backup og meta

Kulubot Sa Mukha: Mga Uri, Sanhi At Paggamot

Kulubot Sa Mukha: Mga Uri, Sanhi At Paggamot

Nasubukan mo na bang tingnan ang iyong sarili sa salamin at may napansin ka bang kulubot sa mukha? Marahil sa paglipas ng panahon, ang mga ito ay magiging mas kapansin-pansin, at sa huli ito ay nagiging sanhi ng pagkabahala. Habang tayo ay tumatanda, ang mga kulubot sa mukha ay maaaring hindi maiwasan. At bakit nga ba tayo nagkakaroon nito? May magagagawa ba tayo upang maiwasan o maalis ang mga ito?

Patuloy na basahin ang article na ito para malaman ang kasagutan.

[embed-health-tool-bmi]

Mga Kulubot Sa Mukha

Ang kulubot sa mukha o wrinkles ay mga linya at lukot na lumalabas sa balat. Kung saan ang pagkakaroon nito ay natural na bahagi lamang ng proseso ng pagtanda. Gayunpaman, ang ilang mga kulubot sa mukha ay maaaring lumalim at maging mga lubak, partikular na sa paligid ng mga mata, bibig, at leeg.

Bagama’t ang genetics ay may malaking gampanin sa istruktura at texture ng balat, ang pagkakalantad sa liwanag ay ang nangungunang sanhi ng mga wrinkles. Ito ay lubhang totoo,lalo sa mga taong may maputing balat. Habang ang pollutants at paninigarilyo ay mga salik din ng pagkakaroon ng mga kulubot sa mukha.

Dagdag pa rito, minsan may hindi pagkakapantay sa mga kulubot sa mukha dahil ang mga tao ay posibleng hindi ngumingiti, o sila ay sumimangot nang mas madalas. May ilang indibidwal din na maaaring natutulog sa kanan o kaliwang pisngi o katawan na factor rin ng pangungulubot ng mukha.

Ang pagkakaroon ng wrinkles ay nakababahala para sa karamihan. Ngunit may maraming mga opsyon ang maaaring isaalang-alang para maiwasan o mapabagal ang ating mga senyales ng pagtanda. Kung saan ang ilan sa mga epektibong gamot sa mga kulubot sa mukha ay ang mga gamot, skin resurfacing techniques, fillers, at maging operasyon.

Mga Uri Ng Kulubot Sa Mukha

Ang mga kulubot sa mukha ay nauuri sa tatlong magkakaibang uri: dynamic wrinkles, static wrinkles, at wrinkle folds.

Dynamic Wrinkles

Nagkakaroon ng dynamic wrinkles dulot ng contraction ng muscles na nakadikit sa nakapatong na balat. Sa bawat contraction ng muscle, tulad ng pagngiti, pagtawa, o pagkaduling, ang balat ay nahihila nang magkakasama. Dahil dito, nagkakaroon ng linya sa pagitan ng muscles.

Ang mga pinakakaraniwang bahagi ng katawan kung saan nagkakaroon ng dynamic wrinkles ay ang mga sumusunod:

  • Sa gitna ng mga kilay
  • Sa noo
  • Malapit sa labas na bahagi ng mga sulok ng mga mata sa may pisngi (crow’s feet)

Bawat indibidwal ay ipinanganak nang may ganitong uri ng wrinkle, at ang mga ito ay mas lumalalim at mas nakikita habang tumatanda.

Static Wrinkles

Nagkakaroon ng static wrinkles dulot ng ibang mga salik na maaaring makaapekto tulad ng mga sumusunod:

  • Pagkasira ng balat dulot ng araw
  • Paninigarilyo
  • Genetics
  • Mababang nutrisyon
  • Pangmatagalang dynamic wrinkling

Wrinkle Folds

Ang ganitong uri ng wrinkle ay sanhi ng pagkalaglag ng mga istruktura ng mukha. Ito ay nagreresulta sa malalim na mga uka sa pagitan ng ilong at bibig na tinatawag na nasolabial groove.

Maraming mga salik ang nakaaapekto sa pagluwag o paglaylay ng balat:

  • Pagbaba sa bilang ng fat cells sa ilalim ng balat (subcutaneous tissue)
  • Ang pagbaba ng dermal collagen at elastin fiber ay nakapagpapababa sa lakas at pagkaelastiko ng balat.
  • Ang gravity ay nagiging sanhi upang ang maluwag na tissue ay malaglag.

Dagdag pa, nagkakaroon ng fine lines at mga kulubot sa balat bilang resulta ng hindi regular na pagkapal ng dermal at pagbaba sa lebel ng tubig na hinahawakan ng epidermis.

Anu-Ano Ang Mga Sanhi Ng Mga Kulubot Sa Mukha?

May mga maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga kulubot sa mukha at maging mas kapansin-pansin. Kabilang dito ang mga sumusunod:

Pagtanda

Habang tumatanda ang mga tao, mas bumabagal ang skin cells division at nagsisimulang magnipis ang dermis. Ang dermis ay isang network ng elastin at collagen fibers na nagbibigay ng suporta at pagkaelastiko. Habang ito ay lumuluwag sa paglipas ng oras, nagkakaroon ng depressions sa ibabaw ng balat. Ang tumatandang balat ay hindi gaanong kayang panatilihin ang moisture, hindi gaanong nakapaglalabas ng oil, at mas mabagal na gumagaling.

Contractions Ng Muscle Ng Mukha

Ang maliit na contractions ng muscle ay kilalang nagiging sanhi ng forehead lines, frown lines, at crow’s feet. Ang pagngiti, pagsimangot, pagkaduling, at iba pang mga paulit-ulit na ekspresyon ng mukha ay nakapagpapadami ng mga kulubot sa mukha. Nagreresulta sa pagkakaroon ng mga wrinkles ang ganitong mga ekspresyon.

Pagkasira Ng Balat Dulot Ng Matinding Sikat Ng Araw

Ang sobrang pagkakalantad sa araw ay maaaring maging sanhi ng photoaging o maaagang pagtanda ng balat. Ang UV light ay nagiging sanhi ng pagbaba ng collagen fibers, na humahantong sa produksyon ng hindi normal na elastin.

Kung ang UV light ay naging sanhi ng pagkasira ng tissue ng balat, ito ay nagpoprodyus ng enzyme na tinatawag na metalloproteinase. Ang enzyme na ito ay responsable sa pagkakaroon at muling pagsasaayos ng collagen. Gayunpaman, ang ilang maluusog na collagen fibers ay nasisira sa prosesong ito, na humahantong sa solar elastosis o hindi maayos na pormasyon ng fibers.

Ang pagkakaroon ng mga kulubot sa mukha bilang isang proseso ay nagiging paulit-ulit, kaya’t nababawasan ang pagiging epektibo sa bawat pagkakataon.

Paninigarilyo

Ang paninigarilyo ay nakapagpapabilis ng natural na proseso ng pagtanda ng balat, na nagiging sanhi ng mga kuluibot sa mukha. Ito ay maaaring dulot ng epekto ng paninigarilyo sa produksyon ng collagen.

Anu-Ano Ang Mga Opsyon Ng Gamutan?

Ang pinakaepektibong paraan upang maiwasan ang mga wrinkles ay ang paggamit ng mataas na SPF sunscreen (SPF 30 o higit pa) sa araw-araw na paggamit. Maraming cosmetic creams at anti-aging products ang maaaring gamitin na makatutulong sa pagtago ng mga kulubot sa mukha at mga pagbabagong may kaugnayan sa pagtanda.

Dagdag pa sa paggamit ng mga topical, kabiang sa mga tradisyunal na paraan ng skin resurfacing ay ang dermabrasion at chemical peels.

Kabilang sa iba pang mga operasyong gamutan ay ang mga sumusunod:

  • Botulinum toxin type A (Botox) injection therapy
  • Laser skin resurfacing
  • Dermal fillers
  • Face lift (Rhytidectomy)

Key Takeaways

Lahat ng mga tao kalaunan ay magkakaroon ng mga kulubot sa mukha dahil ito ay natural na proseso ng pagtanda. Bago magsagawa ng anumang gamutan para sa mga wrinkles, mahalagang ang gagamiting gamot ay angkop sa uri ng mga kulubot sa mukha. Kumonsulta sa iyong dermatologist para sa pinakamainam na anti-aging solusyon para sa iyo.

Matuto pa tungkol sa Pag-aalaga at Paglilinis ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Types of Wrinkles & Wrinkle Treatments, https://www.facialesthetics.org/patient-info/facial-esthetics/wrinkle-treatment/, Accessed April 5, 2022

Botulinum Toxin (Botox) for Facial Wrinkles, https://www.aao.org/eye-health/treatments/what-is-botox-facial-wrinkles, Accessed April 5, 2022

Wrinkles, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/wrinkles/symptoms-causes/syc-20354927,  Accessed April 5, 2022

Wrinkles, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/10984-wrinkles, Accessed April 5, 2022

Facial lines and wrinkles, https://dermnetnz.org/topics/facial-lines-and-wrinkles, Accessed April 5, 2022

Wrinkles, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/wrinkles, Accessed April 5, 2022

Kasalukuyang Version

05/18/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement