backup og meta

Ano ang Facelift at Paano Ito Ginagawa?

Ano ang Facelift at Paano Ito Ginagawa?

Isa sa mga bagay na hindi maiiwasan sa buhay ang pagtanda. Bukod sa iba’t ibang posibleng kondisyon na kasama nito, maaari din ito makita sa itsura ng tao. May paraan ba para manatiling banat at mukhang bata ang iyong mukha? Makakatulong ba ang mga operasyon gaya ng facelift? Ano ang facelift? Magbasa pa para malaman kung ano ang facelift at ano ang mga kailangan mong malaman bago magpagawa nito.

Ano ang facelift?

Gaya ng sinasabi ng pangalan nito, ang facelift ay isang cosmetic na uri ng operasyon na nagbabanat sa mukha at/o leeg. Binabago ang posisyon o inaalis ng operasyong ito ang mga balat, taba, at/o muscle para mas maganda ang itsura ng pagtanda. Tinatawag din itong rhytidectomy ng ilang tao, at maaari nitong ayusin ang mga sumusunod na senyales ng pagtanda:

  • Paglubog ng balat sa mukha
  • Malalim na fold o crease line na makikita sa paligid ng ilong at sulok ng bibig
  • Taba sa mukha na lumiit o nawawala
  • Nakalaylay na balat sa pisngi at/o panga (jowls)
  • Sobrang balat at taba sa leeg na nakikita bilang “double chin”

Bilang resulta, binabanat nito at ginagawang makinis ang balat. Ngunit mahalagang tandaan na isang uri ng cosmetic restorative surgery ang facelift. Samakatuwid, hindi nito mababago nang tuluyan ang iyong itsura, at hindi rin nito mapipigilan ang pagtanda. Bukod pa dito, hindi rin nito kayang gamutin ang wrinkles, skin damage, o mga problema sa kulay ng balat.

Tinuturing na individualized surgery ang mga facelift, na nakaayon sa mukha ng bawat tao at ninanais nilang resulta.

Iba’t Ibang Uri ng Facelift

May iba’t ibang uri ng facelift ayon sa mga target na lugar sa mukha at leeg.

Sumusunod ang mga uri ng facelift:

  • Standard/tradisyonal na facelift
  • SMAS facelift/rhytidectomy (superficial musculoaponeurotic system)
  • Deep plane facelift
  • Mid-facelift
  • Mini-facelift
  • Cutaneous (skin) facelift

May mga nonsurgical facelift din na maaari mong pag-isipan, gaya ng mga sumusunod:

Maaari kang kumonsulta sa dermatologist at surgeon para mas matulungan kang maunawaan ang mga advantage at disadvantage ng bawat isa. Susuriin ka rin nila tungkol sa mga sumusunod:

  • Mga gusto at layunin sa facelift
  • Anumang medical condition, allergy, at/o mga kasalukuyang medical treatment
  • Mga kasalukuyang gamot, vitamin, supplement, alak, t0bako, at kahit na pagkonsumo ng droga
  • Mga pinagdaanang operasyon

Ito ang mga mahahalagang bagay na makatutulong sa iyo sa pagpili ng facelift procedure na angkop sa hugis ng iyong mukha at nais mong mangyari.

Iba’t ibang Hakbang sa Facelift Procedure

Step 1. Anesthesia

Sa oras ng operasyon, magbibigay ng anesthesia ang iyong doktor para matulungan kang mag-relax, sa pamamagitan man ng intravenous sedation o general anesthesia. Maaari din irekomenda ng doktor kung ano ang pinakamabisa sa iyo mula sa mga pagpipilian.

Step 2. Proseso ng Incision

Depende sa kung anong uri ng facelift ang kukuhanin, maaaring maghiwa ang surgeon sa mga sumusunod na bahagi sa oras ng operasyon:

  • Sa dulo ng hairline
  • Malapit sa tainga
  • base ng anit
  • ibaba ng baba
  • bibig

Mag-iiba din ang laki ng mga incision depende sa uri ng facelift na kukuhanin. Bago ang operasyon, ipapaalam sa iyo ng surgeon ang lahat ng ito.

Step 3. Isara ang Incision

Pagtapos ng operasyon, gagamit ang doktor ng isa sa mga sumusunod na paraan para isara ang (mga) incision:

  • Mga natutunaw na tahi
  • Mga tahi na dapat tanggalin pagtapos ng ilang araw
  • Skin glue

Kapag gumaling na ang mga incision line mula sa facelift, nakatago na ito sa loob ng hairline, at sa mga natural na contour ng mukha at tainga.

Asahan ang pamamaga at pagpapasa, pati na rin ang mild hanggang moderate pain, at hindi komportableng pakiramdam. Ito ang dahilan kung bakit magbibigay din ng ilang antibiotic ang doktor, para maiwasan ang anumang pagkakaroon ng impeksyon. Makatutulong din ang compression garment para mabawasan ang pamamaga.

Mga Posibleng Panganib at Komplikasyon ng Facelift Procedure

Tulad ng iba pang operasyon, mayroon din itong mga posibleng panganib at komplikasyon na maaaring nakataya. Ang impeksyon, matinding pagdurugo, at masamang reaksyon dahil sa anesthesia, ilan lamang ito sa mga karaniwang nangyayari sa malalaking operasyon.

Kahit bihira ito mangyari, kabilang ang mga sumusunod sa mga panganib at komplikasyon ng facelift:

  • Hematoma
  • Peklat
  • Nerve injury
  • Pagkalagas ng balat at buhok
  • Matagal na pamamaga
  • Mabagal na proseso ng paggaling, at iba pang mga isyu sa pagpapagaling ng sugat
  • Mga problema sa kulay ng balat
  • Pamamanhid (mga pagbabago sa sensasyon ng balat)

Key Takeaway

Nariyan ang mga facelift para tulungan kang mapabuti ang ilang senyales ng pagtanda, at makapagbigay ng mas batang itsura. Ngunit mahalagang tandaan na hindi maaaring ibalik ng mga operasyon na tulad nito ang mismong proseso ng pagtanda.

Siguraduhing pag-isipan ang lahat ng mga bagay na ito bago kumuha ng facelift.

Matuto pa tungkol sa Skin Care at Cleansing dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Facelift (Rhytidectomy), https://my.clevelandclinic.org/health/treatments/11023-facelift, Accessed March 10, 2022

Facelift Guide, https://www.americanboardcosmeticsurgery.org/procedure-learning-center/face/facelift-guide/,  Accessed March 10, 2022

Face-lift, https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/face-lift/about/pac-20394059, Accessed March 10, 2022

Facelift, https://www.hopkinsmedicine.org/health/treatment-tests-and-therapies/facelift, Accessed March 10, 2022

Facelift (meloplasty), https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/facelift-meloplasty, Accessed March 10, 2022

Facelift – Rhytidectomy, https://www.plasticsurgery.org/cosmetic-procedures/facelift/procedure, Accessed March 10, 2022

Kasalukuyang Version

12/01/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement