Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng psoriasis at balakubak? Ang mga kondisyong ito ay madalas na nagdudulot ng kalituhan dahil sa magkatulad na sintomas, tulad ng flaking at skin build-up. Ngunit pinakaubod ng sanhi nito ito magkaiba. Narito ang dapat mong malaman.
Ano ang psoriasis?
Ang psoriasis ay isang inflammatory, malalang kondisyon na nakakaapekto sa ilang mga sistema sa katawan, tulad ng musculoskeletal system, immune system, at balat.
Sinasabi na ang psoriasis ay maaaring mangyari kapag ang cycle ng buhay ng cells ng balat ay bumilis (skin cell’s life cycle speeds up) at nagiging sanhi ng biglaang pag-build up ng mga patay at magaspang na cells ng balat. Ito ay madalas na nagiging sanhi ng pangangati at mga makapal na patch sa katawan, kabilang ang anit.
Ang psoriasis ay maituturing na karaniwan na lamang. 125 milyong tao sa buong mundo ay may psoriasis.
Ano ang Balakubak?
Sa kabilang banda, ang balakubak ay talamak, ngunit maituturing na mild na kondisyon ng anit. Nagdudulot ito ng pagtuklap at pangangati ng anit. Kung ikukumpara sa psoriasis, ang balakubak ay medyo mild at hindi nakakahawa.
Ang Mga Karaniwang Sintomas
Ang natatanging pagkakaiba sa pagitan ng psoriasis at balakubak ay ang psoriasis ay may posibilidad na magmukhang mas nangangaliskis at ang anit ay maaaring mag-crack. Sa kabilang banda, ang balakubak ay may posibilidad na maging flaky.
Mga Sintomas ng Psoriasis
May iba’t ibang uri ng psoriasis, ngunit ang isang uri ay maaaring magdulot ng pangangati ng iyong anit. Ang psoriasis sa anit ay may ilang pangunahing sintomas, na kinabibilangan ng:
- Maga (inflamed), mamula-mula, at makapal na mga patch. Maaari rin itong magkaroon ng kulay-pilak-puting kaliskis. Ang mga patch ay maaaring lumampas sa hairline.
- Dead skin flakes sa mga damit o buhok, lalo na pagkatapos pagkamot ng anit.
- Sobrang pangangati
- Ang mga patch ay maaaring dumugo kung tatanggalin mo.
- Pagkalagas ng buhok
Ang mga Sintomas ng Balakubak
- Makating anit
- Mga natuklap na balat sa anit, balikat, kilay, bigote/balbas, at damit
- Sa mga sanggol na may cradle cap, maaari silang magkaroon ng isang crusty, scaly cap
Pagkakaiba sa Sanhi ng Psoriasis at Balakubak
Tulad ng balakubak, maaari kang magkaroon ng isa o maraming sanhi ng psoriasis. Ang mga sanhi ng psoriasis ay hindi pa alam, ngunit ang karamihan sa mga doktor at mananaliksik ay sumasang-ayon na ito ay nangyayari dahil sa malfunctions ng immune system, na nagiging sanhi ng mabilis na paglaki ng mga selula ng balat.
Ang ilan sa mga sanhi ng psoriasis ay ang mga :
- Impeksyon tulad ng impeksyon sa balat o strep throat
- Malubhang sunog ng araw, kagat ng insekto, o pinsala sa balat (mga gasgas, hiwa, atbp.).
- Stress
- Panahon, partikular na tuyo at malamig na kondisyon
- Pagiging exposed sa secondhand smoke at/o paninigarilyo
- Biglang pag-withdraw ng systematic o oral corticosteroids
- Ilang mga gamot, tulad ng mga anti-malarial na gamot, mga gamot sa high blood, at lithium
Bagama’t hindi tiyak ang sanhi ng psoriasis, ang balakubak ay maaaring sanhi ng maraming dahilan:
- Malangis at na-iritate na balat
- Tuyong balat
- Mga kondisyon ng balat tulad ng eczema
- Contact dermatitis (pagiging sensitibo sa ilang produkto na nangangalaga sa buhok)
- Malassezia (yeast-like fungus) na inuubos ang mga langis sa anit na karamihan sa mga matatanda
- Hindi sapat ang pag-shampoo sa buhok
Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng psoriasis at balakubak pagdating sa mga sanhi nito. Ang psoriasis ay isang autoimmune na sakit at ang balakubak ay apektado lamang ang ilang partikular na salik ng balat.
Paano Sinusuri ang Balakubak at Psoriasis?
Kadalasan, ang isang doktor ay maaaring mag-diagnose ng balakubak sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa anit at buhok. Para sa psoriasis, maaaring tingnan din ng iyong doktor ang iyong mga kuko, balat, at anit. Maaari ding suriin ng doktor ang isang maliit na sample ng balat upang makita kung anong uri ng psoriasis ang maaaring mayroon ka at iba pang mga kondisyon.
Paano Ginagamot ang Psoriasis?
Ang layunin ng paggamot sa psoriasis ay sa pamamagitan ng pagsugpo sa mabilis na paglaki ng mga selula ng balat, kasama ang pag-alis ng mga kaliskis. Ang paggamot ay depende sa uri ng psoriasis na mayroon ka at sa kalubhaan nito.
Ang ilang karaniwang gamot na maaaring irekomenda ng doktor ay kinabibilangan ng:
- Mga iniksiyon/oral na gamot (retinoids, steroid, atbp.).
- Light therapy tulad ng UVB broadband
- Topical therapy tulad ng retinoids, corticosteroids, salicylic acid, at iba pa
Ang ilang mga doktor ay maaari ring magmungkahi ng mga karagdagang lunas sa bahay na maaaring gawin ng kanilang mga pasyente kasama ng ibinigay na gamot upang mapawi ang mga mild na sintomas, tulad ng:
- Mga fish oil supplement
- Pag-iwas sa stress sa pamamagitan ng therapy, pagmumuni-muni, pag-practice ng yoga, at iba pa
- Aloe extract cream
Paano Lulunasan ang Balakubak?
Karamihan sa mga taong may mild na balakubak ay kailangan lamang hugasan ang kanilang buhok araw-araw. Dapat silang gumamit ng banayad (gentle) na shampoo na magbabawas ng pagbabalat at pag-buildup ng langis.
Ang ilang mga tao ay maaaring mangailangan ng medicated dandruff shampoo kung ang isang banayad (gentle) na shampoo ay hindi gumana. Maaaring tumagal ng ilang pag-eksperimento upang mahanap ang tamang medicated shampoo para sa iyo.
Kung patuloy na makaranas ng stinging, pangangati, pagkasunog (burning), o pamumula, at kung magkakaroon ka ng allergic reaction (nahihirapang huminga, pamamantal, pantal, atbp.) maaaring kailanganin ang agarang atensyong medikal.
Pangunahing Konklusyon
Ang psoriasis at balakubak ay may magkatulad na mga sintomas tulad ng pangangati at flaky na anit. Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang psoriasis ay isang sakit na autoimmune na maaaring maging banta sa buhay, ang balakubak ay isang milder na kalagayan na maaaring gamutin sa mga medicated shampoos at tamang paghuhugas ng buhok.
Isinalin mula sa orihinal na Ingles na isinulat ni Den Alibudbud.
Matuto nang higit pa tungkol sa psoriasis dito.