backup og meta

Laser Treatment sa Balat: Alamin kung Ano ang Laser Resurfacing

Laser Treatment sa Balat: Alamin kung Ano ang Laser Resurfacing

Sa panahon ngayon, may mga paraan upang makaiwas sa senyales ng pagtanda. Maliban sa dami ng mga anti-aging na produkto, maaari mo ring ikonsidera ang sumailalim sa pamamaraan ng cosmetics, tulad ng Botox upang mapabuti ang itsura ng wrinkles o injectable fillers upang mapabuti ang kabuuang facial features. Kung nais mo ng facial rejuvenation treatment na makatutulong sa pagdami ng produksyon ng collagen at matugunan ang issues, tulad ng wrinkles, peklat, sun-damaged skin, at hindi pantay na kulay ng balat, maaari mong ikonsidera ang laser treatment sa balat.

Mga Uri ng Laser Resurfacing

Gaya ng pangalan, ang pamamaraan na ito ay gumagamit ng laser beams upang i-resurface ang mas bago, mas malambot, at mas tight na layer ng balat.

Mayroong dalawang pangunahing uri ng laser resurfacing: ang isa ay gumagamit ng ablative (wounding) laser, at ang isa naman ay gumagamit ng nonablative:

  • Ang ablative laser ay sinusugat ang ilabas na layer ng balat at iniinit ang layer sa ilalim (epidermis), na nagsusulong ng produksyon ng collagen. Kung gumaling na ang epidermis, ang bagong balat ay mas magiging malambot at tight. Ang halimbawa ng ablative laser resurfacing ay gumagamit ng carbon dioxide laser.
  • Ang nonablative laser ay nagsusulong ng produksyon ng collagen ngunit less invasive dahil hindi nito sinusugat ang ilabas na bahagi ng balat. Gayunpaman, binanggit ng pag-uulat na hindi rin ito masyadong epektibo kaysa sa wounding laser resurfacing. Ang halimbawa ng nonablative blaser ay gumagamit ng intense pulsed light o IPL.

Paano Maghanda sa Laser Resurfacing

Ang una at mahalagang bagay na dapat tandaan ay kailangan mo munang komunsulta sa doktor bago sumailalim sa procedure. Huwag maniwala sa mga nagsasabing kailangan mo nang sumailaim sa laser treatment sa balat nang walang maayos na konsultasyon. 

Kailangan munang malaman ng mga doktor ang mga bagay tungkol sa iyo bago sumailalim sa laser treatment sa balat. Kailangan nilang malaman kung ikaw ay medikal na kondisyon (tulad ng diabetes, history ng herpes, at iba pa), naninigarilyo, o gumagamit ng gamot at supplements. Kung nabigyan ka na ng signal, saka mo na makokonsidera ang laser resurfacing.

Narito ang ilang kapakipakinabang na paalala:

Paghahanda    

Bago ang treatment, tatanungin ka ng doktor kung ikaw ay umiinom ng kahit na anong gamot, tulad ng antivirals, lalo na kung ikaw ay sasailalim sa ablative laser resurfacing. Upang mabawasan ang posibilidad ng side effects at komplikasyon, inirerekomenda rin ng mga doktor ang:

  • Pag-iwas sa sinag ng araw
  • Paghinto ng paninigarilyo sa loob ng 2 linggo bago ang treatment
  • Paghinto ng paggamit ng skincare na produkto na may glycolic acid o retinol ng 2 hanggang 4 na linggo bago ang laser resurfacing.

Huwag kalimutan na mag-asikaso ng maghahatid sa iyo pauwi dahil ang laser resurfacing ay tipikal na gumagamit ng anesthesia.

Gayundin, itakda ang iyong mga inaasahan. Maaaring magpabuti ng skin imperfections ang balat, ngunit hindi ito matatanggal sa kabuuan. Halimbawa, ang mga peklat ay hindi matatanggal, ngunit ang itsura nila ay bubuti.

Sa huli, alamin na ang malaking parte ng pagiging matagumpay ng treatment ay nasa kakayahan at kahusayan ng dermatologist. Dahil dito, pagkatiwalaan lamang ang mga board-certified na doktor.

Habang nasa Procedure

Habang isinasagawa ang laser resurfacing, gagamit ang dermatologist ng intense laser beams. Ito ay ginagawa upang masulong ang skin turnover at pagdami ng collagen. Kaya’t kailangan na takpan ng doktor ang iyong mga mata para sa iyong proteksyon.

Depende sa uri ng laser at laki ng bahagi na kakailanganin ng treatment, maaaring gumamit ang doktor ng local anesthesia o sedation.

Para sa non-ablative laser resurfacing, ang treatment ay mahahati sa maraming appointments.

Matapos ang Procedure

Kadalasang nagreresulta ang ablative laser sa pangangati, pamamaga, at raw skin. Dahil dito tatakpan ng doktor ang bahaging ito ng makapal na ointment at dressing. Maaari ka ring bigyan ng painkillers at sabihan kang gumamit ng cool compress. Sa panahon na ito, mainam na iwasan ang mga skincare na produkto at mga gawain na maaaring makairita sa balat, tulad ng swimming.

Ang nonablative laser resurfacing ay nangangailangan lamang ng kaunting oras sa recovery, at tipikal na makababalik ka na sa mga normal na gawain matapos ito. Maaaring may mga pamamaga at pamumula, ngunit kadalasan na ang cool compress ay sapat na upang maibsan ito.

Dahil bawat tao ay magkakaiba, kailangan mong makinig sa panuto ng dermatologist para sa pag-aalaga ng balat matapos ang treatment.

Mahalagang Tandaan

Gumagamit ang laser resurfacing ng intense laser beams upang magsulong ng pagdami ng collagen.  At makatulong na magkaroon ng mas bago, mas malambot, at tight na balat. Gayunpaman, ang pamamaraan na ito ay hindi para sa lahat. Kung interesado ka, pakiusap na talakayin muna sa iyong doktor ang benepisyo at banta nito

Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Balat at Paglilinis dito.

Ang Hello Health Group ay  hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Laser Skin Resurfacing, https://www.hopkinsmedicine.org/health/treatment-tests-and-therapies/laser-skin-resurfacing, Accessed November 5, 2021

Laser resurfacing, https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/laser-resurfacing/about/pac-20385114, Accessed November 5, 2021

Laser Skin Resurfacing: Top 8 Things You Need to Know, https://www.americanboardcosmeticsurgery.org/skin-resurfacing/the-top-8-things-you-need-to-know-about-laser-skin-resurfacing/, Accessed November 5, 2021

Laser Skin Resurfacing, https://my.clevelandclinic.org/health/treatments/11015-laser-skin-resurfacing, Accessed November 5, 2021

10 THINGS TO KNOW BEFORE HAVING LASER TREATMENT FOR YOUR SCAR, https://www.aad.org/public/cosmetic/scars-stretch-marks/laser-treatment-scar, Accessed November 5, 2021

Kasalukuyang Version

04/25/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Martha Juco, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyung medikal ni

Martha Juco, MD

Aesthetics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement