backup og meta

Coconut Oil Para Sa Buhok, Ano Ang Mga Benepisyo?

Coconut Oil Para Sa Buhok, Ano Ang Mga Benepisyo?

Sa matagal na panahon, ang coconut oil ay iniuugnay sa pagbawas ng timbang dahil sa sangkap nito. Gayunpaman, may ibang mga kultura na ipinagmamalaki ang sangkap ng coconut oil para sa buhok. Niyog para sa buhok? Oo! Kaya nitong makatulong sa mga tao sa pagprotekto ng kanilang buhok at ng anit.

Madaling sabihin na ang coconut oil para sa buhok ay mga kwento mula sa matatanda. Ngunit sa katunayan, may mga pag-aaral na naisagawa upang malaman kung totoo ba ang mga benepisyo nito o hindi. Anong mayroon sa coconut oil kung bakit ito nagiging epektibo sa pag-nurture, moisturize, at protekta ng buhok? Epektibo ba talaga ito sa buhok o ito ay kwento lamang? Maaari ba tayong maglagay ng coconut oil para buhok at sa pagtubo nito?

Anong Mayroon Sa Coconut Oil?

Ang coconut oil ay mula sa tuyong prutas (nut) mula sa puno ng niyog. Bagaman tinatawag itong oil, ito ay solid sa room temperature, tulad ng texture at consistency ng vegetable shortening. Ang coconut oil ay halos 100% fat, at 82% hanggang 92% nito ay saturated fat. 

Ito ay mula sa niyog at nananatiling maraming benepisyo mula sa sangkap. Ang coconut oil ay mayroon ding natural na sangkap na makatutulong sa balat. Sa katunayan, ang ibang dermatologist ay inirerekomenda ito upang gawing pang-moisturize at posibleng anti-aging para sa balat.

Coconut Oil Para Sa Buhok

Ayon sa kasaysayan, ang coconut oil ay nagamit na sa pag-aayos ng buhok sa mga developing  countries. Ito ay kadalasan sa mga tropikal na rehiyon sa mundo kung saan namumunga nang marami ang mga coconut. Ang matagal na paggamit ng ganitong uri ng oil ay pinaniniwalaang humahantong sa malusog na itsura ng buhok. Iminumungkahi nito na ang coconut oil ay makapipigil sa pinsala ng cuticle

Ang pag-aaral mula 2003 ay nagsabing ang coconut oil para sa buhok ay mainam na gamitin bilang pre-wash na conditioner kumpara sa mineral oil at ibang vegetable oils tulad ng sunflower oil. Ang coconut oil ay mayroong epektibong proteksiyon sa mga chemically treated na buhok, UV-treated na buhok, at ang hair treated gamit ang kumukulong tubig.

Noong Marso 2021, may isa pang pag-aaral na nag-ulat ng epekto ng paglalagay ng coconut oil sa scalp microbiome sa 140 na babaeng Indian. Ang pag-aaral ay nagresulta na ang coconut oil para sa buhok ay may benepisyo sa pagpapanatili ng malusog na anit at pagpapabawas ng balakubak.

May ilan ding mga pag-aaral na nagpapakita na ang plant oils tulad ng coconut oil ay nakapagtatanggal ng lisa. Dahil sa ang coconut oil, olive oil, rosemary oil ay nauuri bilang “natural” na produkto, hindi sila nire-regulate ng United States Food and Drug Administration (FDA). Ang kaligtasan at pagiging epektibo nito ay hindi pa nasusuri gamit ang FDA standards bilang isang gamot.

Ang mga produkto ng coconut oil ay maaari ring maging kapaki-pakinabang sa pag-iwas ng pinsala sa buhok, lalo na tuwing masisira ito ng mga produkto o mula sa ultraviolet exposure. Gayunpaman, marami pang pag-aaral ang kinakailangan na gawin upang kumpirmahin ang ganap na epekto ng coconut oil para sa buhok.

Mahalagang Tandaan

Ang coconut oil ay kilala para sa pagiging epektibo nito sa pagbawas ng timbang sa ibang kultura. Ngunit ang gamit nito para sa buhok ay nakikilala na rin. May mga pag-aaral na nagpakita na napatunayan na ito ay may benepisyo sa pagprotekta at maging ang pag moisturize ng hair follicles at anit.

Ang paglalagay ng coconut oil sa buhok ay pinaniniwalaang nakatutulong sa pagtangaal ng mga lisa sa ulo. Marami pang mga pag-aaral sa pagiging epektibo ng coconut oil sa buhok ang kinakailangan, ngunit maganda ang pinapakitang mga inisyal na resulta mula rito.

Pindutin ito para sa marami pang kaalaman sa Pag-Aalaga Ng Buhok At Anit.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Coconut oil for weight loss: Does it work? https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/weight-loss/in-depth/coconut-oil-and-weight-loss/art-20450177, Accessed January 3, 2022

Effect of mineral oil, sunflower oil, and coconut oil on prevention of hair damage, http://beauty-review.nl/wp-content/uploads/2014/06/Effect-of-mineral-oil-sunflower-oil-and-coconut-oil-on-prevention-of-hair-damage.pdf, Accessed January 3, 2022

Longitudinal study of the scalp microbiome suggests coconut oil to enrich healthy scalp commensals, https://www.nature.com/articles/s41598-021-86454-1#Sec2, Accessed January 3, 2022

Lice: symptoms and causes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/lice/symptoms-causes/syc-20374399, Accessed January 3, 2022

Health Effects of Coconut Oil – A Narrative Review of Current Evidence, https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/07315724.2018.1497562, Accessed January 3, 2022

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Gamot Sa Balakubak: Mga Tips Para Manatiling Malusog Ang Anit

Pag-Moisturize Ng Balat: Ang Sikreto Sa Pagiging Mukhang Bata


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement