backup og meta

Malusog Na Buhok: Paano Mo Malalaman Kung Mayroon Ka Nito?

Malusog Na Buhok: Paano Mo Malalaman Kung Mayroon Ka Nito?

Ang ating buhok ay hindi lang basta crowning glory, pinoprotektahan din nito ang ating ulo mula sa sunburn at nagbibigay ng kaunting cushioning para sa bungo. Mas madalas kaysa sa hindi, inaabuso natin ang ating buhok dahil sa madalas na exposure nito sa matatapang na kemikal at ito ay nagiging tuyo, breakable at dull. Kaya bago mo i-bleach ang iyong buhok para subukan ang bagong usong kulay, alamin muna kung kakayanin ng iyong buhok ang treatment. Narito kung paano i-test kung may malusog na buhok.

Paano I-Test Kung May Malusog Na Buhok?

Bago i-expose ang iyong buhok sa mga nakakapinsalang kemikal, narito ang ilang paraan kung paano suriin ang kalusugan ng buhok. I-assess ang mga sumusunod:

Hair Porosity

Ang porosity ng buhok ay tumutukoy sa kakayahan nito na mapanatili at ma-absorb ang moisture. 

Ang damaged hair ay masyadong buhaghag, na nangangahulugan na ang cuticle o ang pinakalabas na layer ng buhok ay nakataas, na naglalantad sa panloob na bahagi ng buhok (cortex).

I-check ito sa pamamagitan ng paggamit ng iyong hintuturo at gitnang daliri, at pagkatapos ay damhin ang mga hibla sa pagitan ng iyong mga daliri. Kung ang pakiramdam ay magaspang, malamang na mayroon kang buhaghag na buhok.

Malusog Na Follicle Ng Buhok

Paano suriin kung may malusog na buhok? Isa sa mga paraan ay suriin ang iyong mga follicle. Ang follicle ng buhok ay ang bahagi ng balat kung saan nakakabit ang ugat ng buhok.

Kumuha ng isang hibla ng iyong buhok at ipaikot ito sa iyong kamay. Hanapin ang ugat nito at bunutin ito nang mas malapit sa iyong anit hangga’t maaari.

Suriin ang ugat ng buhok. Kung mayroon itong bulb-shaped na hitsura, mayroon kang malusog na buhok. Kung ito ay mukhang flat, o ang ugat ay walang anumang anyo, malamang na ang iyong buhok ay damaged.

Ang mga damaged follicle ay maaaring mangahulugan na ang buhok ay mahina. Ang mga hibla ay maaaring tumubo nang masyadong manipis o hindi na.

Hair Elasticity

Ang hair elasticity ay nagsasabi kung gaano kalakas ang iyong buhok.

Para ma-check ito, kumuha ng isang hibla ng iyong buhok, basain ito, at i-strech. Kung umabot ito ng hindi bababa sa 30% bago ito maputol, mayroon kang malusog na buhok. Kung ito ay maputol sa mas mababa sa 30%-50% o kung ito ay masira halos sa sandaling subukan mo itong i-stretch, malamang na ang buhok ay damaged.

Ano Ang Damaged Hair?

Madaling malaman kung damaged ang iyong buhok sa pamamagitan lamang ng pagtingin dito at pakiramdam. Upang malaman kung may damaged hair, narito ang ilang factors na dapat tingnan:

  • Magaspang na texture
  • Kulang ng moisture
  • Kulang ng luster o kintab
  • Mukhang dull at dry
  • Masyadong matagal alisin sa pagkaka buhol-buhol
  • Mas mabilis na kumukupas ang kulay ng buhok
  • Masyadong mabilis matuyo ang buhok

Split Ends

Paano suriin kung may malusog na buhok? Isa sa mga bagay na dapat tingnan kapag sinusuri ang kalusugan ng buhok ay ang bilang ng split ends sa iyong hair strand. Ang Trichoptilosis o split ends ay ang paghahati ng hibla ng buhok sa dulo ng strand.

Ang mga split ends ay isang senyales na ang buhok ay na-damage. Dahil dito, ang buhok na nagiging malutong, magaspang, at dehydrated.

Ang pinakamahusay na paraan upang maalis ang mga split end ay ang pag-trim dito.

Hair Loss vs Hair Shedding

Normal lang na malagas ang mga hibla ng iyong buhok. Ang karaniwang tao ay maaaring maglagas ng humigit-kumulang 50-100 strands sa isang araw. Iba ang pagkawala ng buhok at pagkalagas ng buhok. Habang ang huli ay tipikal, ang pagkawala ng buhok, sa kabilang banda, ay ang kawalan ng kakayahan ng buhok na tumubo.

Ang pagkawala ng buhok ay maaaring sanhi ng maraming mga kadahilanan tulad ng genetics at mga gamot ngunit ang pagkawala ng buhok ay maaari ding mangyari dahil sa matatapang na mga produkto ng buhok at sobrang styling.

Mga Remedyo Sa Damaged Hair

Ang styling, coloring at paggamit ng mga maling produkto ng buhok ay maaaring humantong sa malutong, magaspang, at dulll na buhok. Bagama’t maaaring masira ang buhok, maaari pa rin itong maka-recover at magkaroon ng luster.

Narito ang ilang mga tip para buhayin ang damaged hair:

  • Huwag i-overwash ang buhok dahil mawawala ang mga natural na langis na nagpapalusog ng iyong buhok.
  • Iwasang gumamit ng heating tools tulad ng hair iron at hair curler.
  • Ibaba ang init ng iyong blow dryer. Ang natural na pagpapatuyo ng buhok sa hangin ay maaaring makatulong na mapanatili ang moisture.
  • Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng spinach, kamote, at salmon.
  • Iwasan ang mga shampoo at conditioner na masyadong matapang sa buhok at nakakatanggal sa natural oils nito.
  • Ang paggamit ng mga natural ingredients tulad ng aloe vera, apple cider vinegar, at olive oil ay healthy para sa iyong buhok.

Key Takeaways

Marami sa mga bagay na ginagawa natin sa ating buhok ay nakakasira. Ang styling at paggamit ng matatapang na produkto ay maaaring maging sanhi para maging mahina, magaspang, at dull ang ating buhok.

Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Buhok dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Hair Elasticity Test in 3 Easy Steps (and why it’s so important you do it), https://botoxcapilar.org/en/hair-elasticity-test/, January 14, 2021

3 Main Reasons Why Your Natural Hair is Lacking Luster, https://www.seriouslynatural.org/2016/05/3-main-reasons-why-your-natural-hair-is.html, January 14, 2021

What Your Split Ends Are Telling You https://www.ogleschool.edu/blog/split-ends-telling/, January 14, 2021

DO YOU HAVE HAIR LOSS OR HAIR SHEDDING? https://www.aad.org/public/diseases/hair-loss/insider/shedding, January 14, 2021

Why Is My Hair Falling Out? https://www.chestercountyhospital.org/news/health-eliving-blog/2019/april/why-is-my-hair-falling-out, January 14, 2021

Trichoptilosis https://www.altmeyers.org/en/dermatology/trichoptilosis-121480, January 14, 2021

7 Ways To Fix Damaged Hair and Get Your Healthy Hair Back https://www.lifehack.org/529899/7-ways-fix-damaged-hair-and-get-your-healthy-hair-back, January 14, 2021

Kasalukuyang Version

01/19/2023

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Anu-ano ang Benepisyo ng Collagen sa ating Kalusugan?

Paano Maiwasan Ang Paglagas Ng Buhok? Narito Ang 9 Tips Na Maaari Mong Subukan!


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement