backup og meta

Paano Mawala ang Stretch Marks? Tandaan ang Mga Tips na ito

Paano Mawala ang Stretch Marks? Tandaan ang Mga Tips na ito

Ang stretch marks ay sanhi ng frustration para sa mga taong mayroon nito. Madalas na nakikita ang red stretch marks. Ang range ng kulay ay mula sa purple at brown bago maging light o puting streaks. Bakit ba nagkakaroon ng stretch marks ang mga tao? Matatanggal ba ito? May paraan ba para ito ay mahinto? Narito ang paraan paano mawala ang stretch marks.

Ano ang stretch marks?

Paano mawala ang stretch marks? Ang Striae distensae o stretch marks ay permanenteng uri ng dermal scarring. Maaaring ito ay resulta ng pagbubuntis, pagtaba, pagbawas ng timbang, o maging ang genetics. Sa 90% ng mga  buntis, ang stretch marks ay nakikita sa tiyan at/o sa dibdib sa kanilang huling trimester bago magbuntis.

Ang stretch marks ay makikita sa tiyan, dibdib, hita, o ibang mga bahagi ng katawan. 

Sintomas

Ang mga stretch marks ay hindi magkakapareho. Iba-iba ito depende sa kung gaano na ito katagal, ano ang sanhi nito, saang parte ng katawan, at ang uri ng balat na mayroon ka. Ang karaniwang baryasyon ay:

  • Indented streaks o linya sa tiyan, dibdib, hita, puwet, o ibang mga bahagi ng katawan
  • Pink, pula, itim, asul, o purple streaks
  • Bright streaks na nagiging lighter ang kulay
  • Streaks na naco-cover ang malaking bahagi ng katawan

Lahat ay maaaring magkaroon ng stretch marks, ngunit ang ilang factors ay nagpapataas ng dahilan ng pagkakaroon nito, kabilang ang:

  • Pagiging babae
  • Personal o family history ng stretch marks
  • Pagiging buntis, lalo kung bata pa
  • Mabilis na paglaki bilang adolescence
  • Mabilis na pagbigat ng timbang
  • Paggamit ng corticosteroids
  • Pagsasailalim sa breast enlargement surgery
  • Ehersisyo at paggamit ng anabolic steroids
  • Pagkakaroon ng genetic disorder tulad ng Cushing syndrome o Marfan syndrome

[embed-health-tool-ovulation]

Paano tanggalin ang pulang stretch marks?

Ang stretch marks ay hindi kinakailangan ng paglunas at karaniwang nawawala paglipas ng panahon. Sa ibang mga kaso, ang stretch marks ay maaaring hindi ganap na mawala. Maaaring makatulong ang dermabrasion, chemical peels, laser surgery, o creams upang mawala ang stretch marks. 

Sinasabi na ang epektibong paggamot ng stretch marks ay kailangan na ito ay nasa aktibong stage pa lang, bago makumpleto ang proseso ng pagpepeklat.

Kahit na teknikal na walang solusyon, may mga lunas na mabibili upang makatulong na mapabuti ang itsura at texture ng stretch marks. Wala sa mga ito ang napatunayan na consistently successful kaysa sa iba.

Retinoid cream

Mula sa bitamina A, ang retinoids – tulad ng tretinoin (Retin-A, Renova, Avita) – na nilalagay sa balat ay maaaring mapabuti ang itsura ng stretch marks na nasa ilang buwan pa lamang. Ang Tretinoin ay makatutulong na mag-rebuild ng protina sa balat na tinatawag na collagen, na nagbibigay sa stretch marks ng normal na balat. Gayunpaman, ang tretinoin ay maaaring maka-irritate ng balat.

Kung ikaw ay buntis, kausapin ang iyong doktor tungkol sa lunas na kinakailangan, dahil posible ang side effects ng retinoid cream sa baby.

Light at laser therapies

May iba’t ibang light at laser therapies na maaaring mag-stimulate ng paglago ng collagen o magsulong ng elasticity. Maaari kang matulungan ng iyong doktor upang matukoy kung anong technique ang nararapat para sa iyo.

Microneedling

Ang uri ng lunas na ito ay kabilang ang hand-held device na mayroong maliliit na karayom na nags-stimulate ng paglago ng collagen. Ang technique na ito ay may kaunting banta ng pagbabago ng pigmentation kaysa sa laser therapy. Kaya’t ito ang nais ng mga taong may ibang kulay ng balat.

Nakita ng isang pag-aaral noong 2017 ang calcium hydroxylapatite na kasama ng microneedling at ascorbic acid upang lunasan ang stretch marks. Ang pag-aaral ay nagsabing ang 1:1 diluted calcium hydroxylapatite na may microneedling at topical ascorbic ay napatunayan na ligtas at epektibo para sa paglunas ng stretch marks.

Oils at natural na lunas

Noong 2019, may isa pang pag-aaral na nag-ulat sa application ng hindi napatunayan na oils at natural na lunas para sa stretch marks. Ang principle sa paggamit nito ay ang pananatili ng balat na hydrated. Ang sweet almond oil, wheat germ oil, olive oil, avocado oil, at castor oil, at ang paglalagay ng seaweed wraps ay mayroong mga properties nito. May ibang mga lunas tulad ng comfrey, hypericum, maritime prine, equisetum, slippery elm, wheatgrass, at eucalyptus tree oil. Ito ay ginagamit bilang mga creams o oils, ngunit walang pag-aaral na sumusuporta sa mga ito.

May ibang mga pag-aaral na isinagawa noong 1996 at 2012 na napatunayan tungkol sa paggamit ng topical preparations sa pag-iwas na magkaroon ng stretch marks habang nagbubuntis. Mabisa ang trofolastin cream sa ibang mga babae, makatutulong din ang verum ointment, ngunit ang kawalan ng placebo ay maaaring magpakita ng benepisyo ng masahe lamang.

Key Takeaways

Paano mawala ang stretch marks? Bagaman ang stretch marks ay natural na nangyayari, partikular na sa mga buntis na nasa ikatlong trimester, may mga pag-aaral pa rin na kailangan upang malaman ang lunas sa itsura lalo na sa tiyan at dibdib. Dahil wala pang napapatunayan na tiyak na lunas, ipinapayo pa rin na hayaan na lumipas ang oras bilang natural na pagkawala ng stretch marks.

Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Calcium Hydroxylapatite Combined with Microneedling and Ascorbic Acid is Effective for Treating Stretch Marks, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5640351/, Accessed December 16, 2021

Stretch marks, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/stretch-marks/symptoms-causes/syc-20351139, Accessed December 16, 2021

Striae Distensae (Stretch Marks) and Different Modalities of Therapy: An Update, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/full/10.1111/j.1524-4725.2009.01094.x?casa_token=yiotnNvXmcsAAAAA%3A_hIYNjpFk6YeHugyaeLNQPt5eheYc7eFoIWaieaH7NwGiB5agKBXV4ED8TJSou-vRvb5JltV4mpRsS0, Accessed December 16, 2021

Topical preparations for preventing stretch marks in pregnancy, https://www.cochranelibrary.com/cdsr/doi/10.1002/14651858.CD000066.pub2/abstract, Accessed December 16, 2021

Creams for preventing stretch marks in pregnancy, https://www.cochranelibrary.com/cdsr/doi/10.1002/14651858.CD000066/abstract, Accessed December 16, 2021

Kasalukuyang Version

06/01/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement