backup og meta

Mga Paraan Kung Paano Tanggalin Ang Kuntil O Skin Tag

Mga Paraan Kung Paano Tanggalin Ang Kuntil O Skin Tag

Naghahanap ka ba ng pinaka-epektibong paraan kung paano tanggalin ang kuntil o skin tags? Ito yung mga maliliit na laman na nakasabit sa mga tupi ng balat tulad ng singit, kilikili, leeg, hita, o minsan nga sa ilalim ng mga suso.

Hindi naman kailangan tanggalin ito sa mga kadahilanang pangkalusugan. Ngunit gusto ng maraming tao na putulin ang mga kuntil dahil nakakairita at hindi magandang tingnan. Minsan, nagiging tampulan ka ng tuksuhan dahil sa mga ito. Kulang na lang ay habulin ka ng nail clipper o gunting ng kaibigan mo para tanggalin ito.

Ano ito at paano tanggalin ang kuntil?

Ang mga kuntil o skin tags ay maliliit na piraso ng balat na hindi lalampas sa limang milimetro. Hindi sila nagdudulot ng sakit ngunit maaaring mairita kapag nasabit sa iyong damit o alahas. Walang nakakaalam kung ano ang silbi at bakit nabubuo ang mga kuntil ngunit ang hormones, growth factors at impeksyon ay maaaring may kinalaman dito. Maaring mapagkamalan na warts, moles o neurofibromas ang mga kuntil.

Ang mga kuntil ay karaniwan, lalo na kapag tumatanda ang isang tao. Hindi sila nagdudulot ng anumang pinsala, ngunit kung mayroon kang skin tag na nakakaabala sa iyo, dapat kang makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa pagtanggal nito.

Mga paraan ng pagtanggal ng kuntil

Bagama’t di nakaka-apekto sa kalusugan ang mga skin tags malamang di mo gusto ang anyo nito kung kaya gusto mo itong tanggalin. Basahin kung paano tanggalin ang kuntil sa sumusunod na paraan:

Cryotherapy

Ang cryotherapy o cryoablation ay ang paggamit ng liquid nitrogen upang matanggal ang skin tags. Karaniwang ginagamit ito ng mga doktor upang gamutin ang maraming kondisyon ng balat tulad ng warts, kuntil, at ilang mga kanser, kabilang ang prostate, cervical at liver cancer. 

Ang pagdaragdag ng mga nitrogen vapor sa isang saradong silid ay nagpapababa ng dami ng oxygen sa silid. Maaaring magresulta ito sa hypoxia, o kakulangan ng oxygen at pwede kang mawalan ng malay. Bukod dito, may panganib rin ng frostbite, pagkasunog, at pinsala sa mata mula sa matinding temperatura.

Electrocautery

Isa itong pamamaraan kung paano tanggalin ang kuntil. Ang electrocautery ay gumagamit ng init mula sa isang electric current upang sirain ang abnormal na tissue, gaya ng kuntil,  tumor o iba pang lesion. Maaari rin itong gamitin upang kontrolin ang pagdurugo sa panahon ng operasyon o pagkatapos ng pinsala.

Maaaring hindi ka makakaramdam ng sakit sa pamamaraang ito dahil lalapatan ka ng numbing agent o anesthesia. Ngunit kapag nawala ang epekto ng anesthesia, maaaring maranasan ang kaunting sakit dahil sa pag-scrape ng tissue at cauterization.

Pagkatapos ng operasyon maaari kang makaranas ng kaunting pananakit, pamamaga, at pamumula. Ang pagpapagaling ay karaniwang tumatagal ng dalawa hanggang apat na linggo. Maaaring mas matagal ang pagpapagaling kung mas malaking bahagi ng tissue ang sinunog. Pwedeng mag-iwan ng peklat ang paggamot.

Removal creams

Ang mga cream na ito ay maaaring maging epektibo kung paano tanggalin ang kuntil. Gayunpaman, iwasan ang mga produkto na naglalaman ng salicylic acid at tea tree oil dahil ang mga sangkap na ito ay maaaring makairita sa balat o maging sanhi ng contact dermatitis.

Inirerekomenda ang mga tagubilin para sa paggamit ng ilan sa mga cream na ito na linisin ang balat gamit ang alkohol bago ilapat ang cream upang matiyak na ganap itong naa-absorb ng balat. Ayon sa manufacturers ng mga creams, matatanggal ang kuntil sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.

Bakit hindi dapat subukan sa bahay kung paano tanggalin ang kuntil?

Marami ang sumubok na tanggalin ang kuntil sa bahay gamit ang home remedies gaya ng apple cider vinegar. Marahil dahil ito sa napakaraming mga remedyo sa pagtanggal ng kuntil sa merkado, Subalit, kokonti lamang ang mga pananaliksik kung gaano ka-epektibo ang mga home remedies na ito sa pagtanggal ng skin tags. 

Mas makabubuti sa iyong kalusugan na isangguni muna sa doktor ang pagtanggal ng skin tag. Iwasan ang mga hindi magandang epekto ng mga home remedies tulad ng pangangati,  pagkasunog ng balat, o impeksyon.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.verywellhealth.com/clipping-those-gnarly-skin-tags-1124127, Accessed August 4, 2022

https://www.healthdirect.gov.au/skin-tags, Accessed August 4, 2022

https://www.medicalnewstoday.com/articles/321641, Accessed August 4, 2022

https://www.health.harvard.edu/blog/skin-tag-removal-optional-but-effective-2020032319079

https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/mole-or-skin-tag-removal, Accessed August 4, 2022

Kasalukuyang Version

10/17/2022

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement