backup og meta

DIY Wax, Maaari Nga Bang Magresulta Sa Pigsa? Alamin Dito

DIY Wax, Maaari Nga Bang Magresulta Sa Pigsa? Alamin Dito

Maraming tao ang sumusubok ng iba’t ibang DIY Wax o “do it yourself” na pag-wax sa kanilang mga kilikili dahil sa pag-aasam na makamit ang flawless underarm. Ginagaya ng mga netizens ang mga DIY na pag-wax sa kilikili na kanilang nakikita sa internet dahil sa pag-aakalang ito ang angkop na solusyon para sa kanilang problema at pangangailangan ng balat. Ngunit ang tanong, ligtas nga ba itong gawin? Mayroon ba itong mga medikal na komplikasyon na maaaring maglagay sa’yo sa panganib tulad ng pigsa sa kilikili? Basahin at alamin sa artikulong ito ang kasagutan!

DIY Wax, posible nga bang pagmulan ng pigsa sa kilikili?

Isa si Kristine Jacob sa mga netizen na gumaya sa ilang life hacks na matatagpuan sa social media para sa pagpapaputi ng kilikili at pag-alis ng buhok nito. Ayon pa sa kanya mula sa programa ng “Pinoy MD,” ginaya niya ang DIY Wax na nakita niya sa internet, noong Pebrero kung saan, gumamit siya ng wax para sa mabilisang pagtanggal ng buhok kanyang kilikili.

Kinalaunan nagkaroon ng mga maliliit na butlig ang kanyang underarm pagkatapos ng kanyang waxing at naging kasinglaki ito ng kamatis matapos ng ilang araw. Naging sanhi ito kung bakit nahirapan siya sa kanyang pagtulog, pagligo at pagbabanyo.

Binigyang-diin din ni Kristine sa kanyang interbyu na isang oras matapos niyang mag-DIY Wax binasa niya ang kanyang kilikili, kung saan pagkatapos ng 2 araw lumitaw ang mga butlig sa kanyang underarm at naging pigsa ito sa pagtagal.

Batay sa naging pahayag ni Dr. Rolando Reyes, kapag nagkaroon ng open pores ang kilikili ng isang indibidwal nagiging dahilan ito para magkaroon ng daanan ang mga bakterya at mikrobyo. Sa oras na mapasukan ito ng mga bakterya at mikrobyo pwede itong mauwi sa pagkakaroon ng impeksyon lalo na kung mahina ang immune system ng isang indibidwal. Kaya naman ipinapayo ng mga eksperto na sa oras na magkaroon ng impeksyon sa kilikili ang sinumang indibidwal, kinakailangan na nilang sumangguni agad sa doktor para sa medikal na payo, diagnosis at paggamot.

Paano gagamutin ang pigsa sa kili-kili o impeksyon sa underarm?

Batay sa naging pahayag ni Dr. Reyes, mula sa palabas na “Pinoy MD”, kapag hindi pumutok ng kusa ang pigsa maaari nang isagawa ang incision at pagdre-drain sa pasyente upang butasin o hiwain ang pigsa para mapalabas ang nana. 

Pagkatapos ng procedure na ito pwedeng magbigay ng rekomendasyon at angkop na medications ang mga doktor para sa pagpapagaling sa tahanan ng pasyente.

Dagdag pa rito, mainam na sundin ang lahat ng instructions na ibibigay ng doktor para maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon at maging mabilis ang recovery.

Narito pa ang ilang mga tip upang mabawasan ang pamamaga ng kilikili:

  • Pagsuot ng maluluwag na damit para maiwasan ang friction o paggasgas ng tela sa balat at maiwasan ang iritasyon.
  • Mag-aplay ng malamig na kompres para maginhawaan ang apektadong lugar.
  • Iwasan ang pagputok sa mga bukol o butlig sa kilikili upang maiwasan ang impeksyon.

Ano ba ang dapat gawin pagkatapos mag-wax ng kili-kili?

Kapag sapilitan at biglaan ang pagtanggal ng buhok sa katawan maaari itong magresulta ng stress sa balat at maging sanhi ng pagdebelop ng mild na bukol o pamamaga.

Narito ang mga dapat tandaan at ikonsidera na factors para maiwasan ang pamamaga sa kilikili pagkatapos ng waxing. 

  • lugar kung saang bahagi ka ng katawan ng wax;
  • kailan ka nag-wax sa’yong katawan; at
  • skin sensitivity

Magandang isaalang-alang ang mga nabanggit na factors sa taas para sa angkop na pagtugon sa pangangailangan ng balat. Sapagkat, naiiba ang balat ng tao sa bawat isa at maaaring ang epektibo para sa’yo ay hindi maganda o angkop para sa iba, ipinapayo ng mga dermatologist na magsagawa ng waxing sa mga klinika upang makasigurado sa sariling kaligtasan ng skin. Lagi ring tandaan na kung ikokonsidera mo ang pagwa-wax ng iyong kili-kili dapat magbigay ng detalyadong aftercare information ang iyong espesyalista. 

Paano maiiwasan ang iritasyon?

Dapat panatilihin ang kalinisan ng katawan para maiwasan ang anumang bakterya at mikrobyo na pwedeng maging sanhi ng impeksyon ng balat. Maaari rin na tingnan o i-check kung malapit ka na magsimula sa’yong menstrual cycle dahil pwedeng mas maging sensitibo ang iyong balat.

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Kapag ang pigsa o ang bukol sa kilikili ay nagsimula na magpakita ng impeksyon sa loob ng 2-3 araw pagkatapos ng waxing, ipinapayo na magpakonsulta na agad sa doktor para sa medikal na atensyon.

Key Takeaways

Walang masama sa panonood ng mga DIY Wax sa internet. Ngunit, siguraduhin lamang na ligtas ito para sa sariling kalusugan upang maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon. Mas maganda rin na magkaroon muna ng konsultasyon sa dermatologist para masigurado na hindi magkakaroon ng impeksyon o iritasyon ang balat.

Matuto pa tungkol sa Pangangalaga at Paglinis sa Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Aloe Vera, https://www.e-ijd.org/article.asp?issn=0019-5154;year=2008;volume=53;issue=4;spage=163;epage=166;aulast=Surjushe, Accessed June 29, 2022

Ingrown Hair, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/ingrown-hair/symptoms-causes/syc-20373893, Accessed June 29, 2022

Tea Tree Oil, https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements-tea-tree-oil/art-20364246, Accessed June 29, 2022

Hair Removal: How To Wax, https://www.aad.org/public/everyday-care/skin-care-basics/hair/how-to-wax, Accessed June 29, 2022

Antioxidant and potential anti-inflammatory activity of extracts and formulations of white tea, rose and witch hazel on primary human dermal fibroblast cells, https://journal-inflammation.biomedcentral.com/articles/10.1186/1476-9255-8-27, Accessed June 29, 2022

Folliculitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/folliculitis/symptoms-causes/syc-20361634, Accessed June 29, 2022

Antimicrobial activity of apple cider vinegar against Escherichia coli, Staphylococcus aureus and Candida albicans; downregulating cytokine and microbial protein expression, https://www.nature.com/articles/s41598-017-18618-x,  Accessed June 29, 2022

Kasalukuyang Version

09/23/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Karaniwang Gamot Sa Pigsa, Anu-Ano Nga Ba? Alamin Dito

Paglaki Ng Pigsa: Alamin Dito Ang Stage Ng Pigsa


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement