Ano ang chemical exfoliation? Ang chemical exfoliation, o skin peeling, ay ang pamamaraan ng pag-alis ng mga topical layer ng balat gamit ang isang chemical solution. Nakakatulong ito sa pag-alis ng mga dead skin cells upang mabawasan ang isa o higit pa sa mga sumusunod:
- Fine lines at wrinkles
- Acne
- Mga Peklat
- Skin discoloration at pigmentation
- Iba pang mga imperpeksyon at problema sa balat
Sa treatment na ito, ang mga bahaging nabanggit sa itaas ay tuluyang nagbabalat. Kaya nagkakaroon ng bagong cells at gumaganda ang hitsura ng balat. Ito ay nagiging mas makinis at mukhang bata.
Makakaya itong gawin ng dermatologist mo o kasama ng iba pang mga cosmetic procedure sa kani-kanilang mga klinika. Magagawa nila ito sa iba’t ibang variations mula sa mababaw hanggang sa malalim. Pero ang mas malalalim na chemical peels ay pwedeng magbunga ng mas kapansin-pansing mga resulta na magreresulta sa mas mahabang downtime para mangyari ang paggaling.
Ang chemical exfoliation ay madalas na ginagawa sa mukha, leeg, at/o mga kamay.
Anong mga Skin Conditions ang ang Maaaring Mag-benefit sa Chemical Exfoliation?
May mga partikular na kondisyon ng balat kung saan ang mga kemikal na pagbabalat ay kapaki-pakinabang sa pagpapalakas ng kulay at texture ng balat. Ang ilan sa mga ito ay:
- Mild scarring
- Magaspang na balat at nangangaliskis na mga patch
- Mga spot (sun spots, age spot, liver spot, at freckles)
- Actinic keratosis
- Melasma
Ano ang Chemical Exfoliation: Mga Uri
Ang iba’t ibang mga chemical solutions ay may iba’t ibang mga kinalalabasan. Ang skin goal mo, kasama na ang assessment ng iyong doktor, ay makakatulong na matukoy kung anong uri ng peeling ang dapat para sa iyo.
Mayroong tatlong pagbabalat, pangunahin ang mild peel, medium peel, at deep peel.
Mild/Light Peel
Ang superficial chemical peel ay nag-aalis ng epidermis o ang pinaka ibabaw na layer ng balat sa pinakabanayad na posibleng paraan. Kaya, ginagamot ang mga pinong wrinkles, acne, uneven skin tone at pagkatuyo ng balat. Makakatulong din ito sa matinding sun damage upang maagkaroon ng healthy glow.
Karaniwan itong gumagamit ng kumbinasyon ng mga alpha-hydroxy acid (AHAs) at beta-hydroxy acids (BHAs).
Ang ilang karaniwang BHA na nasa iba’t ibang produkto ng skincare ay:
- Glycolic acid
- lactic acid
- Salicylic acid
- Maleic acid
Dahil ang chemical exfoliation na ito ay mild, ang mga taong may anumang uri ng balat at kayang i-tolerate ito ( sa loob lamang ng mga oras o araw). Pwede mong piliin ang mild peeling tuwing ikalawa o ikalimang linggo, gaya ng iminungkahi ng iyong dermatologist.
Medium Peel
Ang susunod ay ang medium chemical peel. Ito ay tumutulong sa pag-alis ng dead skin cells hindi lang sa epidermis kundi pati sa ilang bahagi ng middle layer ng balat (dermis).
Ang trichloroacetic acid (TCA) ay ang pinakakaraniwang anyo ng peeling agent para sa ganitong uri.
Kung mayroon kang skin discoloration, age spots, acne scars, o fine-to-moderate wrinkles, ang medium peel ay maaaring pinakamahusay sa iyo. Pero pwedeng tumagal ng isang linggo o higit pa bago gumaling, kaya nangangailangan ng ilang downtime.
Deep Peel
Dahil ito ay sa ilalim ng balat, ang masusing chemical exfoliation ay nag-aalis ng mas maraming skin cells kumpara sa dalawang iba pa. Ito ay tumatagos hanggang sa lower middle layer. Ang malalalim na wrinkles, peklat, at/o precancerous growths ang mga pangunahing dahilan kung bakit ang mga doktor at mga pasyente ay parehong isinasaalang-alang ang lalim ng pagbabalat na ito.
Ang pretreatment para sa deep chemical peel ay maaaring tumagal ng hanggang walong linggo. Ito ay nagpapahiwatig din ng isang makabuluhang downtime.
Ang one-time treatment ay karaniwang gumagamit ng malakas na uri ng TCA, phenol. Pero mayroon ding ipa pang agents at kombinasyon na pwedeng irekomenda ng doktor mo. Kapag nagsasagawa ng deep peels, maaaring kailanganin mo ng local anesthesia at sedative.
Ano ang Mga Posibleng Panganib at Komplikasyon ng Chemical Exfoliation?
Ang peeling, maging ito ay physical o chemical form, ay maaaring magdulot ng ilang adverse reactions sa balat, kabilang pero hindi limitado sa mga sumusunod:
- Pamumula at pangangati ng balat
- Skin discoloration
- Crusting at scaling
- Skin burns at swelling
- Peklat
- Allergic reactions sa mga kemikal
- Impeksyon
- Sensitibo sa sikat ng araw
May posibilidad na ang isang tao ay magkaroon ng pinsala sa atay, bato, o kahit sa puso dahil sa malalim na chemical peels. Ang pagkakaroon ng phenol (partikular na carbolic acid) ay maaaring magdulot ng pinsala sa puso, na nagiging sanhi ng hindi regular na pagtibok. Bukod dito, ang sangkap na ito ay maaari ding nakakalason sa mga bato at atay.
Key Takeaways
Ang chemical exfoliation ay skin-resurfacing procure na maaaring magbigay sa iyo ng mahusay na skin improvements. Gayunpaman, dapat tandaan na maaaring may ilang masamang epekto na maaaring mangyari.
Siguraduhing kumunsulta sa iyong dermatologist bago gawin ang ganitong treatment. Ang pagsasabi ng iyong medical history sa mga gamot na kasalukuyan mong iniinom kasama ng mga inaasahan mo ay makakatulong sa paghahanda mo para rito.
Matuto nang higit pa tungkol sa Skin Care and Cleansing here.
[embed-health-tool-bmi]