari rin itong sanhi ng labis na pagpapawis o regla. Gayunpaman, kung hindi mo matukoy ang dahilan at nalaman mo na ang amoy ay nananatili hindi lamang sa iyong genital area kundi pati na rin sa iyong ihi at pawis, maaaring may Fish Odor Syndrome ka.
Mangyaring huwag mag-atubiling kumunsulta sa iyong doktor para sa gamot sa mabahong pepe dahil sila lamang ang makakapagbigay sa iyo ng tamang diagnosis.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

8 Causes of Fishy Vaginal Odor and What to Do About It
https://flo.health/menstrual-cycle/health/symptoms-and-diseases/fishy-vaginal-odor
Accessed September 16, 2020

Trimethylaminuria (‘fish odour syndrome’)
https://www.nhs.uk/conditions/trimethylaminuria/
Accessed September 16, 2020

Trimethylaminuria
https://rarediseases.info.nih.gov/diseases/6447/trimethylaminuria
Accessed September 16, 2020

About Trimethylaminuria
https://www.genome.gov/Genetic-Disorders/Trimethylaminuria
Accessed September 16, 2020

Fish odour syndrome
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3091902/#:~:text=Trimethylaminuria%2C%20also%20known%20as%20fish,disorder%20first%20described%20in%201970.&text=It%20is%20characterized%20by%20abnormal,breath%2C%20sweat%20and%20vaginal%20secretions.
Accessed September 16, 2020

Kasalukuyang Version

06/15/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Female Alopecia at Paano Ito Maaaring Gamutin?

Bukol Sa Ari Ng Babae: Mga Uri, Sintomas, At Paggamot


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement