backup og meta

Epekto sa Balat ng Hormonal Imbalance

Epekto sa Balat ng Hormonal Imbalance

Ang pagkakaroon ng masyadong konti o sobra sa partikular na hormone ay pwedeng magdulot ng maraming pisikal at mental na sintomas. Ang kapansin pansin dito ay maaari itong makaapekto sa ating balat. Ano ang mga epekto ng hormonal imbalance sa balat ng kababaihan? Alamin dito.  

Acne Breakouts

Ang ilang mga kababaihan na may natural na oily skin ay madalas na napapansin na mas oily ang kanilang balat isang linggo bago ang kanilang regla. Pero kung may long-term oily skin ka na nauuwi sa malalang acne breakout, kumunsulta ka sa iyong doktor kung nakakaranas ng isang uri ng hormonal imbalance.

Kung may chronic acne breakouts ka, pwedeng ibig sabihin na may mas mataas kaysa sa normal na testosterone level. Ito ay posibleng nagpapahiwatig ng polycystic ovary syndrome (PCOS). 

Ang iba pang mga palatandaan at sintomas ng PCOS ay:

  • Irregular o missed periods
  • Mga problema sa pagkakaroon ng sanggol
  • Sobrang buhok sa mukha, kili-kili, atbp. (hirsutism)

Dark Under-Eye Circles

Alam mo ba na ang bags sa ilalim ng mga mata mo ay maaaring isa sa mga epekto ng hormonal imbalance sa balat? Maaaring hindi nakakagulat na magkaroon ng under-eye bags kung hindi ka nakakatulog ng magkakasunod na ilang araw. Pero kung ito ay hindi nawawala, dahilan ito na maniwala ka na may kinalaman ang hormonal imbalance.

Ayon sa mga report, pinatataas ng stress ang cortisol, ang hormone na ginagawa ng adrenal gland. Sa paglipas ng panahon, kapag dumaan ka sa matagal na stress, ang adrenal glands ay maaaring “mapagod,” na humahantong sa pagbaba ng cortisol levels (isang uri ng adrenal insufficiency). Ang isa sa mga sintomas ng pagkakaroon ng masyadong maliit na cortisol ay ang mga maitim na bilog sa ilalim ng mata.

Ang iba pang mga sintomas ng adrenal insufficiency ay:

  • Fatigue
  • Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang
  • Sakit ng katawan
  • Mababang presyon ng dugo
  • Pagkawala ng buhok sa katawan
  • Pagkahilo

Dry Skin

Tulad ng acne-producing oily skin, ang tuyong balat ay maaari ding isa sa mga epekto ng hormonal imbalance. Ayon sa mga pag-aaral, ang malaking pagbaba sa hormone estrogen ay maaaring magresulta sa pagkatuyo ng balat at maging ng vaginal dryness.

Isang karaniwang dahilan ng mababang estrogen level ay menopause. Gayunpaman, ang mga babae na may regla pa rin ay pwedeng magkaroon ng napaka kaunting estrogen. Ito ay kung may problema sila sa ovaries, may eating disorder, o masyadong nag-eehersisyo. 

Panghuli, tandaan na ang mababang estrogen ay pwede ring humantong sa:

  • Pagnipis ng balat
  • Pagdami o mas halatang wrinkles
  • Nabawasan ang skin firmness

Ang mga sintomas na ito ay karaniwan sa mga kababaihan sa kanilang menopausal stage. Bukod sa skin manifestations na ito, ang mababang antas ng estrogen ay nagreresulta din sa:

  • Mood swings
  • Increased urinary tract infections (UTIs)
  • Hot flashes
  • Irregular o missed periods

Skin Tags

Ang isang ito ay tila medyo nakakagulat, ngunit ang mga pag-aaral ay nagpapakita na ang skin tags ay lumilitaw na isa sa mga epekto ng hormonal imbalance sa balat. Ngunit, una sa lahat, ano ang skin tags? Ang skin tags ay malambot, ka-kulay ng balat na mga butlig na iba-iba ang laki. Karamihan sa skin tags ay lumalabas sa ilalim ng dibdib, sa kilikili, leeg, at bandang singit.

Maraming tao ang mayroong kahit isang skin tag sa kanilang katawan. Gayunpaman, maraming skin tags ay maaaring magpahiwatig ng insulin resistance o hindi nakakagamit ng mataas na antas ng insulin sa katawan.

Ang iba pang mga sintomas ng pagtaas ng insulin levels ay:

  • Madalas na gutom at sugar cravings
  • Fatigue
  • Pagtaas ng timbang
  • Kulang sa focus

Epekto ng Hormonal Imbalance sa Balat: Ang Susunod na Gagawin?

Kung sakali na mayroon kang alinman sa mga sintomas sa balat sa itaas, hindi kailangang agad na ipalagay ng may hormonal problem. Tandaan maaaring may ilang dahilan kung bakit may acne breakouts, maitim ang ilalim ng mata, skin tags, at tuyong balat.

Kung ang problema mo sa balat ay may iba pang hindi maipaliwanag na mga sintomas, pinakamainam na kumunsulta sa iyong doktor. Magagawa nilang masuri ang iyong kondisyon at bibigyan ka ng naaangkop na treatment options. 

Key Takeaways

Ang ilan sa mga epekto ng hormonal imbalance sa balat ay ang long-term acne breakouts, tuyong balat, dark under-eye circles, at skin tags. Ngunit, tandaan na kung mayroon kang hormonal disorder, malamang na magkakaroon ka rin ng iba pang mga sintomas.

Matuto pa tungkol sa Women’s Health dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Stress and hormones
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3079864/
Accessed December 22, 2020

Rhythm of sebum excretion during the menstrual cycle
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/1884855/
Accessed December 22, 2020

Is there such a thing as adrenal fatigue?
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/addisons-disease/expert-answers/adrenal-fatigue/faq-20057906
Accessed December 22, 2020

Cortisol Fact Sheet
https://imcwc.com/html5-blank/cortisol-fact-sheet/
Accessed December 22, 2020

Estrogen-deficient skin: The role of topical therapy
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6451761/
Accessed December 22, 2020

DIABETES: 12 WARNING SIGNS THAT APPEAR ON YOUR SKIN
https://www.aad.org/public/diseases/a-z/diabetes-warning-signs#:~:text=Skin%20tags,blood%20or%20type%202%20diabetes.
Accessed December 22, 2020

Kasalukuyang Version

11/23/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Hashimoto's Disease? Alamin Ang Sanhi, Sintomas, At Paggamot Dito

Alamin: Mga Problema Sa Thyroid Pag Nakararanas Ng Menopause


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement