backup og meta

Paano Pumuti Ang Balat Ng Mabilis At Ligtas? Alamin Dito!

Paano Pumuti Ang Balat Ng Mabilis At Ligtas? Alamin Dito!

“Paano pumuti ang balat ng mabilis?” Madalas na tanong ng mga taong gustong ma-achieve ang fair at flawless skin complexions. 

Sa modern era natin, mas lalong naging accessible sa mga tao ang pag-achieve sa pinapangarap na kulay ng balat. Marami na ang medical methods na pwedeng gawin sa pangangalaga ng balat.

At, kung gusto mong i-try na magpaputi — don’t worry! Sagot ka ng artikulong ito! Basahin ang mga mahahalagang impormasyon kung paano ka mabilis na puputi.

Pagkakaroon ng Sariling Natural na Kulay ng Balat

Ang natural na kulay ng balat ay sanhi ng isang pigment na tinatawag na melanin. Sinasabi na ang melanin ay ginawa ng melanocytes, sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na “melanogenesis”. 

Masasabi na ang pagkakaiba sa kulay ng balat ng tao ay dahil sa level ng melanocyte activity — at hindi dahil sa bilang ng melanocytes sa kanilang balat.

Bukod pa sa mga nabanggit, marami pang dahilan sa pagkakaiba ng kulay ng balat ng tao, tulad ng genetics, sun exposure, at chemical imbalances sa katawan. Ang mga ito ay maaaring maging dahilan kung bakit may mga balat na maputi, itim, kayumanggi at marami pang iba. At sa panahon natin ngayon, hindi na nakapagtataka — kung bakit dumarami ang nais na magpaputi dahil sa iba’t ibang depinisyon at pagtingin ng tao tungkol sa kagandahan ng kulay ng balat. Dagdag pa rito, halos abot-kamay na rin ng tao ang pagpapaputi. Narito ang mga sumusunod na paraan:

Paano pumuti ang balat ng mabilis: Skin lightening

Ang skin lightening ay pwede ring tawagin bilang “skin bleaching”. Isa itong cosmetic procedure na ang pangunahing layunin ay mapaputi ang dark areas ng balat, at magkaroon ng pantay na balat. 

Dagdag pa rito, madalas na ginagamit ang skin lightening. Para mapabuti ang blemishes tulad ng birthmarks (balat) at dark patches (melasma). Sa pamamagitan ng skin lightening nababawasan nito ang konsentrasyon at produksyon ng melanin sa balat.

Madalas isinasagawa ang skin lightening sa pamamagitan ng paggamit ng mga sumusunod:

  • skin lightening creams
  • laser treatment

Tandaan ang skin lightening ay isang major decision. Sapagkat, pwede itong maging magastos at magresulta sa mga seryosong side effect. Tulad ng pamamaga at iritasyon sa balat na maaari mauwi sa iba’t ibang komplikasyon sa kalusugan. 

Paano pumuti ang balat ng mabilis: Aesthetic Procedures

Karaniwan sa panahon ngayon ang mga medically approved na aesthetic procedures. Narito ang mga sumusunod:

  • Whitening injections
  • Laser treatments
  • Chemical Peeling
  • Vampire facials

Lahat ng mga aesthetic procedure na ito ay nagbibigay ng efficient at effective results lalo na kung gusto mong pumuti sa lalong madaling panahon. Subalit, tandaan lamang na pwede itong maging magastos. Hindi ka rin dapat basta-basta magtungo sa mga procedure na nabanggit. Dahil kinakailangan ang mga expert para sa authentic guidance. 

Mga Dapat Gawin Para Magkaroon ng Bright Complexion at Magandang Balat

Isa sa isyung panlipunan ng buong mundo ay ang diskriminasyon sa kulay. Dahil ang tao ay iba-iba ng konsepto ng pagtingin, sa kung anong maganda para sa kanila. Ito ay maaaring bunga na rin kultura at kapaligiran na ginagalawan ng bawat indibidwal.

Gayunpaman, mainam pa rin na matutunan ng bawat isa ang pagtanggap sa sariling kulay. Sapagkat, ang self-acceptance ay makakatulong sa pagpapalaganap ng body positivity. Hindi kailangang maging ubod ng puti para matanggap ng lipunan. Dahil wala namang iisang depinisyon ng kagandahan. 

Subalit, lagi pa ring tandaan — na mahalaga ang self-care. Maganda pa rin na mapangalagaan ang balat, anuman ang kulay nito. Narito ang mga sumusunod na tips na pwedeng gawin, para ma-achieve ang bright complexion at magandang balat.

  • Kumain ng masustansyang pagkain
  • Uminom ng marami at sapat na tubig
  • Gumamit ng sunscreen
  • Sikaping magkaroon ng sapat na tulog
  • Magkaroon ng angkop na skin care routine, ayon sa pangangailangan ng balat

Key Takeaways

Ang mabilis na pagpapaputi ay posible na. Dahil na rin sa mga makabagong imbensyon na mayroon sa ating mundo. Madalas ang tao ay naiinip kapag hindi agad nakikita ang resulta. Kaya naman, nauuwi sila minsan sa pagsubok ng mga pamamaraan na nagpapakita ng mas mabilis na resulta. Laging tandaan, walang masama sa pagpapaputi at pag-aalaga sa kulay ng balat. Subalit, huwag rin kakalimutan na anumang sobra ay nakakasama. Hindi dapat madaliin ang lahat ng bagay. Lalo na kung ang kalusugan ang malalagay sa alanganin.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Skin lightening https://www.nhs.uk/conditions/cosmetic-procedures/skin-lightening/ Accessed, April 27, 2022

Natural Ways To Get Fair Skin Fast And Permanently https://www.netmeds.com/health-library/post/natural-ways-to-get-fair-skin-fast-and-permanently Accessed April 27, 2022

How To Become Fair: Myths And Facts About Skin Fairness https://www.olivaclinic.com/blog/how-to-become-fair/ Accessed April 27, 2022

How to lighten skin tone? 14 skin-whitening beauty tips to lighten your skin tone naturally https://www.india.com/lifestyle/how-to-lighten-skin-tone-14-skin-whitening-beauty-tips-to-lighten-your-skin-tone-naturally-1949825/ Accessed April 27, 2022

Do You Know How to Whiten Skin Overnight? https://www.marham.pk/healthblog/how-to-whiten-skin-overnight/ Accessed April 27, 2022

Skin Color https://med.libretexts.org/Bookshelves/Anatomy_and_Physiology/Book%3A_Anatomy_and_Physiology_(Boundless)/5%3A_Integumentary_System/5.1%3A_The_Skin/5.1D%3A_Skin_Color#:~:text=Skin%20color%20is%20mainly%20determined,of%20melanocytes%20in%20their%20skin. Accessed April 27, 2022

Kasalukuyang Version

06/28/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement