Ang Cetaphil cleanser ay hanay ng skin care products sa ilalim ng Galderma Laboratories na naka-base sa Canada. Ipinagmamalaki ng mga produktong Galderma na laging nakakatugon sa mga medikal at dermatological standards. Para patunayan ito, maraming mga dermatologist ang nagrekomenda ng Cetaphil Cleanser para sa mukha at katawan. Alamin pa dito kung para saan ang cetaphil.
Ang Cetaphil cleanser ay karaniwang nasa isang simpleng puting plastic container ng may asul na takip.
Pero ang mas malalaking volume (500 ml at pataas) ay nasa isang convenient pump bottle.
Ang cleanser ay isang milky substance na may bahagyang cloudy o translucent na kulay. Dahil banayad ang produkto, kakaunti lamang ang bula nito kapag ginagamit. Mayroon ding Cetaphil Cleansers para sa iba’t ibang uri ng balat (dry, oily, kumbinasyon at iba pa.) at skin condition (prone sa pamumula, acne, etc.) May cleanser din sila na magagamit mo para sa mukha mo at katawan (Gentle Skin Cleanser).
Walang parabens¹ ang Daily Facial Cleansers ng Cetaphil. Gayunpaman, ang Gentle Skin Cleanser ay may mga sumusunod na sangkap: purified water, cetyl alcohol, propylene glycol, sodium lauryl sulfate, stearyl alcohol, at ²parabens.
Para Saan ang Cetaphil: Cetaphil Face Wash
Ang Cetaphil ay ginawa para sa mga taong may oily at/o sensitibong uri ng balat. Nakakatulong ito sa pag-alis ng oil, dumi, at makeup nang hindi natutuyo ang balat.
Nasa ibaba kung para saan ang Cetaphil at mga gamit ng pangunahing sangkap para sa mukha at katawan:
Cetyl alcohol
Bilang isang emollient, ang sangkap na ito ay nakakatulong sa pagpapakinis at paglambot ng balat. Ito ay isang non-ionic surfactant, emulsifier, at emollient na ginagamit sa maraming cosmetics na responsable para sa pag-alis ng langis at dumi. Sa US, ang sangkap na ito ay naaprubahan nang ligtas ng FDA.
Propylene glycol
Ito ay isang sangkap na nakakabawas ng water evaporation sa ibabaw. Maaari itong maka-absorb ng moisture sa hangin, at mag-supply sa balat para makatulong sa hydration. Tinutulungan din ng propylene glycol ang pag-hydrate at pinapataas ang moisture sa cellular texture ng balat at binabawasan ang dami ng skin flaking.
Sodium lauryl sulfate
Tinutulungan ng sangkap na ito ang cleanser na banayad na dumulas sa ibabaw ng balat at bawasan ang surface tension. Kasama ang sodium lauryl sulfate sa nangungunang 10 sangkap na dapat isama sa mga facial cleanser.
Stearyl alcohol
Isang emulsifier na nagpapakinis at nagpapalambot sa balat, at nagpapanatili ng mga additives sa mga compound upang hindi masira ang mga ito.
Parabens
Mga preservative, na maaaring maglabas ng ilang mahahalagang nutrients sa balat.
Para Saan ang Cetaphil: Iba pang Gamit
Para saan ang Cetaphil? Ang Cetaphil Cleanser ay maaari ding gamitin para sa:
- Pag-ahit. Maaari itong maging pamalit para sa shaving cream.
- Dry bath para sa mga babaeng postpartum, postoperative na pasyente, at mga pasyenteng kailangang umiwas sa sipon.
- Araw-araw na paliligo para sa mga sanggol at maliliit na bata. Ito ay lalong epektibo para sa mga bata na may heat rash, diaper rash, at pangangati ng balat
- Paglilinis ng bibig ng sanggol pagkatapos ng pagpapakain.
Sino ang Maaaring Gumamit ng Cetaphil Cleanser para sa Mukha at Katawan?
Ang Cetaphil Cleanser ay isang banayad, low-irritant na produkto, na angkop sa mga taong may acne-prone skin, eczema, pangangati, tuyong balat, sensitibong balat, pamumula, psoriasis, sunburn, contact dermatitis, aging skin, at melasma.
Angkop din ito para sa pagpapagaan ng pangangati ng balat pagkatapos gumamit ng benzoyl peroxide, tretinoin, at adapalene.
Paano Gamitin ang Cetaphil Cleanser para sa Mukha at Katawan?
Maaari mong gamitin ang panlinis na ito para sa iyong mukha at katawan, isang beses o dalawang beses sa isang araw. Alinsunod sa manufacturer’s instructions, maaari kang maghugas nang may tubig o wala:
Wash With Water
- Una, basain ang iyong mukha ng tubig.
- Ibuhos ang cleanser sa palad, magdagdag ng kaunting tubig, at dahan-dahang kuskusin ang iyong mga kamay upang lumikha ng bula.
- Pagkatapos, ikuskos nang pantay-pantay sa iyong mukha. Dahan-dahang i-massage ang iyong balat sa circular motion.
- Panghuli, hugasan ang iyong mukha ng malinis na tubig at dahan-dahang tuyuin ng tuwalya.
Dry Wash
- Ibuhos ang cleanser sa palad. Ikuskos nang pantay-pantay sa iyong mukha.
- Dahan-dahan i-masahe ng ng circular motions.
- Pagkatapos nito, kailangan mo lamang gumamit ng malambot na tuwalya o paper towel upang punasan ang iyong mukha, hindi na kailangang banlawan ng tubig.
- Gayunpaman, kung hindi ka komportable, maaari mong gamitin ang tubig upang hugasan itong muli.
Ang dry wash ay angkop sa mga naglalakbay sa malayo o sa malamig na weather.
Pros and Cons
Pros
Ang ilan sa mga bagay kung bakit ang Cetaphil Cleanser na lubos na inirerekomenda ng mga dermatologist ay:
- Ito ay walang sabon at walang pabango
- Hindi ito nagdudulot ng pagkatuyo at pangangati sa mukha, kamay, o katawan.
- Ang panlinis ay tumutulong sa balat na mapanatili ang moisture.
- Hindi ito bumabara ng mga pores at maaaring makatulong pa sa paggamot ng acne.
- Ang Cetaphil ay may pH na 5.5, na angkop para sa balat upang mapanatili ang natural narrier nito.
Cons
Ang produktong ito ay naglalaman din ng parabens. Kung ikaw ay allergic sa parabens, huwag gumamit ng Cetaphil cleanser.
Saan Makakabili ng Cetaphil Cleanser?
Para makabili ng dermatologist-recommended cleanser na ito, maaari kang pumunta sa mga botika, klinika, o supermarket. Maaari ka ring mag-order online sa pamamagitan ng mga site ng e-commerce. Siyempre, siguraduhing suriin ang pagiging tunay ng produkto at alamin kung para saan ang Cetaphil.
Kung mayroong anumang mga side effect habang ginagamit, agad na kumonsulta sa isang reputable medical facility.
[embed-health-tool-bmi]