backup og meta

Fungus sa Kuko: Bakit ito Tumutbo at Paano ito Gamutin?

Fungus sa Kuko: Bakit ito Tumutbo at Paano ito Gamutin?

Nagtataka ka ba kung bakit mayroon kang fungal nail infection, at nagtatanong ka kung paano mo ito pwedeng maaalis? Tingnan ang artikulong ito para malaman ang tungkol sa mga sanhi at tritment ng fungus sa kuko.

Sanhi ng Fungus sa Kuko

Fungus

Ang pangunahing sanhi ng fungal nail infection ay mula sa mga fungi na tumutubo sa ilalim ng kuko. Ang mga fungi ay may posibilidad na mabuo sa mamasa-masa, mainit-init na kapaligiran. Iyon ang dahilan kung bakit mas karaniwan ang pagkakaroon ng impeksiyon ng fungal sa paa kaysa sa impeksiyon ng fungal sa kuko. Maaaring ma-trap ng moisture ang iyong mga paa kung nakamedyas at sapatos ka buong araw.

Ang fungus na nagdudulot ng nail fungal infection ay parehong maaaring maging dahilan ng buni, athlete’s foot o alipunga, at jock itch. Kung mayroon ka nang mga kaso ng nabanggit, malaki ang posibilidad na mahawa nito ang iyong mga kuko.

Kontak sa mga taong may impeksyon

Posibleng makakuha ng fungal nail infection mula sa ibang tao. Gayunpaman, ito ay medyo hindi pangkaraniwan, dahil maaari kang makakuha ng impeksyon. Halimbawa, kung magpa-manicure o pedicure ka sa salon at ang parehong mga tool na ginamit sa taong may impeksyon ay ginamit sa’yo. Ang impeksyon ng fungal ay maaaring mailipat sa’yo kung ang mga tool ay hindi nalinis ng maayos.

Malusog na Kuko kumpara sa Hindi Malusog na Kuko: Ang mga Palatandaan na Mapapansin

Mga Pagkakataon na Maaaring Makuha ang Fungus sa Kuko

Ang tunay na sanhi ng impeksiyon ng fungal sa kuko ay fungi, maaaring mapataas ng ilang partikular na factors, ang iyong risk na magkaroon ng impeksiyon, tulad ng:

  • Ang pagkakaroon ng malalang kondisyong medikal, halimbawa: diabetes, na naglalagay sa’yo sa panganib para sa mga impeksyon dahil sa mahinang immune response.
  • Paghina ng immune system sa mga taong may mga komorbididad gaya ng diabetes, kanser, peripheral artery disease, obesity, inflammatory bowel disease, atbp.
  • Pagpunta sa isang pampublikong swimming pool
  • Pinsala sa kuko (ang fungus ay madaling mapunta sa ilalim ng kuko)
  • Pinsala sa balat sa paligid ng isang kuko
  • Ang pagkakaroon ng masa-masa na mga daliri sa paa o daliri sa mahabang panahon; partikular ito sa mga taong humahawak ng isda, paglalaba, at iba pang nauugnay na trabaho, atbp.
  • Nakasuot ng closed-toe shoes, tulad ng mga bota o sapatos na pang-tennis

Natuklasan ng isang pag-aaral na ang mga lalaki ay mas malamang na makakuha ng impeksyon sa fungal nail kaysa sa mga babae. Natuklasan din ng parehong pag-aaral na ang mga taong may mga miyembro ng pamilya na madalas na nakakakuha ng impeksyon sa fungal ay malamang na makakuha din ng mga ito.

Ang matanda (65 taong gulang o mas matanda) ay maaari ding magpataas ng iyong risk na magkaroon ng impeksyon sa fungal ng kuko. Ang mga matatanda ay may posibilidad na magkaroon ng mas mahinang immune system at mas mahinang sirkulasyon.

Mga Tritment sa Fungus sa Kuko

Oral medications

Karaniwan, ang isang doktor ay magrereseta ng oral medications para makatulong sa paggamot sa’yong fungus sa kuko. Karaniwang mas gusto ng mga doktor ang mga oral medication kaysa sa mga topical drugs dahil ang oral medication ay nagbibigay ng mas mabilis na mga resulta.

Maaaring irekomenda ng doktor na inumin mo ang gamot sa loob ng 6-12 na linggo. Gayunpaman, maaaring hindi mo makita ang huling resulta hanggang sa ganap na tumubo ang kuko, at maaaring tumagal ng humigit-kumulang apat na buwan o higit pa hanggang sa ganap na mawala ang impeksiyon.

Ang tritment ay depende rin sa kung gaano katagal nagkaroon ang pasyente ng impeksyon at severity.  Maaaring mangailangan lamang ng oral meds ang ibang tao habang ang iba naman ay topical.

Halimbawa ng oral medication para sa fungus sa kuko ay kinabibilangan ng:

  • Itraconazole
  • Terbinafine
  • Fluconazole

Gayunpaman, ang oral medications ay maaaring hindi opsyon para sa lahat. Halimbawa, ang isang doktor ay maaaring hindi magreseta sa kanila kung mayroon kang congestive heart failure o sakit sa atay. Ang ilang mga tao ay maaari ring makaranas ng mga side effect mula sa mga oral medication, tulad ng pinsala sa atay o mga pantal sa balat.

Medicated nail cream

Ang ilang mga doktor ay nagbibigay sa kanilang mga pasyente ng antifungal cream. Karaniwan, ibabad na muna ang na impeksyon na kuko, pagkatapos ay ilalagay ang cream dito.

Gayunpaman, maaaring kailanganin mong gawing mas manipis ang kuko bago gamitin ang nail cream. Ang ilang mga lotion na may urea ay maaaring panipisin ang iyong mga kuko. Kung hindi, ang isang doktor ay maaaring gumamit ng isang tool tulad ng file para gawing mas manipis ang ibabaw ng kuko.

Surgery

Sa ilang mga kaso, maaaring kailanganin ng doktor na alisin ang nahawaang kuko gamit ang operasyon. Maaari nilang gawin ito para direktang ilapat ang antifungal na gamot sa ilalim ng kuko.

Bukod pa rito, hindi lahat ay magre-response sa medication. Samakatuwid, ang isang doktor ay maaaring magmungkahi ng permanent nail removal, lalo na kung ang impeksyon ay masakit o malubha.

Home remedy para sa Fungus sa Kuko

Maaari mong subukan ang mga sumusunod na home remedy para matugunan ang iyong kaso ng fungus sa kuko. Gayunpaman, palaging gawin ito sa ilalim ng pangangasiwa ng iyong doktor. Walang siyentipikong batayan ang naitatag at higit pang pag-aaral ang kailangan.

Mentholated topical ointment

Nakatutuwa na ang mga mentholated topical ointment ay maaaring makatulong sa tritment sa fungus ng kuko. Sa isang pag-aaral, hiniling sa 18 na tao na gamitin ito para gamutin ang kanilang nail fungal infection sa loob ng 48 na linggo. Labinlimang tao ang nakaranas ng positibong epekto sa tritment, at lahat ng 18 kalahok ay nagsabi na sila ay nasiyahan o lubos na nasisiyahan sa hitsura ng kanilang mga kuko pagkatapos ng tritment.

Ozonized oils

Ang oils na infused ng mga gas, tulad ng sunflower oil at olive oil, ay maaaring lubos na makatulong sa mga taong may fungus sa kuko. Hiniling ng isang pag-aaral sa mga tao na gumamit ng ozonized sunflower oil para gamutin ang kanilang impeksyon sa fungal ng kuko. Humigit-kumulang 90.5% ng mga tao ang nagsabi na ang mga ozonized oil ay gumaling sa kondisyon, habang 9.5% ang nagsabing napabuti nito ang kanilang kondisyon.

Snakeroot extract

Ang katas ng snakeroot ay maaari ring maging kapaki-pakinabang para sa mga taong may fungus sa kuko. Natuklasan ng isang pag-aaral na maaari itong maging kasing epektibo ng isang partikular na tritment sa antifungal (ciclopirox).

Key Takeaways

Ang mga sanhi at tritment ng nail fungus ay maaaring mukhang simple at madali. Ngunit tulad ng lahat ng uri ng kondisyong medikal, pinakamahusay na kumunsulta muna sa’yong doktor. Nasa pinakamagandang posisyon sila para mag-diagnose at magreseta ng tritment para sa’yong kaso.

Matuto pa tungkol sa Pangangalaga sa Kuko dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Nail fungus: Overview, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/nail-fungus/symptoms-causes/. Accessed January 6, 2020

Tinea pedis and onychomycosis frequency in diabetes mellitus patients and diabetic foot ulcers, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5017097/ Accessed January 6, 2020

Fungal Nail Infections, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4047123/ Accessed January 6, 2020

Nail fungus – Diagnosis and treatment, 6 January, 2020, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/nail-fungus/diagnosis-treatment/d. Accessed January 6, 2020

Novel Treatment of Onychomycosis using Over-the-Counter Mentholated Ointment, https://www.jabfm.org/content/24/1/69.full Accessed January 6, 2020

Therapeutic efficacy of topical OLEOZON® in patients suffering from onychomycosis, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1111/j.1439-0507.2010.01898.x Accessed January 6, 2020

Double-blind clinical trial for evaluating the effectiveness and tolerability of Ageratina pichinchensis extract on patients with mild to moderate onychomycosis,  https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/18671197/ Accessed January 6, 2020

Kasalukuyang Version

08/23/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Gamot sa Ingrown sa Kuko: Heto ang Dapat Tandaan

Nawawala Ba Ng Kusa Ang Ingrown Sa Paa? Ano Ang Puwedeng Gawin?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement