backup og meta

Waxing O Shaving: Alin Ang Mas Epektibo Sa Dalawang Ito?

Waxing O Shaving: Alin Ang Mas Epektibo Sa Dalawang Ito?

Maraming mga batang babae at lalaki sa kanilang puberty o adolescent years ang nagsisimulang mapansin ang pagtubo ng unwanted hair sa ilang bahagi ng katawan. Sa kili-kili man o sa binti, ang karaniwang tanong ay kung paano ito tatanggalin. Bagama’t may iba’t ibang paraan para tanggalin ang unwanted hair, maraming tao ang nag-iisip ng dalawang pamamaraan — waxing o shaving. Ipapakita ng artikulong ito ang pagkakaiba ng waxing kumpara sa shaving para matulungan kang piliin ang pinakamagandang opsyon para sa iyo.   

Kilalanin ang iyong Buhok 

Nasa halos lahat ng bahagi ng katawan ang buhok. Ito ay para bigyan ang balat ng pantakip, proteksyon, at maging ang thermoregulation.

Ang paglago ng buhok ay nagmumula sa ilalim ng balat sa ugat ng buhok sa loob ng follicle ng buhok, na isang maliit na tube sa balat.

Mayroong dalawang uri ng buhok sa katawan. Ang isa ay ang vellus hair na pino, maikli, at silky hair na nasa mukha, dibdib, at likod ng maraming babae. Sa ilang mga kaso, maaari itong lumitaw na darker at mas halata kaysa karaniwan.   

Samantala, ang iyong terminal hair ay mas mahaba, mas maitim, at mas magaspang kumpara sa vellus hair. Ang terminal hair ay ang buhok sa iyong ulo. Sa panahon ng puberty, nagsisimula din itong mabuo at tumubo sa kilikili at pubic region.

Maaaring mapansin din ng mga lalaki ang ilang buhok na tumutubo sa mukha. Ang iba pang parte tulad ng mga binti, at maging ang chest area ay may ilang terminal hair para sa cushioning at proteksyon.

Ang patuloy na pagtubo ng buhok sa ilang lugar ay maaaring hindi komportable sa ilang lalaki at babae. Kaya naman, ang ilan ay gumagamit ng hair removal treatment na waxing o shaving na pangunahing option.

Waxing o Shaving: Paano Ito Gumagana, Mga Kalamangan, Pros, Cons, at Tips

Pagdating sa waxing o shaving, may ilang bagay na dapat i-consider ang isang tao. 

Waxing

Ang sticky wax, alinman sa mainit o malamig, ay ipapahid sa parte ng balat kung saan aalisin ang buhok. Pagkatapos, isang strip ng tela ang ilalagay sa ibabaw ng wax at agad tatanggalin. 

Ang prosesong ito ay nakakatulong na alisin ang ugat ng buhok at dead skin cells na kasama nito. Maaari itong gawin sa bahay o sa isang waxing salon. Epektibo ito sa mga binti, bikini area, at kilay. 

Pros ng waxing

Ang mga benepisyo ng waxing ay:

  • Pagkatapos tanggalin ang unwanted hair, maaaring mas makinis ang pakiramdam ng iyong balat at maaaring magsimulang tumubo ng mas manipis ang buhok sa paglipas ng panahon. 
  • Maaaring gamitin ang prosesong ito para i-exfoliate din ang balat. 
  • Ang mga resulta ng waxing ay tumatagal sa pagitan ng 3-4 na linggo.

Cons ng Waxing

Sa kabilang banda, ang waxing ay may ilang mga disadvantages. Maraming tao ang ayaw sa opsyong ito dahil maaari itong hindi komportable.

  • Depende sa pain tolerance ng isang tao, maaaring hindi ito komportable. Ang ilang mga tao ay naniniwala na ang waxing ay mas masakit kaysa sa shaving dahil ang buhok ay tinanggal sa ugat.
  • Kung hindi ka maingat, maaaring masunog ang iyong balat ng mainit na wax. Kung minsan ito ay nauuwi sa pamamaga, pamumula at/o bukol.
  • Ang pagwa-wax ay maaaring makairita sa balat at makabuo ng mga irritated hair follicles, discomfort, pamumula, ingrown hair, at pangangati ng balat. 
  • Kapag umiinom ng anumang mga gamot sa acne o retinoid, ang facial hair removal sa babae ay maaaring magresulta sa mga gasgas, impeksyon, at maging mga peklat. 
  • Ang buhok ay dapat na humigit-kumulang 6 na milimetro  ang haba para magkaroon ng bisa ang waxing.  

Dapat iwasan ng mga teenager na umiinom ng oral acne treatments tulad ng tretinoin at isotretinoin ang proseso dahil maaari itong maging sanhi ng pagiging sensitibo ng balat. Katulad nito, dapat ding iwasan ang mga bahaging may sunburn o ang mga may nunal habang ginagamot.

Mas mahal ang professional waxing kaysa sa iba pang paraan ng hair removal. Kaya lang mas alam ng mga professional kung paano ito gawin ng mas mahusay. Kaya naman, mas ligtas para sa iyo na ipagawa sa kanila ang waxing.  Waxing o shaving?

Shaving

Sa shaving, inaalis ang dulo ng buhok na tumubo sa balat gamit ang isang razor. Ang ilang razor ay disposable, habang ang iba ay may disposable blade o de-kuryente. Madalas nag-aahit ng mukha ang mga lalaki. Ang mga babae naman ay madalas nag-aahit ng kanilang kilikili, binti at sa bikini areas. Kung waxing o shaving, alamin natin.

Pros ng shaving

Maraming tao ang pumipili na mag-shave dahil:

  • Ito ay mabilis, simple at madaling isama sa regular routine sa bahay.
  • Ang mga razor at shaving cream ay hindi mahal kumpara sa salon waxes.
  • Hindi masakit ang shaving dahil tinatanggal lang nito ang follicle ng buhok mula sa ibabaw ng balat at iniiwan ang ugat na buo.
  • Walang kailangan haba ang buhok. Hindi kailangang hintayin na tumubo ang buhok sa minimum length para maging epektibo ito. 

Cons ng shaving

May mga negatibong epekto din ang shaving:

  • Ang shaving ay maaaring magdulot ng pamamaga ng follicle ng buhok, pangangati, ingrown hairs, at razor burn. 
  • Tatagal lamang ng 1 hanggang 3 araw ang epekto nito. 
  • Maaaring magkaroon ng irritation at mga hiwa mula sa mapurol na mga blades.

Ang isang magandang tip ay huwag mag dry shave. Kung sensitive ang balat mo, mag-ahit ng dahan-dahan at gumamit ng moisturizing lotions. 

Good idea din na mag-ahit sa gitna ng paliligo para mabuksan ang iyong pores at ma-relax ang balat.

Ang shaving “against the grain” ay isa sa madalas na pagkakamali sa pag-ahit. Kaya’t mag-ahit sa direksyon kung saan tumutubo at pumapaling ang iyong buhok para maiwasan ang mga ingrown hairs. 

Key takeaways

Waxing o shaving? Parehong ang waxing at shaving ay inaalis ang mga unwanted hair at ginagawang makinis ang iyong balat. Gayunpaman, dapat maingat ka sa pag-alis ng buhok sa mga sensitibong lugar, gaya ng bikini line

Kung waxing vs shaving, nasa iyo talaga. Ang iyong mga preference, lifestyle, at pain tolerance ay bahagi ng magiging sagot kung anong method ang pinaka mabuti sa iyo.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Hair Removal, https://kidshealth.org/en/teens/hair-removal.html Accessed November 23, 2021

Waxing vs. Shaving, https://sites.psu.edu/siowfa15/2015/10/03/waxing-vs-shaving/ Accessed November 23, 2021

Shaving vs. Waxing: What’s Better for Your Skin?, https://health.clevelandclinic.org/shaving-vs-waxing-whats-better-for-your-skin/ Accessed November 23, 2021

7 Ways to Remove Unwanted Hair, https://www.aad.org/public/everyday-care/skin-care-basics/hair/remove-unwanted-hair Accessed November 23, 2021

Want a Smooth, Safe Shave Every Time? Try These Tips, https://health.clevelandclinic.org/want-a-smooth-safe-shave-every-time-try-these-10-tips/ Accessed November 23, 2021

Kasalukuyang Version

06/12/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement