backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Paano Nagkakaroon ng Psoriasis, at Ano ang Gamot Dito?

Narebyung medikal ni Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS · Dermatology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

    Paano Nagkakaroon ng Psoriasis, at Ano ang Gamot Dito?

    Ang psoriasis ay isang sakit sa balat kung saan ang mga selula (cell) ng balat ay lumalaki ng 10 beses na mas mabilis kaysa karaniwan, at ito ay nagreresulta sa tuyo, flaky scales sa balat. Dahil sa sobrang aktibong ng immune system, natatambak ang mga selula (cell) ng balat at nagiging sanhi ng pangangati, pamamaga, at pamumula. Gayunpaman hindi lahat ng tao ay may kamalayan sa bagay na ito, kaya naman matuto nang higit pa tungkol sa mga sanhi at risk factors ng psoriasis.

    https://wp.hellodoctor.com.ph/fil/kalusugan-balat/ibm-pang-sakit-balat/karaniwang-sakit-sa-balat/

    Ilang Tao ang May Psoriasis?

    Ayon sa istatistika, 2% hanggang 3% ng mga tao sa buong mundo ang apektado ng psoriasis, ang kondisyong ito ay mas karaniwan sa ibang mga kultura at bansa tulad ng Hilagang Europa at hindi ito gaanong karaniwan sa Silangang Asya.

    Ang psoriasis ay itinuturing na isang hindi nakakahawang sakit at walang lunas. Kung lumala ang psoriasis, maaari nitong takpan ang malaking bahagi ng balat. Gayunpaman, ang gamot ay maaaring makatulong sa pagma-manage ng mga sintomas at maiwasan ang mga malalang kondisyon. Ang mga sintomas ng psoriasis ay nangyayari sa anumang edad, ngunit madalas itong nagsisimula sa pagitan ng edad na 15 at 25. Huwag mo ring kakalimutan na anuman ang kasarian at kulay ng balat ng isang tao ay maaaring magkaroon ng psoriasis

    Paano nagkakaroon ng Psoriasis?

    Ang pangunahing sanhi ng o kung paano nagkakaroon ng psoriasis ay hindi pa rin alam batay sa mga propesyonal sa kalusugan. Gayunpaman, ito ay karaniwang nauugnay sa immune system at genetika.

    Immune system

    Malaki ang papel ng immune system sa mabilis na paggawa ng mga selula (cell) ng balat. Ang mga white blood cell (WBC) ay madalas na naka-deploy para labanan ang mga impeksyon at pumatay ng bakterya. Ngunit sa kaso ng psoriasis, maaaring may maling pag-atake ang WBC, na nag-trigger ng mga selula (cell) ng balat na dumami sa isang accelerate rate.

    Genes

    Ang genetika ay responsable rin para sa psoriasis, mas mataas ang tsansa na magkaroon ng ganitong sakit sa balat kapag may ganitong kondisyon ang isang miyembro ng pamilya.

    Risk Factors ng Psoriasis

    Ngayong alam na natin kung paano nagkakaroon ng psoriasis, alamin natin ang risk factors nito.

    Walang tiyak na mga sanhi ng psoriasis. Gayunpaman, ang ilang mga kadahilanan ay maaaring mag-trigger ng pagkalat ng kondisyon ng balat na ito.

    Ang ilan sa mga karaniwang factors ay kinabibilangan ng:

    Stress

    Ang mga lebel ng mataas na stress ay maaaring mag-trigger ng psoriasis, at ang psoriasis ay maaaring mag-trigger ng stress. Ang stress management at mga diskarte sa pagpapahinga ay maaaring makatulong na maiwasan ang mga sintomas ng psoriasis na lumala.

    Injury

    Maaaring mag-trigger ng psoriasis flare-up ang mga hiwa sa balat at maliliit na kagat ng kulisap. Kilala rin sa mga nagtri-trigger ang pagkakabilad sa sikat ng araw, operasyon, at pagbabakuna.

    Impeksyon

    Kung nakita ng immune system ang bakterya sa katawan, agresibo itong lalabanan at magtri-trigger ng psoriasis flare-up.

    Alak

    Ang sobrang pag-inom ng alak ay nagiging sanhi ng outbreak ng psoriasis, habang mina-manage o pinipigilan ang flare-ups, limitahan ang iyong pag-inom ng alak o iwasan ito nang lubusan.

    Mga gamot

    Ang ilang mga gamot ay nagtri-trigger ng psoriasis, tulad ng lithium, antimalaria, at gamot sa high blood pressure. Kumunsulta sa’yong doktor para sa pinakamahusay na tritment.

    Panahon

    Ang malamig na panahon at/o sikat ng araw ay maaaring mag-trigger ng psoriasis. Sa kasong ito, ang mas kaunting sikat ng araw at mahalumigmig na panahon ay nagpapalala sa kondisyon. Maaaring pumutok at dumugo ang psoriasis sa panahon ng malamig na panahon, habang maaari itong magdulot ng pangangati sa mas mainit na kapaligiran.

    Pag-iwas sa Psoriasis

    Ngayong alam na natin kung paano nagkakaroon ng psoriasis at risk factors nito, paano naman ito maiiwasan?

    Ang psoriasis ay maaaring kontrolin at maiwasan sa tamang pagma-manage. Iwasang mag-udyok o maglagay ng mga kemikal at iba pang mga pagkain na maaaring mag-trigger ng kondisyon. Ang mas kaunting exposure sa mga bagay na ito ay maaaring makabawas pati na rin sa seveity ng sakit na ito.

    Bilang karagdagan, ang pag-aalaga sa’yong balat at anit ay maaaring makatulong na maiwasan ang paglitaw ng psoriasis, at ang wastong kalinisan tulad ng regular na pagligo, ligtas na pag-trim ng mga kuko, at paggamit ng mga moisturizer ay makatutulong na mapabuti ang pangkalahatang kalusugan ng balat at maprotektahan ka mula sa mga impeksyon.

    Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang pagpapanatili ng isang malusog na timbang ay maaaring makatulong dahil ang labis na timbang ay maaaring mag-trigger ng mga sintomas.

    Key Takeaways

    Ang psoriasis ay isang sakit sa balat na may kaugnayan sa immune system na nakakaapekto sa mga tao sa anumang edad at kulay ng balat. Dahil sa mga sanhi at risk factors ng psoriasis, ang sakit sa balat na ito ay maaaring magpakita sa iba’t ibang bahagi ng katawan at natatakpan ang malaking bahagi ng balat habang lumalala ito. Ang sakit na ito ay walang lunas, ngunit maaari itong maiwasan at magamot. Makipag-usap sa’yong doktor kung paano ito maayos na pangasiwaan sa pamamagitan ng gamot at iba pang mga hakbang sa pag-iwas.

    Matuto pa tungkol sa Psoriasis dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

    Dermatology · Makati Medical Center


    Isinulat ni Lornalyn Austria · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement