backup og meta

Makati ba ang Puting Buhok? Heto ang Ilang Facts

Makati ba ang Puting Buhok? Heto ang Ilang Facts

Madalas, hindi gustong harapin ng mga tao ang paglabas ng mga puting buhok sa ulo nila. Ganunpaman, inuugnay pa rin ng lipunan ang pagkakaroon ng puting buhok sa pagtanda. Sa paglipas ng panahon, tinatanggap din ng karamihan ang pagkakaroon ng puti o pilak na buhok sa kanilang mga ulo bilang isang bagay na mangyayari rin hindi kalaunan. Ngunit sa kabila ng pagtanggap na ito, may pag-aalala pa rin ang mga tao. Halimbawa, naniniwala ang ilan na sanhi ng pangangati ng anit ang puting buhok. Kaya dapat natin itanong, makati ba ang puting buhok sa anit?

Bakit nagiging puti ang buhok?

Bahagi ng pagtanda ang canities, o pagputi ng buhok, at nangyayari ito anuman ang iyong kasarian o lahi. Sa pangkalahatan, depende sa lahi at pinagmulan kung anong edad mangyayari ang pagputi ng iyong buhok. Tandaan na kahit madalas natin napapansin ang puting buhok sa matatanda, maaari rin itong mangyari sa mga taong nasa edad 30.

Posibleng nakararanas ng premature graying of hair ang mga taong nagkakaroon ng puting buhok bago ang kanilang 20s o 30s. Maaaring lumitaw mag-isa ang premature canities nang walang anumang natatagong sakit bilang autosomal dominant condition. Gayunpaman, ang pagkakaroon din ng mga autoimmune disorder ang posibleng itinuturo nito. Kasama sa mga halimbawa nito ang pernicious anemia, hyperthyroidism, hypothyroidism, at kasama rin sa mga premature aging syndrome tulad ng progeria at pangeria.

Kabilang sa iba pang sanhi ng maagang pagputi ng buhok ang stress. Maging ang ilang partikular na gamot, tulad ng chloroquine, mephenesin, phenylthiourea, triparanol, fluorobutyrophenone, dixyrazine, ang epidermal growth factor receptor inhibitor imatinib at interferon – alpha, at paggamit ng ilang partikular na kemikal.

Buod

Natural na bahagi ng pagtanda ang pagputi ng buhok. Gayunpaman, maaari din itong mangyari dahil sa mga natatagong kondisyon sa kalusugan (tulad ng mga autoimmune disorder) at ilang partikular na gamot.

Ano ang nagiging sanhi ng pangangati ng anit?

May dahilan ba para maniwala na nakadadagdag sa kati ng anit ang pagputi ng buhok? Makati ba ang puting buhok? Upang masagot ang mga tanong na ito, pag-usapan muna natin ang mga sanhi ng makating anit.

Maaaring magsimula ang scalp pruritus (o pagkakaroon ng makating anit) dahil sa iba’t ibang kondisyon.

Case in point: maaaring magdulot ng scalp pruritus ang seborrheic dermatitis. Tinatawag na seborrheic dermatitis ang sakit sa balat. Ito ang pangunahing nakakaapekto sa anit, na nagdudulot ng makati, dilaw, o puting tagpi-tagping kaliskis o makapal na crust na nakadikit sa hair shaft. Posibleng mas lumala ang mga senyales at sintomas kung nasa ilalim ng stress. At kung umaatake ang pagbabalat tuwing malamig at tuyo ang panahon.

Samantala sa isang survey noong 2011 sa 195 na pasyente na may psoriasis, nagpakita na 58% ng pasyente ang dumaranas din makating anit.

Bukod sa psoriasis at dermatitis, ang balakubak, kuto sa ulo, at allergic reaction o irritation sa mga haircare product, ang maaari din maging sanhi ng pangangati ng anit. Posible rin mag-udyok ng scalp pruritus ang mga malubhang kondisyon tulad ng kanser sa balat at mga problema sa nerve.

Buod

Maaaring magsimula lamang ang sanhi ng pangangati ng anit sa isang simpleng bagay tulad ng balakubak at irritation mula sa mga hair product hanggang sa mga kondisyong kasinglubha ng kanser at mga problema sa ugat.

Makati ba ang puting buhok?

Sa kasalukuyan, walang pag-aaral ang nagpakita ng anumang ugnayan sa pagitan ng pagkakaroon ng canities at scalp pruritus.

Parehong posibleng mangyari dahil sa stress, pero walang malinaw na katibayan na nagsasabing may kinalaman ang puting buhok sa makating anit.

Natural na resulta ng pagtanda ang puting buhok anuman ang edad o kasarian. At nananatiling hindi pa alam ang tiyak na dahilan ng balakubak at makating anit. Ngunit wala pa ring nakikitang koneksyon para sabihing may ugnayan sila sa isa’t isa.

Key Takeaways

Maaaring magdulot ang pagtanda ng canities o puting buhok sa lahat ng tao, anuman ang kasarian o lahi. Sa kabilang banda, nangyayari naman ang scalp pruritus dahil sa seborrheic dermatitis, scalp psoriasis, at irritation mula sa mga haircare product.
Makati ba ang puting buhok? May kinalaman ba ang dalawa?
Sa kasalukuyan, wala pang katibayan dito. Kaya kailangan pang magsagawa ng karagdagang pag-aaral upang makita kung mayroon talagang kaugnayan sa pagitan ng dalawang bagay na nasa tuktok ng ating mga ulo.

Para sa iba pang kaalaman tungkol sa pangangalaga sa buhok at anit, pumunta dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Premature graying of hair,

https://ijdvl.com/?view-pdf=1&embedded=true&article=b9598c340ca432945f6d108f6b37cbb4BnaTdQ%3D%3D, Accessed December 29, 2021

The itchy scalp – scratching for an explanation, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/full/10.1111/j.1600-0625.2011.01389.x, Accessed December 29, 2021

Seborrheic dermatitis of the scalp,

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/seborrheic-dermatitis/multimedia/seborrheic-dermatitis-of-the-scalp/img-20007907, Accessed December 29, 2021

Seborrheic dermatitis: symptoms and causes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/seborrheic-dermatitis/symptoms-causes/syc-20352710, December 29, 2021

Itching for an answer: A review of potential mechanisms of scalp itch in psoriasis, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/full/10.1111/exd.13947, December 29, 2021

Kasalukuyang Version

06/13/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Anu-ano ang Benepisyo ng Collagen sa ating Kalusugan?

Paano Maiwasan Ang Paglagas Ng Buhok? Narito Ang 9 Tips Na Maaari Mong Subukan!


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement