backup og meta

Mga Uri Ng Sakit Sa Balat Na Dahil Sa Basa, Alamin Dito

Mga Uri Ng Sakit Sa Balat Na Dahil Sa Basa, Alamin Dito

Ang karaniwang problema na mayroon ang mga tao sa kanilang balat ay ang pagiging tuyo nito. Ngunit alam mo ba na ang pagkakaroon ng masyadong basang balat ay nagiging problema rin?

Mga Uri ng Sakit sa Balat Dahil sa Basa

Ang problema sa balat ay karaniwang sanhi ng pagkakaroon ng sobrang dry o oily. Sa ibang mga kaso, maaari din itong sanhi ng pag-expose sa balat sa araw na nagiging sanhi ng sunburn.

Sa kabilang banda, kung ang iyong balat ay palaging expose sa tubig, o hindi mo ito pinananatiling tuyo, maaari ka ring magkaroon ng sakit sa balat dahil sa basa.

Fungal Infections

Ang pinaka karaniwang uri ng sakit sa balat dahil sa basa ay ang fungal infections.

Lahat tayo ay may maliit na populasyon ng fungi na namumuhay sa balat. Sa ibang mga kaso, maaari din nating makuha ang fungi sa paligid, tulad ng soil.

Para sa pangkalahatan, hindi ito seryosong alalahanin dahil ang ating katawan ay karaniwang natitingnan ang dami ng fungi sa katawan. Gayunpaman, may mga sitwasyon na maaaring mabilis na magparami ng fungi, sa puntong magiging sanhi ito ng impeksyon sa balat.

Ngunit kung mayroon tayong masyong basang balat kasama ang mainit na klima, bumubuo ito ng perpektong lugar upang dumami ang fungi. Kaya’t ang mga tao ay nagkakaroon ng fungal infection sa paa, singit o maging sa kilikili dahil ang mga bahagi ng katawan na ito ay maaaring maging basa at mainit.

Ang fungal infection ang pinaka karaniwang sakit na maiuugnay sa basang balat.

Intertigo

Ang intertigo ay kondisyon kung saan ang balat ay nagkakaroon ng rashes sa skin folds. Maaaring magkaroon nito ang mga taong obese o may labis na timbang dahil mas marami silang skin folds.

Ang iritasyon na ito ay nakapagpapalala sa init at moisture. Sa ibang mga kaso, maaari ding mag-develop ang fungal infections kasama ng intertigo.

Macerated skin

Nangyayari ang macerated skin kung ang balat o sugat ay exposed sa sobrang tubig na nagsisimula nang masira ang balat. Ito ang nangyayari kung ang sugat ay nag-produce ng sobrang tubig o maging labis na pagpapawis.

Sa kaso ng mga sugat, ang macerated na balat ay seryosong problema dahil maaari nitong mas palakihin ang sugat at maging sanhi ng infection.

Trench foot o immersion foot

Ang trench foot o immersion foot ay kondisyon na karaniwan noong Unang Digmaang Pandaigdigan. Gaya ng pangalan nito, nangyayari ito kung nababad ang paa sa waterlogged trenches sa mahabang panahon.

Ang kondisyon na ito ay hindi karaniwan sa panahon ngayon dahil madali itong maiiwasan sa pamamagitan ng pagpapanatiling tuyo ang paa at pag-iwas sa pagsusuot ng basang bota sa mahabang panahon.

Mahalagang Tandaan

Kung ang pag-uusapan ay iyong balat, mahalaga na ito ay moisturized ngunit hindi masyadong basa o basang-basa. Sa kabilang banda ang pagkakaroon ng balat na sobrang tuyo ay maaaring maging sanhi ng problema sa balat.

Upang siguraduhin ang iyong balat na hindi sobrang basa o tuyo maaari kang gumamit ng creams at lotions upang ma-moisturize ang balat. Ang pagsusuot ng breathable na damit ay nakatutulong na mapanatiling tuyo at fresh ang balat. Kung nabasa ang iyong damit, siguraduhin na magpalit agad ng tuyong damit.

Kailangan mo rin na iwasan na maligo nang matagal o gumamit ng sobrang init na tubig. Dahil maaari nitong matanggal ang oil sa balat at maaaring maging sanhi ng maraming problema sa balat.

Sa pagsunod ng mga hakbang na ito, maaari ka nang makasiguro na ang iyong balat ay mananatiling malusog.

Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Balat at Paglilinis dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Fungal Infections: Protect Your Health | Fungal Diseases | CDC, https://www.cdc.gov/fungal/features/fungal-infections.html, Accessed December 5, 2021
  2. Intertrigo (Rash in body folds): Causes, Images, and More — DermNet, https://dermnetnz.org/topics/intertrigo, Accessed December 5, 2021
  3. The causes and prevention of maceration of the skin | Nursing Times, https://www.nursingtimes.net/clinical-archive/tissue-viability/the-causes-and-prevention-of-maceration-of-the-skin-01-11-2001/, Accessed December 5, 2021
  4. Trench Foot – StatPearls – NCBI Bookshelf, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK482364/, Accessed December 5, 2021
  5. Skin care: 5 tips for healthy skin – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/in-depth/skin-care/art-20048237, Accessed December 5, 2021

Kasalukuyang Version

06/02/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement