backup og meta

Benepisyo ng Rosehip Oil sa Balat, Anu-ano nga ba?

Benepisyo ng Rosehip Oil sa Balat, Anu-ano nga ba?

Alam mo ba na ang paborito mong essential oil ay hindi lang mabuting aromatherapy ngunit ito rin ay mainam sa iyong balat? Ang artikulong ito ay ibabahagi ang tungkol sa benepisyo ng rosehip oil. At paano mo ito maidaragdag sa iyong skincare routine.

Ano ang Rosehip?

Bago pa nalaman ng mundo ang tungkol sa benepisyo ng rosehip sa balat, ito ay unang nakilala na halamang gamot na may tradisyonal na pharmacological applications.

Ang rosehip oils ay ine-extract mula sa mga prutas na mula sa Rosaceae family, na mayaman sa nutrisyon tulad ng bitamina C. Karagdagan dito, mayroon din itong ilang mga powerful properties na makikita mula sa halaman, tulad ng antioxidants, anti-inflammatory, at antimicrobial properties. Kaya’t ang mga ito ay mainam na sangkap bilang herbal teas, vitamin supplements, at ibang mga produkto ng pagkain.

Maliban sa mga nutrisyonal na benepisyo, ito rin ay lunas sa rheumatoid arthritis at osteoarthritis. Ang ibang mga natural na kemikal na mayroon sa rosehip ay may benepisyo rin sa ibang mga kondisyon sa kalusugan.

Ang rosehip oil ay isang complex blend ng alcohols, aldehydes, ketones, terpenoids, at esters.

Ano ang Ilang mga Benepisyo ng Rosehip Oil sa Balat?

Naglalaman ang rosehip oil ng high essential fatty acids (EFAs), isang karaniwang sangkap ng herbal cosmetics at skincare na produkto. Narito ang ilang mga benepisyo ng rosehip oil na may basehan ng pananaliksik na maaari mong ikonsidera.

1. Nakatutulong na Mag-moisturize ng Balat

Mawawalan ng saysay ang paggamit ng mga skincare na produkto kung hindi mo imo-moisturize ang iyong balat. Sa kabutihang palad, isa sa pinaka kilalang benepisyo ng rosehip oil ay ang abilidad nito na magdagdag ng layer ng proteksyon sa pamamagitan ng moisturization.

Ang rosehip oil ay isang sangkap na may antioxidant at anti-inflammatory properties na nagtatrabaho upang maiayos ang barrier ng balat.

Maaari kang gumamit ng pang-araw-araw na moisturizer sa pamamagitan ng paglalagay ng ilang patak nito sa iyong balat. Ang pagmamasahe nito nang mabuti matapos ang paglalagay ay nagpapa-absorb nito sa balat.

2. Ito ay Naglalaman ng Bitamina na Nagpapakintab ng Balat

Ang rosehip oil ay mayaman sa bitamina A, C, at E na may antioxidant na properties na nagtatrabaho upang maging makintab ang iyong balat. Ito ay sa kadahilanan na ang bitamina A (retinol) ay nagsusulong ng skin cell turnover. At ang bitamina C ay nagsusulong ng regeneration ng balat. Ang vitamin E naman ay mayroong antioxidant at anti-inflammatory properties na nakatutulong mabawasan ang pamamaga at pamumula ng balat lalo na dahil sa UV damage. Kaya’t ito ay nagpapabuti ng pangkalahatang itsura ng balat at nag-iiwan ng maliwanag na itsura.

3. Maaari Itong Gumamot sa Fine Lines, Hyperpigmentation, at Peklat

Makatutulong ang presensya ng bitamina A sa pagtanggal ng nakikitang fine lines at wrinkles, hyperpigmentation, at maging ang ilang peklat ng tigyawat.

Sa isang pananaliksik na isinagawa noong 2015, ang paggamit ng rosehip oil ay nagpapakita ng pagpapabuti ng discoloration ng balat mula sa peklat. Ayon sa American Academy of Dermatology, ang moisture ay maaaring magsulong ng paggaling ng sugat na maaaring magtanggal ng peklat.

4. Nagsusulong Ito ng Produksyon ng Collagen

Maraming mga skincare na produkto na naglalaman ng collagen dahil ang protina na ito ay nagreresulta sa pagiging firm ng balat at nagpapabuti ng elasticity, na nakatutulong na magtanggal ng ilang senyales ng skin-aging.

Ang maraming bitamina A at C sa rosehip oil ay nakatutulong sa produksyon ng collagen. Isiniwalat ng isang pag-aaral na ang mga kalahok na ininom ang rosehip powder ay naobserbahan ang pagpapabuti ng elasticity sa balat. Karagdagan, nagkaroon din ng indikasyon sa produksyon ng MMP-1, isang enzyme na hinahayaan ang breakdown ng collagen.

Key Takeaways

Nagbibigay ng maraming mga benepisyo ang rosehip oil sa balat. Ngunit, bago mo isama ang essential oi na ito sa iyong skincare routine at ilagay ito sa iyong mukha, mainam pa rin na magsagawa muna ng patch test. Ito ay nakatutulong na malaman mo kung magre-react ng negatibo ang iyong balat sa ganitong potent na produkto.
Tandaan na kailangan ng iyong mukha lahat ng pagmamahal, pag-aalaga, at moisturization. Konsultahin ang iyong dermatologist kung paano magkakaroon ng balat na mukhang bata.

Matuto pa tungkol sa Pangangalaga sa Balat at Paglilinis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Anti-Inflammatory and Skin Barrier Repair Effects of Topical Application of Some Plant Oils – Tzu-Kai Lin,Lily Zhong, and Juan Luis Santiago, https://www.mdpi.com/1422-0067/19/1/70/htm Accessed January 27, 2022

Chapter 76 – Rose Hip (Rosa canina L.) Oils – Naveed Ahmad, Farooq Anwar, and Anwar-ul-Hassan Gilani, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/B9780124166417000766 Accessed January 27, 2022

Essential Fatty Acids and Skin Health, https://lpi.oregonstate.edu/mic/health-disease/skin-health/essential-fatty-acids Accessed January 27, 2022

Evolution of Post-Surgical Scars Treated with Pure Rosehip Seed Oil – Pedro Valerón-Almazán, Anselmo J. Gómez-Duaso, Néstor Santana-Molina, Miguel A. García-Bello, and Gregorio Carretero, https://file.scirp.org/pdf/JCDSA_2015062914154638.pdf Accessed January 27, 2022

Rosehip, https://www.versusarthritis.org/about-arthritis/complementary-and-alternative-treatments/types-of-complementary-treatments/rosehip/ Accessed January 27, 2022

Rose Hip, https://medlineplus.gov/druginfo/natural/839.html Accessed January 27, 2022

https://www.mdpi.com/1422-0067/19/1/70/htm

The effectiveness of a standardized rose hip powder, containing seeds and shells of Rosa canina, on cell longevity, skin wrinkles, moisture, and elasticity – L Phetcharat, K Wongsuphasawat, and K Winther, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4655903/ Accessed January 27, 2022

Vitamin A (Retinol), https://www.mountsinai.org/health-library/supplement/vitamin-a-retinol Accessed January 27, 2022

Kasalukuyang Version

06/06/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Sue Kua, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyung medikal ni

Sue Kua, MD

Dermatology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement