Paano gumawa ng skin care routine upang mapanatiling malusog ang iyong balat? Ito ang madalas na katanungan ng marami, babae man o lalaki. Ang magandang balat ay hindi lamang dahil sa genetics. Mahalaga din ang iyong pang-araw-araw na routine. Ngunit sa dami ng mga nababasa mo, maaaring mahilo ka sa tamang skincare routine. Tandaan na ang pag-aalaga sa iyong balat ay isang personal na bagay.
Mas mabuting makasanayan mo ang isang skincare routine habang bata pa. Ito ay magbibigay proteksyon sa iyo sa maraming panahon at makakatulong sa pananatiling bata ng iyong mukha. Ang pag-aalaga sa balat ay isang investment kung kaya dapat gawin ng tama sa simula pa lamang. Para sa ilan ay magastos ang skincare routine. Ngunit hindi kinakailangang maubos ang iyong pera para dito.
Tips Kung Paano Gumawa Ng Skin Care Routine
Ano ang iyong skin type
Una ay dapat mong isaalang-alang ang uri ng iyong balat. Ang mga pangunahing uri ng balat ay dry, oily o kombinasyon. Ang tamang routine ay nagsisimula sa pag-alam kung anong uri ng balat ang mayroon ka. Pagkatapos ay malalaman mo kung paano ito alagaan. Ang tuyong balat ay patumpik-tumpik, nangangaliskis, o magaspang. Kapag ikaw ay may oily skin, ang iyong balat ay madulas at makintab, mamantika, at maaaring may malaking pores. Ang kombinasyon na balat ay maaaring dry sa ibang parte tulad ng pisngi at oily sa noo, ilong at baba. Kapag sensitibo ang iyong balat ay maaaring sumakit, masunog, o makati pagkatapos mong gumamit ng ilang pampaganda o iba pang produkto. Ang normal na balat ay balanse, malinaw at hindi sensitibo.
Synthetic vs Natural: Paano gumawa ng skin care routine base sa uri ng produktong gagamitin?
Ang skincare ay isang multi-billion na negosyo. May bagong produktong inilulunsad halos araw-araw. Bawat isa ay sinasabing mas mabisa kaysa sa iba sa pagpapaganda ng kutis. Ngunit para sa iba, mas maganda pa rin ang mga natural na produktong ginagamit sa mukha. Ang mga natural na skincare ay hindi regulated ng Food and Drug Administration. Karamihan dito ay gawa sa mga halaman na natural na makikita sa paligid.
Maaaring tukuyin ang natural skincare bilang mga produkto na gumagamit ng mga sangkap na hango nang direkta mula sa kalikasan. Tulad ng mga seed oil, mga katas ng prutas, at mga butil tulad ng mga oats at bigas. Sa pangkalahatan, ang natural na pangangalaga sa balat ay hindi naglalaman ng anumang mga synthetic na sangkap. Para sa mga eksperto, ang natural na skincare products ay walang synthetic na pabango, dyes, parabens, sulfates at phthalates. Karamihan dito ay may botanical na sangkap tulad ng herbs, roots at bulaklak.
Ano ang synthetic skincare
Ang synthetic skincare ay pangangalaga sa balat na ginawa gamit ang mga synthetic na mga sangkap na ginawa sa isang laboratoryo. May masamang reputasyon ang ibang synthetic na skincare dahil na rin sa mga epekto nito sa balat. Bagama’t totoo na ang synthetic na skincare ay maaaring may sangkap na hindi kanais-nais tulad ng hyaluronic acid at retinol.
Paano gumawa ng skin care routine base sa basic steps ng skin care?
Anuman ang iyong skin type, dapat ay huwag laktawan ang tatlong basic steps sa skincare routine ayon sa mga dermatologists. Kasama dito ang:
- Cleansing -paghuhugas ng mukha
- Toning -pag-balanse ng balat
- Moisturizing -pag-hydrate at pagpapalambot ng mukha
Marahil ay alam mo na na ang ibig sabihin ng paglilinis ay paghuhugas ng iyong mukha at ang moisturizing ay pag-hydrate ng iyong balat. Ngunit ano ang sangkot sa”paggamot o pag-balanse” ng mukha? Ang pagbalanse o paggamot sa balat ay ang paggamit ng mga serum na puno ng mga kapaki-pakinabang na sangkap sa pangangalaga sa balat tulad ng:
- Vitamin C
- Retinol
- Alpha hydroxy acid
Upang hindi malito sa kung paano gumawa ng skin care routine, makabubuting sumangguni sa isang dermatologist.