backup og meta

Rice Water Sa Mukha: Anu-Ano Ang Mga Benepisyo Nito

Rice Water Sa Mukha: Anu-Ano Ang Mga Benepisyo Nito

Kamangha-mangha na ang rice water sa mukha ay pwedeng gamitin sa pagpapaganda. Ito’y organic at all-natural na kayang gawin. Kung saan, hindi lamang aloe vera sa balat, niyog para sa buhok ang maaaring gamitin sa pangangalaga ng sarili. Kaya naman, magandang malaman ang mga benepisyo at konsiderasyon sa paggamit ng rice water. Lalo’t kung balak itong gamitin sa mukha. 

Dahil pangunahing pagkain sa bawat tahanan ng mga Pilipino ang bigas. Marami ang nakakaalam ng proseso ng pagluluto nito. Kung saan, karaniwang itinatapon ang tubig ng bigas. Pagkatapos ng unang paghuhugas dito. Ngunit, mayroong mga claim ng benepisyo ng rice water sa mukha at inirerekumenda ang pagsama nito. Bilang bahagi ng kanilang skincare regimen. Subalit, paano nga ba ito gumagana?

Rice Water Sa Mukha

Tumutukoy ito sa starchy liquid na natitira pagkatapos magluto o magbabad ng bigas. Ang rice starch ay bumubuo ng 75% – 80% ng grain weights. Narito ang mga sumusunod na bumubuo:

  • 12% tubig
  • 7% protina
  • 3% taba
  • 3% fibers
  • Mga bitamina (bitamina B, C, E)
  • Minerals

Taglay ng tubig na mula sa bigas ang karamihan sa mga nabanggit. Ang vitamins at minerals ay tumutulong sa promotion ng pag-unlad ng skin cells at stimulation ng daloy ng dugo. Bukod sa lahat ng mga sustansyang dulot nito. Isinasaalang-alang din ng mga tao ang paggamit ng tubig ng bigas para sa maraming iba’t ibang mga kadahilanan. Sapagkat, maaari silang makinabang mula sa mga pharmacological properties nito:

  • Antioxidant
  • Anti-colitis
  • Anticancer
  • Antitumor
  • Anti-mutagenic
  • Antidiabetic
  • Anti-aging
  • Pang-alis ng pamamaga

Ano Ang Mga Benepisyo Ng Rice Water Sa Mukha?

Maraming tao ang ayaw mag-aksaya ng mga produkto at resources. Ito ang dahilan kung bakit ang ilang mga tao ay gumagamit ng tubig ng bigas. Para palakasin ang kanilang buhok. Habang ang iba naman ay sumusubok na isama ang rice water sa kanilang skincare. Narito ang ilang benepisyo ng paggamit ng tubig ng bigas para sa mukha.

1. Naglalaman Ito Ng Antioxidants

Ayon sa nabanggit, ang bigas maging ang tubig nito mismo ay nagtataglay ng antioxidant properties. Kung saan, ang mga ito ay nakakatulong sa pagprotekta sa balat mula sa pinsala. Ang “inositol” ay isang antioxidant taglay ng bigas.

Batay sa mga researcher nagsagawa ng pag-aaral ng 12 kalahok noong 2018. Para suriin ang biological properties ng isang formulated rice water gel. Sa “less than a month” (28 araw), nalaman ng researchers na ang bigas ay nagtataglay ng antioxidant activity bilang vitamin C.

Marami sa skincare manufacturers at chemist ay nagdaragdag ng antioxidants. Bilang bahagi ng mga produkto upang maibigay ang mga benepisyong kailangan ng balat.

2. Mayroon Itong Anti-Aging Properties

Sinasabi na ang antioxidants ay mayroong anti-aging properties. Kung saan, ang paggamit ng tubig ng bigas sa mukha ay pwedeng makatulong sa’yo. Partikular sa pag-reverse o pagpapabagal ng mga senyales ng pagtanda.

Binanggit din sa parehong pag-aaral na na-mention ang kakayahan ng tubig ng bigas sa pagbabawas ng elastase activity. Isang enzyme na kasangkot sa pagtanda ng balat. Kaya naman, ang tubig ng bigas ay maaaring makapagbawas ng wrinkles at kulubot sa mukha. Bukod dito, sinubukan ng isa pang pag-aaral noong 2001 ang antioxidant inositol. Bilang isang moisturizer upang mapabuti ang skin elasticity. Ipinakita ng mga resulta na makakatulong ito. Partikular sa pagpapakinis ng existing wrinkles ng hanggang 12.4% at pagpapabuti ng elasticity ng balat ng 17%.

Higit pa rito, ginagamit din bilang toner ng ilan ang natural rice water sa mukha. Ito ay nagpakita ng magandang resulta sa pagpapanatiling makinis at malusog ng balat. Kung saan, binabawasan nito ang pore size.

3. Nakakatulong Ito Na Paginhawahin Ang Irritation At Inflammation Sa Balat

Bukod sa antioxidant at anti-aging properties. Ang tubig ng bigas ay kapaki-pakinabang din upang mapawi ang mga pamamaga at pangangati ng balat.

Ang 2002 research ay nagsiwalat na may kapasidad ito na pagalingin ang balat ng hanggang 20%. Ito ay partikular para sa mga taong sensitibo sa sodium lauryl sulfate (SLS). Bukod pa rito, napapabuti din nito ang skin barrier. Partikular sa mga taong may atopic eczema.

Paano Gamitin Ang Rice Water Sa Mukha?

Mayroong iba’t ibang paraan kung paano ginagamit ang tubig ng bigas para sa mukha. Ang ilan sa mga ito ay pwede mong gawin sa bahay. Narito ang mga sumusunod, ngunit hindi lamang ito limitado sa nakalista:

  • Pagbabad ng bigas sa tubig sa loob ng 30 minuto o higit pa
  • Kumukulong tubig ng bigas
  • Pag-ferment ng tubig ng bigas at iwanan ito sa room temperature sa loob ng 1-2 araw bago palamigin

Pwede mo itong gamitin sa alinman sa mga sumusunod na anyo:

  • Hugasan ang tubig bago at pagkatapos ng paglilinis
  • Toner
  • Mist
  • Body scrub na hinaluan ng iba pang sangkap

Mayroon Bang Anumang Mga Pagsasaalang-Alang Para Sa Paggamit Ng Rice Water Sa Mukha?

Bagama’t walang mga pag-aangkin na nagpapahiwatig ng anumang nakakapinsalang epekto ng tubig ng bigas sa balat. Pinakamahusay na gawin muna ito sa pamamagitan ng isang patch test. Titiyakin nito na hindi ka allergic dito o hindi ka magkakaroon ng masamang reaksyon sa paglalagay nito sa’yong mukha.

Ang isa pang konsiderasyon nito ay ang shelflife ng tubig ng bigas. Dapat mong itapon ang anumang tubig ng bigas na lumampas sa isang linggo.

Gayundin, isaalang-alang ang pagkonsulta muna sa’yong dermatologist. Bago ito gamitin bilang isang treatment para sa anumang kondisyon sa balat.

Key Takeaways

Ang paggamit ng tubig na bigas para sa mukha ay nagpapakita na hindi mo kailangang gumastos ng malaki sa skincare products. Sa katunayan, pwede mong gamitin kung ano ang mayroon ka sa bahay. Para mapangalagaan ang iyong balat nang natural.

Matuto nang higit pa tungkol sa Pangangalaga sa Balat at Paglilinis dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Effect of rice starch as a bath additive on the barrier function of healthy but SLS-damaged skin and skin of atopic patients – Kristien De Paepe, Jean-Pierre Hachem, Els Vanpee, Diane Roseeuw, Vera Rogiers, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/12353708/ Accessed January 10, 2022

Rice Water: A Traditional Ingredient with Anti-Aging Efficacy – Joana Marto, Angela Neves, Lidia Goncalves, Pedro Contreiras Pinto, https://www.mdpi.com/2079-9284/5/2/26/htm  Accessed January 10, 2022

The Benefits of Using Rice Water on Your Hair, https://health.clevelandclinic.org/the-benefits-of-using-rice-water-on-your-hair/ Accessed January 10, 2022

Use of Rice Water (Oryza sativa) & Hibiscus (Hibiscus rosa-sinensis) for Hair Nutrition and Hair Growth https://www.jetir.org/papers/JETIR2106426.pdf Accessed January 10, 2022

The Effects of Inositol Extracted from Rice on Skin – Choon-Koo Zhoh, Hwan Song, Chang Giu-Han, Fumi Tsuno, https://www.researchgate.net/publication/264062918_The_Effects_of_Inositol_Extracted_from_Rice_on_the_Skin Accessed Janury 10, 2022

 

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement