backup og meta

Ano Ang Mewing? Posible Ba Nitong Paliitin Ang Mukha? Alamin!

Ano Ang Mewing? Posible Ba Nitong Paliitin Ang Mukha? Alamin!

Samu’t saring mga video ang makikita online tungkol sa pagsasagawa ng ilang mga ehersisyo upang mapapayat ang mukha. Ito ay marahil maraming tao ang nais magkaroon ng maliit na mukha nang hindi kinakailangan magpaopera at magbayad ng malaki para matamasa ito. Isa sa mga popular na ikinokonsidera ng mga tao gawin ay ang tinatawag na mewing exercises. Ngunit, ano ang mewing? Epektibo ba talaga ito sa pagpapaliit ng mukha? Alamin dito. 

Ano Ang Mewing?

Isa sa karaniwang inaalala ng ilang mga tao ang pagkakaroon ng tinatawag na “double chin.” Kung kaya, naghahanap sila ng paraan upang hindi ito mahalata o mawala ito. 

Ang mewing ay tumutukoy sa isang pamamaraan kung saan ginagamit ang placement ng dila upang maihulma ang panga at mukha. Ito ay ipinangalan sa British orthodontist na nagsimula nito, si Dr. Mike Mew. Nilikha niya ang approach na ito at tinawag niyang orthotropic treatment. Dito, binigyang-diin din ng doktor ang pangangailangan na itama ang postura ng panga sa pamamagitan ng pag-aayos ng facial muscle tone. Ito ay naghihikayat sa natural na pagkakahanay ng mga ngipin at positibong epekto sa craniofacial structures. Bukod pa rito, sinasabi ng mga tagapagtaguyod ng naturang technique na nakatutulong ito sa mga sumusunod na kondisyon:

  • Crooked teeth
  • Speech disorders
  • Sleep apnea
  • Pananakit dahil sa mga problema at isyu sa panga

Inilalagay ng mga taong nagsasagawa ng mewing technique ang kanilang mga dila sa bubong ng kanilang mga bibig, sa halip na ilagay ito sa ilalim ng bibig. Dahil dito, magkadikit ang kanilang mga labi at maging ang kanilang mga ngipin ay nagtatamaan o malapit sa isa’t isa.

Marami ang nag-eendorso nito sa mga social media platforms bilang alternative therapeutic intervention na maaaring kapalit ng orthognathic surgery at conventional orthodontics, dahilan para magtanong ang sangkatauhan kung ano ang mewing. 

Ano Ang Mewing At Epektibo Ba Ito?

Bagaman maraming mga tagasuporta ang nakukumbinsi na makatutulong ang mewing sa kanilang isyu, walang mga eksperto o pag-aaral na nagpapatunay na ito ay epektibo upang paliitin ang mukha. Mayroong mga mananaliksik ang nakapagugnay ng posisyon ng ngipin at dila sa jaw development. Ngunit, hindi ito kaparehas ng nais ipahiwatig ni Dr. Mew sa kanyang argumento. 

Ayon sa American Association of Orthodontists, ang wastong pagkakalapat ng dila ay maaaring makapabago ng struktura ng mukha. Subalit, hindi mewing ang solusyon. Higit sa mga mewing exercises, ito ay isang komplikadong proseso na kinasasangkutan ng mga pagbabago sa  mga sumusunod:

  • Mga buto ng panga
  • Buto sa mukha
  • Malalambot na tissue

Isang mahalagang pahiwatig ang natural na resting position ng dila sa kung ano ang nangyayari sa loob ng bibig. Kung ito ay pilit na babaguhin, maaari itong humantong sa tongue thrusting. Ito ay tumutukoy kapag natulak ang alignment ng dila, dahilan para maging sanhi ng bite problems, o speech at swallowing problems. 

Kung nais mong lubusang maunawaan kung ano ang mewing at kung maaari mo ba itong gawin, mainam na kumunsulta muna sa doktor. Maaari ka niyang bigyan ng angkop at ekspertong payo tungkol sa iyong sitwasyon. Bukod pa rito, maaari siyang maglatag sa iyo ng ilang mga opsyon na maaari mong gawin upang makamit ang iyong pagnanais na magkaroon ng maliit na mukha

Key Takeaways

Sa pagkalat ng mga video sa mga social media, marami ang nagtatanong kung ano ang mewing. Gayunpaman, kailangan paalalahanan ang publiko na wala pa rin, mapasahanggang ngayon, siyentipikong batayan na ito ay mabisa bilang alternatibong paggamot sa orthognathic surgery. Walang sinumang doktor o eksperto ang nagrerekomenda nito dahil sa mga posibleng problema at epekto na maaaring idulot sa iyo. Kung nais mong lumiit ang iyong mukha, siguruduhin kumunsulta sa iyong doktor sa mga maaari mong gawin para ito. 
Bilang mga taong nagkokonsumo ng mga bagay na nababasa o napupulot online, kailangan nating maging lalo maingat sa kung ano ang paniniwalaan natin sa hindi. Samakatuwid, hindi lahat ng trending ay mainam at epektibong gawin. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Pangangalaga at Paglinis ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How Two British Orthodontists Became Celebrities to Incels, https://www.nytimes.com/2020/08/20/magazine/teeth-mewing-incels.html, Accessed August 5, 2022

‘Does traditional orthodontics ruin faces?’ – a debate – S K J Church, https://www.nature.com/articles/4813971, Accessed August 5, 2022

Mouth And Throat Exercises to Help Stop Snoring and Improve OSA, https://www.sleepfoundation.org/snoring/mouth-exercises-to-stop-snoring, Accessed August 5, 2022

Myofunctional approaches, https://www.lsfo.co.uk/about/myofunctional-orthodontics/, Accessed August 5, 2022

Mewing: Social Media’s Alternative to Orthognathic Surgery? – Urie K. Lee, DDS, Lindsay L. Graves, DDS,  and Arthur H. Friedlander, DMD, https://www.joms.org/article/S0278-2391(19)30349-0/pdf, Accessed August 5, 2022

Current Internet Trend You Should Skip, https://www3.aaoinfo.org/blog/current-internet-trend-you-should-skip/, Accessed August 5, 2022

The Jaw Epidemic: Recognition, Origins, Cures, and Prevention – Sandra Kahn, Paul Ehrlich, Marcus Feldman, Robert Sapolsky, Simon Wong, https://academic.oup.com/bioscience/article/70/9/759/5872832, Accessed August 5, 2022

Kasalukuyang Version

07/26/2024

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pagbabago ng nunal sa balat, palatandaan ba ng kanser? Alamin dito!

Paano gawin ang ice facial, epektibo ba ito pampakinis sa mukha?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement