Ang medical name para sa skin tags ay “acrochordon”. Ito ay malambot at skin-colored growth. Kadalasang matatagpuan ito na nakabitin sa gitna ng mga lugar. Kung saan ang mga balat ay nagkukuskusan (skin rubs). Mapapansin sa skin tags na nakasabit o naka-hang ito. Mula sa ibabaw o surface ng balat sa isang tangkay na may manipis na tissue.
Mahalagang tandaan na ang acrochordon ay hindi senyales ng kanser sa balat. Hindi rin ito dahilan para humantong sa pagkakaroon ng kanser sa balat ang isang tao. Kung nag-aalala ka tungkol sa isang partikular na skin growth. Kumunsulta sa’yong doktor para sa karagdagang impormasyon.
Ang skin tags ay pwedeng isang genetic condition at tumatakbo sa isang pamilya. Kung ang iyong mga kadugo ay may acrochordon. Mas mataas ang iyong posibilidad na magkaroon ka nito. Pwede rin na magkaroon ka ng skin tags dahil sa sobrang pagtaas ng timbang. May mga kaso rin, na lumalabas ang skin tags pagkatapos ng pagbubuntis.
Nabubuo ang Acrochordon sa mga lugar tulad ng kilikili, leeg, hita, singit, o ang lugar sa ilalim ng iyong mga suso. Maaari itong mairita kung ito ay madikit sa mga damit, alahas, atbp.
Sinasabi na ang flesh-coloured growths ay painless. Hindi rin ito lumalaki o nagbabago ng hitsura. Mayroong iba’t ibang paraan para maalis ang skin tags sa medikal na paraan. Ngunit, mahalagang maunawaan muna ng isang tao — na ang skin tags ay dapat alisin, sa ilalim ng supervision ng isang doktor para maiwasan ang impeksyon.
Sintomas ng Kuntil
Ang unang sintomas ng skin tags ay ang paglitaw ng isang maliit, malambot, at skin-colored bump. Sa kalaunan ay pwedeng lumaki ito ng 1-2 milimetro — at hindi na hihigit doon. Kung hahawakan o pipindutin mo ito, hindi ka masasaktan.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap