backup og meta

Mabisa ba ang Master Facial Scrub? Alamin Dito

Mabisa ba ang Master Facial Scrub? Alamin Dito

Ang paggamit ng facial scrub ay mainam na paraan upang mag-exfoliate at maglinis ng balat. Ito ay nagtatanggal ng dead skin cells at dumi, nagsusulong ng pagkakaroon ng bago at malusog na balat. Ito ay nakaiiwas sa tigyawat, blackheads, wrinkles, at ang premature na pagtanda ng balat. Mainam na sabihin na ang facial scrub ay may pakinabang sa parehong lalaki at babae. Ngunit, sa totoo lamang, wala masyadong facial scrub na produkto para sa mga lalaki. Isa sa mga agad na papasok sa isipan (at makikita sa resulta ng pagse-search) ay ang Master Facial Scrub. Ngunit mabisa ba ang master facial scrub?

Master – Face Care Brand para sa mga Lalaki

Ang Master na kilalang brand na panlinis ng mukha ng mga lalaki rito sa Pilipinas, ay maraming mga produkto. Mayroon silang facial wash para sa panlinis ng mukha, oil control, at acne care. Ngunit, sa ngayon magpokus muna tayo sa facial scrub.

Maraming facial scrubs ang Master depende sa iyong pangangailangan. Mayroon sila para sa pagpapaputi ng balat, at isa para sa oil control. Gayunpaman, ang lahat ng baryasyon na ito ay mayroong isang pagkakatulad: mayroon silang ZEROil, na ayon sa package, ay maaaring makontrol ang oil hanggang sa 8 oras. Gayunpaman, hindi tiyak sa package kung ano sa maraming mga sangkap nito ang tumutukoy sa ZEROil.

Sangkap ng Master Facial Scrub

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga sangkap na makikita sa Master Facial Scrub:

  • Stearic Acid, isang karaniwang component ng shea butter at coconut oil, pareho na ginagamit sa skin care na produkto bilang moisturizer.
  • Myristic Acid, na ayon sa mga pag-uulat na nakapagtatanggal ng inflammation at nociception (pain).
  • Beeswax, na mayroong pagpapalambot at lubricating na properties. Sinasabi sa pag-uulat na ito ay nakatutulong sa pagprotekta sa balat mula sa environmental na salik. Ito rin ay nakatutulong din sa skin cell turnover matapos ang pinsala.

Ngunit ito ay tatlo lamang sa maraming mga kemikal na kasama sa scrub. Depende sa baryasyon na pipiliin, ang produkto ay maaari ding naglalaman ng glutathione, papaya extract, niacinamide, at aloe vera leaf extract.

Pakiusap na magsagawa muna ng patch test bago gumamit ng produktong ito, upang malaman kung hindi ito magiging sanhi ng reaction, tulad ng pamumula at pangangati. Kung nangyari ito, itigil ang paggamit.

Maaari ka bang Makagawa ng Sariling Facial Scrub para sa Oil Control?

Maaaring hindi mahal na produkto ang Master Facial Scrub kung nais mong tugunan ang problema sa balat tulad ng pagdami ng dead skin cell, tigyawat, at oiliness. Gayunpaman, sa pagkokonsidera ng maraming mga sangkap na maaaring negatibong magkaroon ng reaksyon, maaari mong naisin na gumawa ng sariling facial scrub.

Ang mga karaniwang sangkap sa DIY facial scrubs ay kabilang ang oats (karaniwang pinulbos), brown sugar, baking soda, at pinulbos na kape. Maaari ka ring magdagdag ng ilang uri ng oil, tulad ng olive o almond oil, sapat lamang upang maging binding agent upang magdikit ang scrub. Ang dami ng bawat sangkap na kakailanganin ay depende sa dami ng scrub na nais na gawin at gaano katapang ito.

Para sa dagdag na benepisyo, subukan ang pagdagdag ng honey o bitamina E oil sa iyong facial scrub. Kung nagpaplano na magpaaraw matapos gumamit ng DIY facial scrub, iwasan ang citrus oils (o lemon juice) dahil mas magpapasensitibo ito sa UV rays.

Haluin lamang ang mga sangkap nang sama-sama hanggang sa maging porma na ng paste, at ilagay ang mixture sa iyong mukha at leeg. Dahan-dahan na kuskusin ng ilang mga minuto bago banlawan nang maligamgam na tubig. Maaari kang gumamit ng gawang bahay na exfoliant isa o dalawang beses kada linggo bilang bahagi ng iyong skincare routine o kung kailangan mo ng dagdag na TLC.

Subukan na mag-eksperimento ng iba’t ibang kombinasyon hanggang sa mahanap ang akma para sa iyong balat, gayunpaman maging maingat. Ang DIY scrubs na mga ito ay maaaring makapinsala sa iyong balat. Huwag gumamit ng scrub sa active acne at sugat; konsultahin ang dermatologist.

Mahalagang Tandaan

Mabisa ba ang Master Facial Scrub? Nakatutulong ang facial scrubs sa pagtanggal ng dumi, dead skin cells at dagdag na oil. Ang paggamit ng facial scrub ay nakatutulong sa oiliness at tigyawat. Maaari kang sumubok ng commercial skin products o DIY home scrubs. Gayunpaman, ang pinakamainam na gawin ay konsultahin ang iyong dermatologist.

Matuto pa tungkol sa Skincare at Cleansing dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Master, https://www.beautyhub.ph/master/#:~:text=Well%2Drenowned%20as%20the%20biggest,from%20face%20washes%20to%20scrubs., Accessed August 8, 2022

Anti-Inflammatory and Skin Barrier Repair Effects of Topical Application of Some Plant Oils, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5796020/, Accessed August 8, 2022

Myristic acid reduces skin inflammation and nociception, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/34811755/, Accessed August 8, 2022

Bee Products in Dermatology and Skin Care, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7036894/, Accessed August 8, 2022

Kasalukuyang Version

06/01/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement