Nakwento ng isa sa iyong kaibigan na hindi na raw siya gumagamit ng shampoo araw-araw. Ito ay dahil nalaman niya na ito rin ang ginagawa ng isang influencer na kanyang sinusundan. Ang kanilang dahilan ay hindi na raw nakabubuti para sa buhok ang magshampoo araw-araw dahil unti-unti raw itong nasisira. Kung kaya napaisip at napatanong ka, masama ba magshampoo araw-araw? Ating alamin ang mga impormasyon tungkol dito sa artikulong ito.
Ano ang Shampoo at Paano Ito Gumagana?
Ang mga shampoo ay malapot na uri ng produkto na kadalasang likido ang anyo na may kalakip ng iba’t ibang mga compound. Ito ay tumutulong na linisin ang buhok at anit sa pamamagitan ng mga cleaning o foaming agents na nakakapagtanggal ng mga dumi. Bukod pa rito, ito rin ay umaaksyon upang alisin ang labis na sebum sa mga follicle ng buhok.
Ang mga sangkap ng shampoo ay katulad din sa ginagamit sa mga sabon. Gayunpaman, ang mga sangkap nito ay ginawa upang maging mas banayad para sa buhok at maprotektahan ang panlabas na layer ng buhok mula sa mga pinsala.
May iba’t ibang mga uri ng shampoo na ginawa at dinesenyo para sa mg partikular na buhok. May mga shampoo para sa normal, tuyo, o oily na buhok. Mayroon ding mga shampoo para sa mga partikular na texture ng buhok, at mga produkto para sa mga may kulay na buhok. Kung kaya, nararapat na ang shampoo na iyong ginagamit ay angkop sa uri ng iyong buhok at mga kalakip na pangangailan nito.
Masama Ba Magshampoo Araw-araw?
Maliban sa pangangalaga ng balat, nagiging diskusyon na rin ang pangangalaga sa buhok. Dahil dito, nagiging laganap na ang mga iba’t ibang mga paraan sa kung paano talaga ang tamang pangangalaga nito. Kung iisipin, madali lang naman ito gawin dahil kasabay naman ito sa araw-araw na paliligo, may ilang mga tao ang nagsasabi na hindi raw dapat magshampoo araw-araw. Ngayon, masama ba magshampoo araw-araw?
Sa katunayan, wala naman talagang one-size-fits-all pagdating sa kung gaano kadalas ka dapat maghugas ng iyong buhok. Ito ay iba-iba sa bawat tao. Karamihan sa mga tao ay madalas na maghugas ng kanilang buhok tuwing makalawa o sa pang-ikatlong araw. Ngunit maaaring makaapekto ang iba’t ibang salik kung gaano kadalas dapat mag-shampoo.
Ilan sa mga ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Uri ng buhok
- Haba ng buhok
- Antas ng aktibidad
Maaari ring makaimpluwensya ang edad, ethnic background, at maging ang mga produktong ginagamit para sa buhok sa pagsagot ng katanungan kung masama ba magshampoo araw-araw. Depende sa iyong edad, ang mga oil glands sa iyong anit ay magiging mas aktibo.
Masama Ba Magshampoo Araw-araw Para sa Mga Bata?
Dahil isa ang edad sa mga salik na dapat ikonsidera, ang tanong kung masama ba magshampoo araw-araw para sa mga bata ay isinasaalang-alang din.
Ayon sa American Academy of Dermatology Association, mayroong mga kondisyon upang malaman kung gaano kadalas dapat hugasan ang buhok ng mga bata.
Mainam na magshampoo araw-araw o tuwing makalawa kung:
- Nasa edad na kung kailang nagbibinta o nagdadalaga (12 taong gulang pataas)
- Mayroong oily at straight na buhok
- Mayroong aktibong pamumuhay (naglalaro sa labas ng iba’t ibang mga i-sports)
Para naman sa mga 8 hanggang 11 taong gulang, mainam na maghugas ng buhok gamit ang shampoo isa o dalawang beses sa isang linggo. At para naman sa mga mayroong dry at kulot na buhok, tulad ng mga African American, makabubuti kung magshampoo tuwing 7-10 na araw.
Paano Malalaman Kung Masama Ba Magshampoo Araw-araw?
Paano mo malalaman kung masyado kang naghuhugas ng iyong buhok? Maaari mong maranasan ang mga sumusunod:
- Tuyo at malutong na buhok
- Unti-unting pagkasira ng iyong buhok
- Pagkakaroon ng tuyo at makating anit
Mas dalasan naman ang paggamit ng shampoo kung ang buhok at anit ay malagkit. Samakatuwid, nararapat kang gumamit ng shampoo isang beses sa isang linggo hanggang sa mawala ang pagkalagkit ng buhok.
Sa kabilang banda naman, maaari mong bawasan ang paggamit ng shampoo kung ang iyong buhok ay wala ng buhay at masyadong tuyo kumpara sa malusog at tuyong buhok.
Key Takeaways
Hindi lang dapat ang iyong balat ang inaalagaan, maging ang iyong buhok at anit. Kapag ikaw ay tinanong kung masama ba mag-shampoo araw-araw, sabihin mo na ito ay nakadepende sa bawat tao. Dapat alam nila ang mga salik na maaaring makaapekto upang masagot nila ang katanungan ito para sa kanilang mga sarili.
Alamin ang iba pa tungkol sa Pangangalaga Sa Buhok at Anit dito.
Damaged hair photo created by benzoix – www.freepik.com