backup og meta

Nag-e-expire ba ang Makeup? Alamin Kung Anong Ligtas Gamitin

Nag-e-expire ba ang Makeup? Alamin Kung Anong Ligtas Gamitin

Siguradong gusto ng kababaihan ang isang magandang timpla ng skincare at makeup kung saan sila gumaganda at maganda sa kanilang pakiramdam. Habang nabibigyan sila ng mga skincare product ng nakakabatang glow, dagdag pampalakas ng confidence upang lumabas at harapin ang mundo naman ang naibibigay ng cosmetics sa kanila. Kahit sa mga regular na mga araw, ang isang pahid ng lipstick at pahid ng eyebrow gel ay may naibibigay na ganda. Ngunit, sumagi ba sa isip mo ang katanungang–nag-e-expire ba ang makeup?

Nag-e-expire ba ang makeup?

Sigurado itong nag-e-expire. Maraming tao ang gustong maniwala na puwede pa ang makeup hangga’t sa maubos ito. Ngunit minsan, matagal bago mo maubos ang isa nito. Kaya madalas na nababanggit sa usapan ang tanong na “Nag-e-expire ba ang makeup?”

Tulad ng ibang consumables, may expiration date at nirerekomendang tagal ng gamit maging ang cosmetic products. Maaaring naglalaman ng preservatives, antioxidants, at magkahalong kemikal ang makeup na dahilan upang gumana nang maayos ang mga produktong ito. Sa paglipas ng panahon, nagbabago ang kalidad ng produkto, na maaaring hindi na akma upang gamitin pa.

Nag-e-expire ba ang makeup? May pagkakataong mabawasan ang bisa ng cosmetics sa isang banda dahil sa iba’t ibang dahilan. Narito ang ilang halimbawa:

  • Nakapagdudulot ng mikrobyo ang pag-test at pagsawsaw ng iyong mga daliri sa isang produkto, dahilan kung bakit naglalagay ng preservatives ang ilang produkto. Ang preservatives naman ay unti-unting nawawala sa paglipas ng panahon, kaya’t nabubuhay ang mga bacteria at fungi dito.
  • Sa tuwing gumagamit ka ng applicator, tulad ng mascara wand, na-e-expose ito sa mikrobyo at fungi.
  • Sa huli, naghihiwa-hiwalay ang emulsions, na pinagsamang tubig at langis na solution.
  • Maaring bumilis ang pagdami ng mikrobyo at fungi dahil sa moisture na nasa bathroom.
  • Kapag natuyo ang mga produkto, namumuo at nagbibitak-bitak ang mga ito.
  • Nagdudulot ng pagbabago sa kulay at texture ang pagbabago sa temperatura, pati ang exposure sa araw at hangin. Ang resulta, nagiging dahilan ito upang mangamoy ang produkto.

Kapag ang mga ito ay nangyari, magdudulot ito ng pangangati at ng iritadong pakiramdam sa iyong balat. Maaari ding magdulot ito ng allergic reactions at breakouts dahil sa mga nag-expire na sangkap na mayroon sa makeup formula.

Kailan mo dapat palitan ang makeup?

Bukod sa tanong kung nag-e-expire ba ang makeup, nais ding malaman ng kababaihan kung kailan dapat ito pinapalitan.

Sa ilang pagkakataon, naglalagay ng PAO o period after opening date ang ilang brands, label sa packaging ng isang produkto. Tipikal na ipinakikita ang larawan ng bukas na jar na may numero at isang malaking M dito, na nagpapaliwanag ng expiration date ng nasabing produkto. Halimbawa, ang 6M ang magsasabing maaaring gamitin ang produkto sa loob lamang ng anim na buwan pagkatapos itong unang mabuksan. Isa pang halimbawa, ipinaliliwanag ng 12M na maaaring gamitin ang produkto sa loob ng labindalawang buwan pagkabukas, at iba pa. Kapag nabuksan mo na ang isang produkto, nagsisimula nang tumakbo ang oras.

May sariling shelf-life ang bawat produkto na dapat mong isaalang-alang. Gayunpaman, ang pangkalahatang konsiderasyon para sa cosmetics PAO ay okay sa isang buong taon o kalahating taon (6-12M). Mas maiksi ang shelf-life ng eye-area cosmetics, dahil maaari itong magdulot ng delikadong impeksyon sa mata.

Ayon sa manufacturer, hindi na dapat gamitin ang mascara sa ikadalawa o ikaapat na buwan nito pagkatapos bilhin. Ito ay dahil sa katotohanang sa bawat paggamit ng isang tao ng mascara, maaaring magkaroon ng bacterial at fungal exposure.  

Saka, marami sa “all-natural” beauty product ang naglalaman ng plant-derived chemical, na nagpapalakas sa pagkabuhay ng mga mikrobyo. Ang mga produktong may SPF (sun protection factor) ay may pagkakataon ding mabilis mag-expire.

Dapat ring isaalang-alang ng mga consumer ang mataas na panganib ng paggamit ng mga produktong non-traditional preservatives o mga produktong walang preservatives na halo.

Key Takeaways

Nag-e-expire ba ang makeup? Mahirap mang bitawan o itapon ang mga produktong ito kapag lumipas na ang shelf life, ang pagtatapon ng makeup ang makakasalba sa iyo mula sa napakaraming pinsala kalaunan.

Bilang isang consumer, dapat mong isaisip na simpleng “rule of the thumb” ang expiration dates, at mahalaga ang tamang pag-imbak at tamang gamit nito.

Ipinapayo ring huwag ipagamit sa iba ang iyong mga makeup brush, makeup, at iba pang produkto para sa hygienic purposes. Nag-e-expire ba ang makeup? Oo, ngunit, maaari mo ring isaalang-alang ang pagtatapon ng mga ito bago ang expiration date, lalo na kung nagdudulot ito ng breakout at iba pang isyu sa balat.

Matuto pa tungkol sa Skincare at Cleansing dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

6 Makeup Myths Debunked, https://www.pennmedicine.org/updates/blogs/health-and-wellness/2018/april/makeup-myths Accessed November 25, 2021

Cosmetics, https://medlineplus.gov/cosmetics.html Accessed November 25, 2021 

Cosmetics shelf life F.A.Q., http://checkcosmetic.net/cosmetic-and-perfume-shelf-life-faq/ Accessed November 25, 2021

Expiring Products – Cosmetics, https://www.canr.msu.edu/news/expiring-products-cosmetics Accessed November 25, 2021

Shelf Life and Expiration Dating of Cosmetics, https://www.fda.gov/cosmetics/cosmetics-labeling/shelf-life-and-expiration-dating-cosmetics Accessed November 25, 2021

When Should You Toss Your Makeup, https://health.clevelandclinic.org/when-should-you-toss-your-makeup/ Accessed November 25, 2021

Kasalukuyang Version

01/19/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement