Ang pamamaraan ng pag-aalaga ng kuko ay hindi lamang tungkol sa pagpapaganda nito. Ito ay tungkol sa pagpapanatili ng malusog na mga kuko upang maiwasan ang mga impeksiyon na maaaring maging sanhi ng mga problema. Basahin upang matuto nang higit pa.
Mga dapat gawin at hindi dapat gawin kung paano mag-alaga ng kuko
Panatilihing malinis ang ating mga kamay
Nakagugulat kung gaano karaming tao ang hindi naghuhugas ng kamay nang regular. 19% lamang, o isa sa limang tao sa buong mundo ang naghuhugas ng kanilang mga kamay gamit ang sabon pagkatapos dumumi.
Ginagamit natin ang ating mga kamay upang makipag-ugnayan sa ating kapaligiran. Dahil dito, maraming dumi at bacteria ang sumisiksik hindi lamang sa ating mga kamay kundi pati na rin ang ating mga kuko.
Habang ang karamihan sa mga dumi ay maaaring hugasan, maraming mga bacteria at dumi ay maaaring makita sa ilalim ng ating mga kuko at nangangailangan ng higit na pansin upang mapuksa.
Siguraduhing ang mga dumi na ito ay malinis upang matiyak na ang iyong mga kuko ay hindi magiging hotbed para sa bacterial o fungal infection. Magsuot ng guwantes kapag nagtatrabaho at nangangailangan na humawak sa maruming mga bagay. Isa itong regular at isang mahusay na paraan sa pagpapanatili ng pagiging malinis at protektado ng iyong mga kamay at mga kuko.
Ang pamamaraan ng pag-aalaga ng daliri sa paa: Hugasan ang iyong mga paa nang hindi bababa sa isang beses sa isang araw
Maraming tao ang hindi alintana ang pag-aalaga ng kanilang mga paa, o kahit na paghuhugas ng mga ito. Maraming dumi at pawis ang nakukuha sa paa. Ang hindi paghuhugas ng ating mga paa ng hindi bababa sa isang beses sa isang araw ay maaaring humantong sa mga bacterial at fungal infection.
Panatilihing malusog ang iyong mga cuticle
Maraming tao ang hindi nagugustuhan ang hitsura ng mga cuticle kung kaya’t pinaalis ang mga ito sa mga salon, na maituturing na isang pamamaraan ng kanilang pangangalaga ng kuko.
Gayunpaman, ang ating mga cuticle ay parang maliliit na kalasag na nagpoprotekta sa nail bed. Ang labis na pagtulak sa kanila pabalik o ganap na pag-alis sa kanila sa bawat oras ay maaaring makompromiso ang iyong nail bed at maaaring malantad ito sa bacteria at iba pang mga mikrobyo. Kasama sa mabuting pamamaraan sa pangangalaga ng kuko ang pag-aalaga sa iyong mga cuticle.
Huwag hatiin o i-crack ang mga kuko
Maraming mga paraan na maaari mong hatiin o i-crack ang iyong mga kuko. Ngunit ang isang basag na kuko ay maaaring mag-iwan ng mga opening para sa bacteria at iba pang mga mikrobyo upang ito ay sumiksik sa kuko. May ilang mga bagay na maaari mong gawin upang maiwasan ang pag-crack o pagkahati nito.
Moisturize
Ang moisturizing ay hindi lamang para sa balat. Ang pagpapanatili ng pagiging moisturize ng mga daliri at mga kuko ay napakahalaga dahil maaari nitong panatilihin ang kuko at ang balat sa paligid nito ng pagiging hydrated at samakatuwid ay mas may laban ito sa crack.
Panatilihing tuyo ang mga kuko
Iwasan ang pagbabad ng iyong mga kamay sa tubig dahil ito ay maaaring maging sanhi upang mahati o pumutok ito. Ang pagpapanatili nito na hindi masyadong tuyo at hindi masyadong basa ang susi.
Dahil kapag ang mga kuko ay babad na babad sa tubig sa matagal na panahon ito ay mag-expand, at kapag sila ay natuyo, ito ay mag-shrink. Ang pagkakaroon ng ganitong proseso na expanding at shrinking ay madalas na humahantong sa paghahati ng kuko dahil sa patuloy na warping.
Wastong pag-file
Kadalasan, ang mga tao ay nag-file ng kuko nang paulit-ulit o pabalik-balik sa kanilang mga kuko. Gayunpaman, mayroong isang pamamaraan upang maiwasan ang pagkapinsala ng mga kuko.
Ang mahusay na pamamaraan ng pag-aalaga ng kuko ay pag-file sa isang direksyon lamang. Bagama’t mas mabagal ito. Ito naman ay makakaiwas sa labis na pagkasira sa iyong nail bed. Ang pabalik-balik na paggalaw ay magiging sanhi ng pagiging di komportable ng nail bed na maaaring maging sanhi ng pagkahati nito, na humahantong sa isang impeksiyon.
Ang mahusay na pamamaraan ng pag-aalaga ng kuko ay pagpapanatili ng pagiging malusog nito.
Dahil ang mga kuko ay isang repleksyon ng pangkalahatang kalusugan, mahalagang manatiling malusog at kumain ng balanseng diet na may sapat na bitamina at nutrisyon Ang mga mineral at bitamina, partikular na bitamina B, ay mahalaga sa pagpapanatili ng mga kuko na malakas at malusog.
Protektahan ang iyong mga kamay
Iwasan ang labis na kontak sa mga masasamang kemikal tulad ng muriatic acid at bleach na karaniwang mga malalakas na panlinis. Ito ay mahalaga lalo na kung ang iyong trabaho o mga libangan ay naglalantad sa iyo sa mga kemikal na ito. Ang ganap na pag-iwas sa mga ito ay mas mainam ngunit ang pagsusuot ng makapal na guwantes ay inirerekomenda kung hindi maiiwasan.
Pangunahing Konklusyon
Ang pag-aalaga ng kuko ay isang napaka simple at mahalagang bahagi ng ating kalinisan at gawain. Ang mahusay na pamamaraan ng pag-aalaga ng kuko ay mahalaga upang mapanatili ang mga kuko na maganda, at malusog.
Matuto nang higit pa tungkol sa pangangalaga ng kuko dito.
Isinalin mula sa orihinal na Ingles na akda ni Giann Floresca.