backup og meta

Para Saan ang Toner? Heto ang Dapat Mong Malaman

Para Saan ang Toner? Heto ang Dapat Mong Malaman

Ang skincare routine  ay naging mas kumplikado dahil sa pagkakaroon nito ng maraming hakbang sa kung paano pangangalagaan ang balat ng ating mukha. Dagdag pa rito, nagkaroon na rin tayo ng maraming uri ng skincare, at ang isa sa pinakasikat na produkto at madalas na pinag-uusapan ay ang toner. Ngunit para saan ang toner, at ano nga ba ang mga aktwal na benepisyo ng paggamit nito? Alamin dito.

Para saan ang toner?

Ang mga toner ay ginagamit para linisin, i-moisturize ang ating balat, at pigilan ang pagdami ng pagkakaroon natin ng pinsala sa mukha. Malaki rin ang naitutulong ng toner upang balansehin ang pH ng ating balat, at hindi rin maitatanggi ang patuloy na pag-unlad ng mga facial toner sa paglipas ng mga taon. Kung saan naging mahalagang produkto na ito ng skincare para sa iba’t ibang uri ng balat.

Mga Benepisyo ng Paggamit ng Toner

Maraming benepisyo ang paggamit ng toner, at ito ay ligtas para sa karamihan ng mga uri ng balat. Ngunit ang mga may tuyo at acne-prone na balat ang higit na nakikinabang sa paggamit nito. Sa mga nalilito kung para saan ang toner at kung ano ang magagawa nito sa iyong balat, narito ang kanyang mga benepisyo:

  • Pinaliit ang pores. Ang toner ay nakatutulong paliitin ang pores. Ito’y mabuti para sa kalusugan ng iyong balat dahil ang mas malalaking pores ay nagpapahintulot sa mas maraming dumi at lason na makapasok sa balat.
  • Moisturized na balat. Ang isang toner ay nagha-hydrate at nagpapakinis sa balat. Maaari nitong gawing mas bata ang iyong balat. Sa katunayan, ang ilang mga toner ay may bitamina na nakatutulong mabawasan ang mga palatandaan ng pagtanda.
  • Tightened na balat. Ang paggamit ng toner ay nakatutulong na maging mas firm at tight ang iyong balat at para sa pinakamahusay na resulta, inirerekomendang  gamitin ito dalawang beses sa isang araw.
  • Binabalanse ang antas ng pH ng balat ng mukha. Ang iyong balat sa mukha ay natural na acidic, at napapabilis ng toner ang mapababa ang antas ng pH ng iyong balat.
  • Nagde-detox ng balat. Ang iyong balat ay nakalantad sa iba’t ibang klase ng kemikal, bakterya, at mikrobyo araw-araw. Ang paggamit ng toner ay nkalilinis ng iyong mukha at nag-aalis ng mga lason.
  • Binabawasan ang acne. Ang acne o pimples ay kadalasang masakit at nag-iiwan ng peklat sa iyong mukha. Ito rin ay isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng mamantika at mapurol na balat. Tumutulong ang toner sa pag-alis ng mga dumi at mga langis at pag-lighten ng mga peklat sa’yong mukha. Sa pamamagitan ng pag-alis ng langis, pinoprotektahan din ng mga toner ang iyong balat mula sa mga breakout sa hinaharap.

Mga Karaniwang Sangkap sa isang Facial Toner

Ang mga facial toner ay may iba’t ibang mga formula na nilagyan ng skin-loving ingredients. Subukan ang iba’t ibang mga produkto para makita kung alin ang pinakaangkop sa’yong balat. Para sa mga alalahanin, lalo na kung dumaranas ka ng acne, maaari kang kumunsulta sa iyong dermatologist.

Narito ang ilang karaniwang sangkap na matatagpuan sa toner.

  • Aloe Vera. Ang kilalang gel na ito ay nakatutulong na mag-hydrate at moisturize ng balat.
  • Green tea. Kahit na inumin ang green tea, maaari rin itong maging sangkap para sa isang toner. Ang papel nito ay bilang isang antioxidant na nakatutulong para maibalik ang malusog na hitsura ng iyong balat.
  • Rose water oil. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbabad ng mga talulot ng rosas sa purified water para kunin ang mga skin-loving ingredients. Ang rose water ay kilala para sa pag-alis ng mga dumi mula sa balat at pagbabawas ng mga palatandaan ng pagtanda ng balat.
  • Tea tree oil. Sa orihinal, ang langis ng puno ng tsaa ay ginamit bilang isang pore minimizer. Kung saan nag-aambag ito sa kinis ng mukha at paninikip ng mga pores.
  • Witch hazel. Ang halaman na ito ay isang sikat na sangkap sa mga produkto ng pangangalaga sa balat at nakatutulong ito para pantayin ang kulay ng balat, balansehin ang mga facial oils, at paliitin ang mga pores.

Mga Sangkap na Dapat Iwasan sa Toner

Gayunpaman, may mga toner na nakakapinsala sa balat. Ang mga sumuparabensunod ay ang mga sangkap ng mga toner na dapat iwasan:

  • Alcohol. Ang sangkap na ito ay nakapipinsala sa’yong balat dahil ito ay may posibilidad na masunog ang ibabaw ng iyong balat at maaaring magdulot ng labis na pagkatuyo.
  • Salicylic acid. Ang acid na ito ay karaniwang matatagpuan sa acne-clear na tayp ng toner. Mayroon din itong parehong epekto tulad ng alcohol, at maaari rin itong maging sanhi ng pamumula o pagkasunog ng balat at pagkatuyo. Ito ay itinuturing na isang matapang na produkto para sa mukha.
  • Benzoyl peroxide. Katulad ng alcohol at salicylic acid, ang benzoyl peroxide ay isa ring nakapipinsalang sangkap. Ang sangkap na ito ay maaaring makairita sa balat, lalo na sa mga may sensitibong balat.
  • Mga artipisyal na pabango. Ang mga artipisyal na pabango ay binubuo ng iba’t ibang kemikal na maaaring makapinsala sa balat.
  • Phthalates at paraben. Ang mga kemikal na ito ay low-cost preservatives na itinuturing na mga lason na maaaring makapinsala sa balat.

Key Takeaways

Ang mga facial toner ay mahahalagang produkto para sa’yong skincare routine. Nililinis ng mga ito ang dumi mula sa’yong mukha at pinoprotektahan ang iyong balat. Hindi lahat ng toner ay mabuti para sa’yo, kaya mahalagang palaging tingnan ang mga sangkap ng toner bago gamitin at kumonsulta sa’yong dermatologist.

Matuto pa tungkol sa Pangangalaga sa Balat at Paglilinis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

SKIN TONER BASICS: THE BENEFITS, WHAT TO BUY AND HOW TO USE

https://www.activeskin.com.au/blog/skin-toner-benefits-best-buys-how-to-use/ Accessed December 15, 2020

What Are the Benefits of a Facial Toner?, https://www.leaf.tv/4692659/what-are-the-benefits-of-a-facial-toner/  Accessed December 15, 2020

Facial Toner: 7 Benefits and Why You Should Use it, https://fleurandbee.com/blogs/news/benefits-of-facial-toner Accessed December 15, 2020

6 reasons why you should add face toner to your beauty routine, https://www.today.com/shop/6-reasons-why-you-should-use-facial-toner-t73941 Accessed December 15, 2020

Kasalukuyang Version

12/21/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyung medikal ni

Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

Dermatology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement