Ano ang thyroid at parathyroid gland?
Thyroid Gland
Ang thyroid gland ay matatagpuan sa mismong harap ng trachea o daluyan ng hangin, at sa ibaba ng larynx. Kasinghugis ito ng paru-paro na ang mga pakpak ay magkakonekta sa gitna. Ito ay maaaring maramdaman mula sa labas ng leeg kahit na ito ay may normal na laki.
Ito ay brownish-red ang kulay at maraming ugat na daluyan ng dugo ang matatagpuan dito. Ang nerves na mahalaga sa pagkontrol sa kalidad ng boses ay dumaraan din sa bahaging ito.
Nagpoprodyus ang thyroid gland ng maraming hormones na kolektibong tinatawag na thyroid hormones. Ang pangunahing hormone na pinoprodyus nito ay ang thyroxine, na tinatawag ding T4.
Nakaaapekto sa buong katawan ang thyroid hormones. Ito ay may epekto sa paglaki, pagdebelol, at metabolismo. Ang pagkakaroon ng sapat na thyroid hormones ay mahalaga rin habang sanggol at bata pa upang matiyak ang wastong pagdebelop.
Parathyroid Glands
Ang parathyroid glands ay apat na glands na hugis oval. Matatagpuan ang mga ito sa mismong katabi ng thyroid glands. Bawat isa nito ay kasinglaki ng isang gisantes. Ang mga ito ay naglalabas ng parathyroid hormone. Mahalaga ito sa regulasyon ng lebel ng calcium sa dugo. Ang wastong lebel ng calcium sa katawan ay mahalaga dahil ang maliit na pagbabago nito ay maaaring humantong sa mga malulubhang problema sa nerve at muscle.
Pinangangasiwaan din ng parathyroid hormone ang pagsipsip ng calcium mula sa mga pagkain at inilalabas ito sa daluyan ng dugo.
Ano Ang Thyroid At Parathyroid Gland: Mga Kondisyon Ng Thyroid Gland
Maraming mga kondisyon ang maaaring makaapekto sa impact at paggana ng thyroid gland.
Ang mga problemang ito sa thyroid ay karaniwan. Halimbawa, mahigit 1 bilyong tao ang may tyansang makaranas ng kakulangan sa iodine na maaaring magresulta sa mga problema sa thyroid. Isa pang karaniwang sanhi ng mga problema sa thyroid ay ang autoimmune na sakit.
Kabilang sa mga karaniwang sakit sa thyroid sa mga kababaihan ay ang mga sumusunod:
- Hypothyroidism
- Hyperthyroidism
- Thyroid cancer
Ang hypothyroidism at hyperthyroidism ay sampung beses na mas karaniwan sa mga kababaihan.
Tinatayang nasa 200 milyong tao sa buong mundo ang may ilang uri ng sakit sa thyroid. Karamihan sa kanila ay hindi alam na mayroon silang ganitong problema sa kalusugan.
Hyperthyroidism
Nangyayari ang hyperthyroidism kung ang thyroid gland ay naging lubhang aktibo at nagpoprodyus ng sobrang hormones. Ang karaniwang sanhi nito sa mga kababaihan ay ang Graves’ disease, na isang autoimmune problem. Sa kondisyong ito, tinatarget ng antibodies ang thyroid gland, na humahantong sa pagtaas ng produksyon ng hormone.
Hypothyroidism
Minsan, ang produksyon ng hormone ng thyroid ay hind sapat sa kailangan ng katawan. Ito ay maaaring dulot ng hindi wastong pagkakabuo ng thyroid glands habang nasa sinapupunan pa lamang ang isang sanggol, o dahil sa ibang kadahilanan. Humahantong sa hypothyroidism ang mga ito.
Ang hypothyroidism ay maaaring sanhi ng isang autoimmune na sakit na tinatawag na Hashimoto’s disease. Ang sakit na ito ay ang sanhi upang atakehin ng antibodies ang thyroid gland. Dahil dito, nasisira ang kakayahan nitong magprodyus ng hormones.