backup og meta

Paano Ginagamit ang Collagen sa Balat? Alamin Natin Dito!

Paano Ginagamit ang Collagen sa Balat? Alamin Natin Dito!

Maraming tao ang nagkakandahumaling sa mga benepisyong taglay ng collagen sa balat. Mapa pagkain, cream, powder, tableta, maging iba’t-ibang mga suplementong iniinom, lahat ng mga produktong ito ay may kalakip na collagen sa kani-kanilang mga sangkap. Halina’t alamin kung paano nakatutulong ang collagen sa pagtandang may magandang kutis!

Ang Siyensa sa Likod ng Collagen 

Kilala ang collagen bilang isang protina na sagana sa katawan ng isang tao. Ito ay bumubuo ng halos isang-katlo ng kabuuang protina ng katawan. Dahil sa istraktura nitong maitutulad sa mga hibla, ito ay nagbibigay-daan sa pagbuo ng mga connective tissues. Ang ganitong uri ng tisyu ay ang responsable para sa pagbubuklod at pagsusuporta sa iba pang mga mas malalaking tisyu sa loob ng katawan. Ito rin ay isang pangunahing bahagi na makikita sa mga buto, kalamnan, tendon, cartilage, pati na rin ang pinakamalaking organ ng katawan, na kinikilala natin bilang ang ating mga balat.

Gumagawa ang katawan ng collagen sa pamamagitan ng mga amino acid na nakukuha ng mga tao sa pagkonsumo ng iba’t ibang pagkain. Ngunit bumabagal ang kapasidad ng katawan na gawin ito pagkatapos marating ang edad na 20. 

Ang ilang mga tao na natatakot na ipakita ang kanilang katandaan sa kanilang mga balat ay gumagamit ng collagen sa balat upang pigilan ang mga senyales ng katandaan. Subalit,  maaring hindi nila alam kung saan magsisimula sa pangangalaga ng kani-kanilang balat dahil hindi nila alam kung paano gumamit ng collagen sa wastong paraan.

Paano Gamitin ang Collagen sa Balat?

Ang pag-unawa sa kung paano umaaksyon at pinapanatili ng balat ang sariling tibay nito ay mahalaga pagdating sa collagen sa balat. 

Ang collagen ay ang pangunahing protina sa extracellular matrix. Ito ay tumutukoy sa bahagi ng balat na namumuno sa pagbibigay ng karamihan sa kabuuang istraktura ng balat. Bukod dito, ito rin ang pangunahing may pananagutan para sa makinis at youthful glow ng balat na mayroon ang isang tao.

Tulad ng iba pang protina sa katawan, ang collagen ay sumasailalim sa cycle ng patuloy na pagbabago at muling pagdadagdag. Napag-alaman na ang collagen supplementation ay patuloy na nagpapakita ng pagtaas sa produksyon ng collagen sa katawan. Kung kaya, makatuwiran na mapapabuti nito ang kalidad at itsura ng balat.

Higit pa rito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng ilang randomized trials upang patunayan ang kasong ito. Ang mga resulta ay nagpakita ng pagpapabuti sa skin hydration, pagiging supple ng balat, maging ang wrinkle reduction. 

Bilang karagdagan sa mga pagsubok na ito, sinusuportahan ng mga sistematikong pagsusuri ang claim na ito ng paggamit ng collagen sa balat. Ang isa pang pag-aaral ay nagpapakita na ang collagen supplementation ay nakatulong sa pagpapaigi ng skin elasticity at moisture. Nabanggit din sa pag-aaral na ito ang kaigihan ng collagen sa balat upang makapagpagaling ng sugat.

Pwede Mo Ba Ito Idagdag sa Iyong Diyeta?

Oo naman, maaari mong idagdag ang collagen sa iyong diyeta sa pamamagitan ng pagkain ng mga iba’t-ibang mga pagkaing sagana rito. Maaari kang kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina, tulad ng karne ng baka, manok, isda, at itlog. Ang sabaw ng buto at gelatin ay mahusay ding pinagkukunan ng naturang protina na ito. 

Ang iba pang mga pagkain na nakakatulong sa collagen production ay ang mga sumusunod:

  • Legumes
  • Soy
  • Whole grains
  • Mga buto at mani
  • Mga sitrus na prutas
  • Mga berry
  • Madadahong mga gulay
  • Bell peppers
  • Mga kamatis
  • Iba pang mga dairy na produkto

Mayroon ding mga (licensed) collagen supplements na maaring sa naka kapsula o nakapulbos na anyo, na maiinom ng mga tao kasama ang kanilang ibang mga suplementong bitamina para sa araw-araw. Maaari mo ring subukang ihalo ang collagen powder sa iyong tsaa, sopas, smoothies, at kahit pa sa mga baked goods.

Maaari Mo Bang Gamitin ang Collagen bilang Topical Treatment?

Ang retinol at tretinoin ay mga pang gamot, kadalasan sa anyo ng mga cream, na klinikal na napatunayang nakatutulong sa pagpapataas ng collagen sa balat.

Ang mga antioxidant, tulad ng vitamin C, ay maaari ring makatulong na ayusin ang ilang pamamaga na pumipinsala sa collagen sa balat.

Kapag naghahanap ka ng produktong gagamitin para sa pangangalaga ng iyong balat, maaari mong isaalang-alang ang pagkuha ng produkto may kaakibat na collagen sa mga sangkap nito.

Key Takeaways

Sa pagkain man, suplemento, produktong pambalat, malaki ang naitutulong ng collagen sa pagpapabuti ng kalusugan ng iyong balat. Kung kaya, siguraduhing nakukuha mo ang angkop na halaga nito upang matamasa mo rin ang mga kaakibat na mga magagandang benepisyo nito.

Alamin ang iba pa tungkol sa Pangangalaga at Paglinis sa Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What are the benefits of collagen?, https://www.reidhealth.org/blog/what-are-the-benefits-of-collagen Accessed October 21, 2021

Collagen, https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/collagen/ Accessed October 22, 2021

Collagen for Your Skin: Healthy or Hype?, https://www.cedars-sinai.org/blog/collagen-supplements.html Accessed October 22, 2021

Collagen Supplementation: Is It All Hype?, https://foodinsight.org/collagen-supplementation-is-it-all-hype/ Accessed October 22, 2021

Should I take a collagen supplement?, https://www.mdanderson.org/cancerwise/should-i-take-a-collagen-supplement.h00-159462423.html Accessed October 2021

Do Collagen Supplements Work? Here’s What the Science Says, https://blog.nasm.org/do-collagen-supplements-work Accessed October 21, 2021

Kasalukuyang Version

06/18/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement