Ilang araw na simula noong nakaramdam ka ng pangangati sa iyong feminine area. Nabanggit mo ito sa iyong kaibigan at sinabi niya na gumamit ka ng feminine wash para rito. Ngunit, nakatutulong ba talaga ang feminine wash para sa makati ang ari? Ano ang iba pang mga alternatibo na maaari mong ikonsidera gawin para sa isyu na ito? Alamin sa artikulong ito.
Bago natin sagutin ang katanungan tungkol sa feminine wash para sa makati ang ari, ating alamin muna kung ano vaginal yeast infection, ang kondisyon na nagdudulot ng naturang pangangati.
Ano Ang Vaginal Yeast Infection?
Maaari kang makaranas magkaroon ng impeksyon dahil karamihan sa mga malulusog na vagina ay nagkakaroon ng yeast. Ito ay dahil kadalasan ang mga yeast infections ay nangyayari sa mga mamasa-masang parte ng katawan. Bagama’t hindi komportable at kanais-nais, karaniwan ang ganitong mga impeksyon.
Ang vaginal yeast infection ay isang uri ng vaginitis. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon kung saan ang vagina ay namamaga at masakit, dahilan upang maglabas ng discharge. Kinikilala rin ang impeksyong ito bilang vulvovaginal candidiasis marahil ito ang partikular na uri ng fungi na nagdudulot ng impeksyon. Hindi naman nagdudulot ng problema ang mga yeast kung ito ay balanse sa ecosystem ng iyong katawan. Subalit kapag nabuwag ang pagkakabalanse, mabilis na lumalaki ang mga yeast. Karaniwan ito sa mga kabataang babae. Posible ring magkaroon ang mga kababaihang:
- Buntis
- Gumagamit ng hormonal conraceptives (tulad ng mga birth control pills)
- Mayroong diabetes
- Mayroong mahinang immune system (dahil sa HIV infection o mga gamot tulad ng steroids o chemotherapy)
- Umiinom ng mga antibiotics
Mga Senyales At Sintomas Ng Vaginal Yeast Infection
Maaari kang magkaroon ng ilang mga partikular na senyales at sintomas ng vaginal yeast infection na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Ang iba ay maaari ring makapansin ng maliliit na hiwa o bitak-bitak sa balat ng vulva dahil sa karupukan ng balat sa nasabing parte. Dahil dito, ang ilang mga kababaihan ay nauuwing gumagmit ng mga feminine wash para sa makati ang ari.
Makatutulong Ba Ang Feminine Wash Para Sa Makati Ang Ari?
Isang malaking katanungan para sa mga kababaihang mayroong yeast infection kung epektibo ba ang paggamit ng feminine wash para sa makati ang ari. Ito ay marahil marami ang gumagamit ng mga feminine hygiene products tulad ng nabanggit upang mapanatili itong malinis at presko. Maaaring makatulong ito upang maibsan ang pangangati, ngunit hindi nito direktang nagagamot ang vaginal yeast infection. Walang sangkap na nakapaloob sa mga feminine wash ang nakatutulong sa paggamot ng naturang impeksyon.
Iminumungkahi ng isang pagsusuri ang paggamit ng mild, unfragrances at soap-free na mga feminine wash upang malinis ang balat ng vulva. Ito ay mainam upang maiwasan ang pamumuo ng pawis, regla, dead cells, at ibang mga biological material na maaaring humantong sa pagkakaroon ng mga nakakapinsalang bacteria.
Ano Ang Maaaring Gawin Upang Magamot Ang Vaginal Yeast Infection?
Hindi mo man magagamit ang feminine wash para sa makating impeksyon, may ilang mga alternatibo upang magamot ito. Gayunpaman, dapat mong malaman na mayroong iba’t ibang uri ng yeast na maaaring magdulot ng impeksyon. Kaugnay nito, maaari ring maging iba ang paggamot depende sa kalubhaan at dalas ng impeksyon. Kung kaya, mahalagang kumunsulta sa iyong doktor tungkol dito.
Maaari ka niyang resetahan ng antifungal medication. Maaari itong ibigay sa anyo ng topical o oral tulad ng mga sumusunod:
- Creams
- Ointments
- Tablets
- Suppositories
Nakatutulong ang mga ito upang labanan ang labis na paglaki ng mga yeast sa katawan.
Kung gumagamit ka ng mga naturang vaginal treatment, hindi ka dapat makipagtalik hanggang sa ganap na magamot ang impeksyon. Ito ay sa kadahilanang maaaring pahinain ng mga gamot na ito ang condom at diaphragms.
Key Takeaways
Karaniwang nagkakaroon ng vaginal yeast infection ang mga kababaihan. Gayunpaman, hindi inirerekomenda bilang gamot ang feminine wash para sa makati ang ari. Mas mainam na gumamit ng mga antifungal na medication tulad ng mga creams at tablets upang mawala ang mga sintomas sa loob ng ilang araw. Bukod pa rito, patuloy ding napapagaling ng mga ito sa loob ng isang linggo.
Mahalagang inumin ang gamot sa buong oras na inireseta. Kung ihihinto mo ito nang masyadong maaga, maaaring bumalik ang impeksiyon. Kung kaya, mainam na makipagugnayan sa iyong doktor patungkol sa iyong sitwasyon.
Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito.