Ang iyong balat ang pinakamalaking organ ng iyong katawan na gumaganap ng mahahalagang tungkulin tulad ng pagbuo ng bitamina D, pag-iwas sa pag-aalis ng tubig, at pagpapanatili ng temperatura ng iyong katawan.
Palagi rin itong nakalantad sa mga elemento at bacteria, na nagiging dahilan nito upang madaling kapitan ng impeksiyon at pamamaga.
Ang isang karaniwang kondisyon ng balat ay psoriasis. Ipinapakita ng datos na 125 milyong tao ang dumaranas ng psoriasis sa buong mundo.
Kung mayroon kang ganitong kondisyon sa balat o kung pinaghihinalaan mo na mayroon ka, pinakamainam na mangalap ng maraming impormasyon tungkol dito.
Matuto nang higit pa tungkol sa mga sanhi ng psoriasis at ang mga paggagamot ay maaaring ang unang hakbang sa paggawa ng mga kinakailangang pagbabago sa pamumuhay para sa iyong pangkalahatang kalusugan at kagalingan.
Ngunit bago tayo matuto nang higit pa tungkol sa mga sanhi ng psoriasis at lunas nito, tukuyin muna natin ang kondisyon ng balat na ito.
Ano ang Psoriasis?
Ang psoriasis ay isang pangmatagalang autoimmune, isang kondisyon ng balat na nagreresulta sa mabilis na paggawa ng selula ng balat. Nagiging sanhi ng pagdami (pile up) at paglitaw ng mga patch sa balat.
Maaaring lumitaw ang psoriasis sa anumang bahagi ng katawan, ngunit kadalasang nakakaapekto ito sa mga bahagi ng katawan, tulad ng:
Ang mga patch sa balat na dulot ng psoriasis ay lumilitaw na tuyo at scaly, at karaniwan ay nasusunog (burn) o tumutusok (stings).
Gayunpaman, ang mga patch ay maaaring mag-flare up at mawala sa kalaunan.
Ang mga uri ng psoriasis ay naiiba batay sa hitsura at kung saan lumilitaw ang mga ito sa katawan.
Gayunpaman, posible para sa isang tao na bumuo ng higit sa isang uri ng psoriasis.
Mga Uri ng Psoriasis
Mayroong ilang mga uri ng psoriasis na lumilitaw sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ang iyong healthcare provider ay makatutukoy kung anong uri ng psoriasis ang mayroon ka sa iyong katawan upang matukoy kung aling uri ng gamot ang pinakamainam.
Nasa ibaba ang mga uri ng psoriasis at ang kanilang mga indibidwal na katangian.
Plaque psoriasis
Ito ay ang pinaka karaniwang uri ng psoriasis. Lumilitaw ang mapula at makapal na patch sa balat na sumasakop sa isang kulay-pilak at nagiging sanhi ng patay na balat.
Ang mga patch ay iba-iba ang laki at madalas na lumilitaw sa baba ng likod, siko, tuhod, o anit. Ito ay makati, at maaaring pumutok at dumugo.
Guttate psoriasis
Ang ganitong uri ng psoriasis ay ang pangalawang pinaka karaniwang uri pagkatapos ang plaque psoriasis.
Ito ay mailalarawan sa pamamagitan ng marami, maliit, at mga drop-shaped na sugat na karaniwang lumilitaw sa trunk o mga limb.
Ang guttate psoriasis ay halos nakakaapekto sa mga bata o mga kabataan. Ito ay karaniwang na-trigger ng isang bacterial infection tulad ng strep throat.
Inverse Psoriasis
Ito ay intertriginous psoriasis na karaniwang nakakaapekto sa body folds tulad ng singit o puwet.
Ito ay napaka pula at makinis na sugat na lumalala sa pamamagitan ng pagpapawis.
Pustular Psoriasis
Bihirang uri ng psoriasis ito. Pangunahing naaapektuhan ang mga kamay at paa, na nagdudulot ng masakit na mga paltos at nangangaliskis na balat na madaling mabitak.
Erythrodermic Psoriasis
Ang ganitong uri ng psoriasis ay ang pinaka karaniwan ngunit pinakamapanganib na uri ng psoriasis na nagdudulot sa mga bahagi ng balat ng sobrang pamumula at anyong “sunog”.
Ang Erythrodermic psoriasis ay maaaring maging banta sa buhay kung hindi ginagamot dahil maaari itong maging sanhi ng pneumonia o congestive heart failure.
Sintomas at Diagnosis
Gayunpaman, ang pinaka-karaniwang mga palatandaan. at mga sintomas ng psoriasis ay ang sumusunod:
- Tuyong balat
- Nangangati ang balat na madaling kapitan ng cracking
- Mga kuko na mukhang mas makapal o ridged
- Matigas na joints
- Balat na pula at scaly
Diagnosis
Walang mga espesyal na testing upang matukoy kung ang isang tao ay may psoriasis.
Sa check-up, ang isang dermatologist ay karaniwang sinusuri ang mga apektadong bahagi ng iyong balat.
Ang iyong dermatologist o healthcare provider ay maaari ring kumuha ng isang sample ng iyong apektadong balat. Pagkatapos ay titingnan ito sa pamamagitan ng isang mikroskopyo
Ang balat na may psoriasis ay magiging mas inflamed kaysa sa isang sample ng balat mula sa isang tao na may eczema.
Mga sanhi ng psoriasis at pagpapagaling nito
Ang tiyak na dahilan ng psoriasis ay hindi pa rin nababatid hanggang sa mismong araw na ito. Gayunman, alam ng mga siyentipiko at doktor na ang immune system at genes ng isang tao ay maaaring maka-impluwensya sa pagpapaunlad ng psoriasis sa tao.
Kung ang isa sa iyong kapamilya ay may psoriasis, magkakaroon ng malaking posibilidad na magkaroon ka ng sakit na ito.
Ngunit, ang psoriasis ay hindi lumilipat mula sa isang tao tungo sa isa pa dahil hindi ito isang nakakahawang sakit.
Ang psoriasis flare-up ay karaniwang sanhi ng mga nag-trigger, tulad ng :
- stress
- tuyo o malamig na klima
- Pag-inom ng alak (lalo na labis na dami)
- Mga pinsala sa balat
- Mga impeksiyon
- pagkuha ng mga gamot tulad ng lithium, prednisone, at hydroxychloroquine
Kung na-diagnos na may psoriasis ka at upang maiwasan ang flare-up, dapat ay maging “conscious” sa pagbuo ng desisyon upang maiwasan ang mga sanhi nito.
Paano ginagamot ang psoriasis?
Salamat at may iba’t ibang mga gamot na magagamit para sa mga taong nagdurusa sa psoriasis.
Ang mga gamot na ito ay nag-aalis ng mga sakit at nagdudulot ng ginhawa. Gayunpaman, ang psoriasis ay hindi kailanman nawawala sa sandaling ang isang tao ay makakuha ng kundisyong ito.
Mga pagpipilian para sa paggamot ng psoriasis :
Topical Therapy
Ang ganitong uri ng paggamot ay kinabibilangan ng gamot na ipinapahid sa mga apektadong bahagi ng balat. Ang sumusunod ay maaaring maging gamot sa psoriasis:
- Anthralin
- Goeckerman therapy
- Salicylic acid
- Coal tar
- Retinoids
- Corticosteroids
Tandaan na ang topical na paggamot ay kadalasang unang pagpipilian para sa mga mild to moderate psoriasis. At para sa ilang mga tao, ito ay sapat na upang makontrol ang mga sintomas.
Light Therapy
Ang light therapy, na kilala rin bilang phototherapy na nagsasangkot ng pagkakalantad ng balat na may psoriasis sa iniresetang dami ng UV light.
Maaari ka ring payuhan ng isang dermatologist na kumuha ng natural na sikat ng araw sa labas.
Oral o Injected Medications
Ang opsyong ito ay karaniwang para sa malalang kaso ng psoriasis na hindi tumutugon sa topical o light therapy.
Natural na mga Lunas para sa psoriasis
Mayroon ding mga likas na alternatibong lunas at gamot para sa psoriasis.
Hindi pa sapat ang pananaliksik na nagawa sa pagiging epektibo ng natural na alternatibo sa psoriasis, ngunit ang ilan ay maaaring magdulot sa iyo ng kaluwagan.
Narito ang ilang mga natural na lunas para sa mabawasan ang di-komportableng pakiramdam na dulot ng psoriasis:
Sabila (Aloe vera)
Ang sabila (aloe vera) ay ginagamit upang mapawi ang pamamaga at pamumula ng balat. Sa ilang mga pananaliksik, ang sabila (aloe vera) ay isang topical na lunas na maaaring makatulong sa scaly at tuyong balat na dulot ng psoriasis.
Tanungin ang iyong doktor para sa isang gel o cream na may 0.5% na sabila (aloe vera).
Apple Cider Vinegar
Ang paggamit ng organic at diluted apple cider vinegar sa anit na may psoriasis ay maaaring makatulong na mabawasan ang pangangati at iritasyon. Siguraduhin lamang na iwasan ang paggamit ng apple cider vinegar sa mga bahagi ng balat na kung saan ang psoriasis ay nagdulot ng pagbibitak o sugat.
Dead Sea Salt
Ang ilang mga pag-aaral at ulat ay naniniwala na ang paggamit ng Dead Sea o Epsom Salt ay maaaring makatulong na mabawasan ang hitsura ng mga kaliskis at pangangati na dulot ng psoriasis.
Idagdag lamang ang asin sa maligamgam na pampaligong tubig at ibabad ang iyong balat sa loob ng 15 minuto.
Ang psoriasis ay isang malalang kondisyon ng balat na nagiging sanhi ng mapula, makati, at scaly patch sa balat. Kung pinaghihinalaan mo na mayroon kang psoriasis, pinakamainam na kumonsulta sa iyong health practitioner bago tangkaing gamutin ang apektadong balat.
Matuto pa tungkol sa psoriasis dito.
Isinalin mula sa orihinal ng Ingles na akda ni Ruby Anne Hornillos.