Ang pagtubo ng buhok sa private parts ay normal na function ng katawan. Gayunpaman, sa mga nagdaang taon, mas maraming mga tao ang nag-e-explore ng pagtanggal ng buhok sa kanilang private parts. Maaaring sabihin ng iba na ang mga kabataan ngayon ay hindi kasing konserbatibo ng mga matatanda pagdating sa pagtanggal ng pubic hair. Kaya lang, hindi ito ganoon kasimple. Ang kanilang mga dahilan dito ay hindi lamang dahil sa vanity. Tingnan natin kung paano ang practice ng pagtanggal ng pubic hair.
Pagtanggal ng Pubic Hair Bilang Disiplina
Bagama’t hindi ito karaniwang tinatanggap sa mga kulturang kanluranin hanggang kamakailan, may ilang dahilan na ibinigay para sa pag-alis ng buhok sa private part. Sinasabi ng isang dahilan na ito ay disciplinary practice. At nailalarawan sa pamamagitan ng pagtanggal o pagbabago ng mga aspeto ng katawan ng isang babae. Itinuturing ng teoryang iyon ang pubic hair na hindi attractive. Ngunit kung hindi man ay “natural,” kaya kailangan ang pagtanggal ng pubic hair.
Ang isang pag-aaral mula 2016 ay nakakita ng 11 sekswal at etnikong magkakaibang kabataang babae sa New Zealand bilang subject. Ang tema ay ang pubic hair ay hindi kanais-nais at may preference para sa pag-alis nito.
Private Part Hair Removal para Mas Mukhang Bata
Karaniwang hindi lumalabas ang pubic hair hanggang sa puberty o adolescence. Kaya naman ang kawalan ng buhok sa pribadong bahagi ay may kaugnayan sa kabataan. Ang isang pag-aaral sa U.S. mula 2014 ay nakakita ng 2,451 kababaihan na may edad 18 hanggang 68 bilang subjects ng isang survey sa internet sa paksang ito.
Sinabi ng mga kababaihan ang kanilang magkakaibang mga paraan ng pubic hair-grooming. Ang pagtanggal ng pubic hair ay nauugnay sa mas batang edad, sexual orientation, sexual relationship status. Kasama rin ang pagkakaroon ng cunnilingus sa nakalipas na apat na linggo, at mas mataas na mga score sa Female Genital Self-Image Scale at Female Sexual Function Index.
Ayon sa mga natuklasan ng pag-aaral, nagmumungkahi na ang mga pubic na hairstyle ay magkakaiba at ito ay mas karaniwan kaysa sa hindi para sa mga kababaihan na magkaroon ng kahit ilang pubic hair sa kanilang mga ari.
Ang mga babae ay mas marami pa rin sa mga lalaki na pumili sa pagtanggal ng pubic hair. Ang mga kabataang babaeng iyon din ay lumipat mula sa partial papunta sa full removal ng buhok sa bikini area.
Sa isang Australian survey ng 235 na mga babaeng undergraduates, binanggit ng mga babae ang femininity at pagiging kaakit-akit bilang mga dahilan sa pagtanggal ng pubic hair. Ayon sa isang Cosmopolitan survey ng 1,000 kabataang lalaki, 95% ang gumagawa ng ganap na pag-groom ng kanilang private parts. Tulad ng naunang nabanggit, ang mga dahilan na ibinigay para sa parehong kasarian ay ang pang-unawa sa kalinisan at sexual attractiveness.
Mayroon bang mga benepisyo?
Bukod sa aesthetics at perception ng kalinisan, ang tanong ay, may benepisyo ba ang pagtanggal ng pubic hair? Nag-post si Dr. Mary Marnach sa Mayo Clinic na, “There’s no medical or hygienic reason for removing some or all of your pubic hair.” Ayon sa kanya, walang medikal o hygienic na dahilan para alisin ang ilan o lahat na pubic hair mo. Sa katunayan, ang proseso ng pagtanggal ay maaaring masakit at magdulot ng maraming side effect.
Maaaring mga side effect ng pagtanggal ng pubic hair:
- Pangangati ng ari, minsan matindi
- Genital burns dahil sa waxing
- Mga gasgas o hiwa dahil sa pag-ahit o pag-wax
- Pantal, bukol at ingrown hairs
- Bacterial infections
- Mas mataas na risk na mahawa o makahawa ng viral infections, tulad ng herpes simplex o HPV, dahil sa mga hiwa o skin irritation na nagiging mas madaling kapitan ang balat
- Contact dermatitis mula sa shaving products
Ayon pa kay Marnach na kung gusto mong alisin ang pubic hair mo, humingi ng gabay sa iyong doktor upang makatulong na mabawasan ang mga side effect
Bukod sa pag-aahit, ang iba pang paraan ng pagtanggal ng pubic hair ay maaari ring maka-trauma sa balat sa genital region.
Mas pinapataas nito ang tyansa para sa sexually transmitted infections. Inirerekomenda ng isang pag-aaral na umiwas sa pakikipagtalik sa isang tiyak na panahon pagkatapos mag-wax ng pubic hair. Ito ay upang limitahan ang posibilidad ng pagkahawa ng sexually transmitted infections.
Key Takeaways
Bagama’t madalas na hindi pinag-uusapan ng lantad, ang pagtanggal ng buhok sa private part ay naging mas uso sa lalaki at babae. Pinipili ng mga kababaihan na gawin ito upang ipakita ang kabataan at kalinisan. Gayunpaman, walang napatunayang medikal o hygienic na dahilan para sa pagtanggal ng pubic hair. May mga side effect din na dapat malaman ng mga tao bago nila gawin ito.
Matuto pa tungkol sa Skincare at Cleansing dito.
[embed-health-tool-bmr]