Ang balakubak ay isang pangkaraniwang sakit sa anit. Nakaaapekto ito sa kalahati ng buong populasyon sa pre-puberty age, ngunit maaari itong mangyari sa anumang edad. Gayunpaman, ang mga dahilan nito ay hindi lubos na nauunawaan. Matuto nang higit pa tungkol sa kondisyon ito at kung ano ang tamang gamot sa balakubak.
Ano Ang Sanhi Ng Balakubak?
Mahalagang maintindihan kung paano nabubuo ang balakubak. Ito ay dahil nakatutulong ito upang malaman ang posibleng sanhi at gamot sa balakubak.
Narito ang ilang mga factor at kondisyon na maaaring humantong sa balakubak.
Sobrang Oiliness
Ang anit na masyadong mamantika ay masama para sa’yo dahil ang sobrang oil ay maaaring makabara sa mga follicle ng buhok at maging sanhi ng posibleng pagkawala ng buhok at pag kakaroon ng balakubak. Maaari rin itong maging sanhi ng oily hair, kung saan may posibilidad na ma-trap ang mas maraming dumi. Ang sobrang dumi at alikabok ay maaaring maging sanhi ng acne.
Malassezia Globosa
Ito’y pinaghihinalaang ang pinakakaraniwang sanhi ng balakubak. Isa itong uri ng fungus na attracted at nabubuhay dahil sa sebum o excess oil sa anit. Umaakto ito sa sebum at pinaghihiwa-hiwalay ito sa substances tulad ng oleic acid. Dahil ang balat ng karamihan sa mga tao ay sensitibo sa oleic acid, ang katawan ay nagre-response dito sa pamamagitan ng pagsisikap na alisin ang byproduct na ito. Ang katawan ay nagdaragdag ng produksyon ng mga selula (cell) ng balat para alasin ang mga luma o matatandang selula (cell), na puno ng oleic acid.
Panahon At Klima
Ang balat ay maaaring maging napakasensitibo sa panahon at klima. Ang sobrang init at halumigmig ay maaaring maging sanhi ng pangangati ng balat. Ito ay maaaring maging dahilan ng katawan para makagawa ng mas maraming langis at mapabilis ang paggawa ng mga selula (cell) ng balat bilang depensa, na maaaring humantong sa balakubak.
Ang sobrang lamig ng klima ay maaari ring maging dahilan ng pangangati ng balat. Ito’y maaaring maging sanhi ng paglabas ng balat ng labis na langis para labanan ang pagkatuyo, at bilang isang resulta, maaaring maging flaky ang balat at mag-shed ng skin cells na nagiging balakubak.
Natural Na Gamot Sa Balakubak
Hindi madaling malaman kung ano ang eksaktong sanhi ng balakubak. Pero ito ang ilang mga tip at natural na gamot sa balakubak na maaari mong subukan. Nakatutulong rin ang mga ito upang makaiwas sa pabalik-balik na balakubak.
I-Manage Ang Stress
Ang stress ay maaaring negatibong makaapekto sa’yong pangkabuuang kalusugan, kabilang ang madaling pagkapit ng maraming sakit – kasama ang balakubak. Ang isang taong dati ay walang balakubak ay maaaring magkaroon nito kung sila ay dumaranas ng labis na stress.
Manatiling Malusog
Ang pagpapabuti ng iyong pangkabuuang kalusugan ay mahalaga sa pag-iwas sa balakubak dahil mapoprotektahan ka nito mula sa iba pang mga sakit. Sundin ang isang balanseng diyeta na nagbibigay ng sapat na zinc para makatulong na palakasin ang iyong immune system, at bitamina B, na nagtataguyod ng paglaki ng selula (cell) at pinipigilan ang mga impeksiyon.
Nakatutulong ang regular na pag-eehersisyo dahil nakababawas ito ng stress. Mapapalakas din nito ang pangkabuuang kalusugan ng iyong balat sa pamamagitan ng pagtaas ng sirkulasyon ng dugo sa iyong katawan, na nagdadala ng mas maraming oxygen at nutrients sa’yong mga selula (cell).
Mas Mahusay Na Pangangalaga Sa Anit
Ang labis na paggamit ng mga produkto ng buhok ay maaaring humantong sa build-up sa’yong anit na makagawa ng mas maraming langis.
Kaya’t ang isang simpleng gamot sa balakubak ay ang pag-aalaga ng iyong anit.
Ang regular na pag-shampoo ay isa pang magandang paraan ng pag-iwas sa balakubak dahil maaari nitong bawasan ang oiliness ng iyong anit at makatulong na mapalambot, matanggal at mabawasan ang mga natuklap ng dead skin cells.
Gayundin, maaari ka ring gumamit ng isang espesyal na shampoo (anti-dandruff shampoo) na maaaring mag-alis ng labis na produkto, dead cells at dumi sa buhok.
Magbilad Sa Araw
Marahil ay iniisip mo, hindi ba nakasisira ng balat ang UV light? Hindi ka nagkakamali dahil ang sobrang sikat ng araw ay nakasisira ng balat. Gayunpaman, ang 10-15 minuto ng sikat ng araw sa isang araw ay makatutulong sa paggawa ng bitamina D sa katawan. Isa itong epektibong gamot sa balakubak, at natural pa!
Ang tamang dami ng sikat ng araw ay nakatutulong laban sa balakubak dahil maaari nitong sugpuin ang fungus na nagdudulot ng ilang kaso ng balakubak at iba pang kondisyon ng balat tulad ng seborrhoeic dermatitis.
Key Takeaways
Gaya ng karaniwan sa balakubak, talagang nakagugulat na kaunti lamang ang nakakaalam tungkol dito. Gayunpaman, huwag mag-alala, dahil ang mga kasalukuyang gamutan ay epektibo na sa paglaban at pag-iwas sa balakubak. Makipag-ugnayan sa’yong doktor o dermatologist kung malubha ang iyong kaso at nangangailangan ng interbensyong medikal.
Matuto nang higit pa tungkol sa Pangangalaga sa Buhok at Anit dito.