Ano ang mabisang tips para sa pampaputi ng tuhod at siko? Ang mga taong may lahat ng uri ng skin types ay pwedeng magkaroon ng maitim na balat sa tuhod at siko. Pero ang mga taong may mas maitim na skin tones ay mas prone dito. Dahil ang kanilang balat ay mas malamang na mag-overproduce ng melanin.
Maraming maaaring dahilan kung bakit may maitim na balat sa mga tuhod, siko at iba pang mga kasukasuan. Tulad ng maraming dead skin cells, friction, sun exposure, at ilang partikular na skin disorders gaya ng post-inflammatory hyperpigmentation at eczema. Ang maitim na tuhod ay hindi mapanganib, kaya hindi kinakailangan ang paggamot. Gayunpaman, may mga home remedy sa ilang mga sitwasyon para ma-minimize ang kanilang hitsura.
Natural Remedies Para sa Pampaputi ng Tuhod at Siko
Maaari mong subukan ang mga sumusunod na remedy para sa pampaputi ng tuhod at siko. Tandaan lang na palaging komunsulta sa iyong dermatologist para sa pinakamahusay na paggamot.
Emerald tea
Ang epigallocatechin gallate, ang primary compound sa green tea. Sinasabing ito ay nakakatulong sa skin-lightening treatment. Isang pag-aaral noong 2015 ang nagsiwalat na ang compound na ito ay maaaring makapigil sa pagdami ng melanin. Ito ay sa pamamagitan ng pagharang sa tyrosinase, ang pangunahing enzyme na kailangan upang makagawa ng melanin.
Narito ang isang aplikasyon para sa green tea: Ibabad ang green tea sa isang tasang mainit na tubig. Hayaang lumamig at pagkatapos ay ipahid ito sa tuhod dalawang beses araw-araw gamit ang cotton ball na isinawsaw sa tea.
Aloe vera
Ang isa pang tip para sa pampaputi ng tuhod at siko ay aloe vera. Pinaniniwalaan na ang aloe vera gel ay nakakapagpaputi ng balat. Ang proponents ng halaman, aloesin, ay nagpapababa ng hyperpigmentation na dulot ng araw.
Para masubukan: Maglagay ng 1 kutsara ng aloe gel sa mga tuhod mo dalawa hanggang tatlong beses bawat linggo. Siguradung malinis ang mga kamay mo.
Turmeric
Ang curcumin, na nasa turmeric, ay pinaniniwalaang pumipigil sa aktibidad ng tyrosinase. Binabawasan nito ang pagbuo ng melanin at maaaring makatulong na mabawasan ang hyperpigmentation. Pangunahing sangkap sa turmeric ang curcumin, na tradisyunal na ginagamit upang mapaputi ang balat.
Magagamit ba Para sa Spots ang mga Natural na Paggamot Para sa Maitim na Tuhod?
Ang dark patches, tulad ng maitim na tuhod, ay maaaring may iba’t iba mga kondisyon tulad ng age spots o liver spots. Ang mga age spot at liver spot ay maaaring dala ng matagal na pagkakalantad sa araw. Karaniwang lumilitaw ang mga ito sa mga lugar na nakalantad sa araw. Ito ang mukha, balikat, braso, at kamay.
Sulit na subukan ang mga home remedy. Gayunpaman, may mga produktong partikular na ginawa upang matugunan ang mga ganitong alalahanin. Mayroon ding mga laser na magagamit para sa pampaputi ng tuhod.
Paano Iwasan ang Maitim na Tuhod
Narito ang pinakamahusay na mga hakbang para maiwasan na magkaroon ng maitim na tuhod. Upang bawasan ang iyong panganib:
- Maglagay ng sunscreen nang madalas, dahil ang exposure sa UV ay karaniwang sanhi ng hyperpigmentation.
- Gumamit ng broad-spectrum sunscreen sa iyong buong katawan, kabilang ang mga tuhod.
- Mag-moisturize araw-araw. I-moisturize ang iyong mga tuhod gamit ang lotion.
- Iwasan din ang friction o trauma sa mga tuhod upang maiwasan ang karagdagang pangingitim.
Para sa anumang alalahanin, kumunsulta sa iyong dermatologist.
Pinapalala ng friction ang produksyon ng melanin sa balat para maprotektahan ito. Sa tuwing kumukuskos ang mga tuhod at siko sa bagay na matigas at magaspang, ang balat mo ay nagiging mas matigas at maitim.
Karaniwan, ang maitim na tuhod at siko ay hindi isang partikular na health issue. Para sa mga alalahanin, kumunsulta sa iyong dermatologist.
[embed-health-tool-bmr]