backup og meta

Paano Mawala ang Balakubak? Heto ang 3 Natural na Paraan

Paano Mawala ang Balakubak? Heto ang 3 Natural na Paraan

Ang balakubak, kilala rin na seborrheic dermatitis, ay ang pinaka-karaniwang kondisyon ng anit, na nagiging sanhi ng pangangati at pag-flake nito. Ang kundisyong ito ay maaaring magdulot ng pangangati at kahihiyan. Kaya nakakatulong na malaman kung paano mawala ang balakubak bago ito lumala. Ngunit bago natin talakayin kung paano mawala ang balakubak, alamin natin ang mga posibleng sanhi nito.

Paano Mawala ang Balakubak: Alamin ang Sanhi

Akala ng maraming tao na ang pagkakaroon ng balakubak ay dahil sa poor hygiene. Gayunpaman, ang pangunahing sanhi ng balakubak ay hindi pa rin alam. Bago ang lunas sa balakubak, dapat alam mo ang ilang factors na maaaring ituring na triggering agents kung bakit nagkakaroon nito, kabilang dito ang:

  • Madalang na pag-shampoo.  Kapag hindi ka regular na nag-shampoo, nabubuo sa iyong anit ang sebum at langis na nagreresulta sa balakubak.
  • Panahon. Ang malamig at tuyong hangin ay hindi sanhi ng balakubak ngunit nagpapalala nito. Kapag mayroon ka ng balakubak, ang iyong anit ay magiging tuyo at makati kapag malamig ang panahon.
  • Fungus. Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng balakubak ay dahil sa isang yeast-like fungus na tinatawag na Malassezia. Ito ay sumisiksik sa hair follicles ng buhok na nagiging sanhi ng pagkalaglag ng skin cells nang mas mabilis kaysa normal.
  • Stress. Ang sebum na ginawa ng iyong mga sebaceous gland ay kinokontrol ng mga hormone. Maaaring maapektuhan ng stress ang iyong mga hormone, na maaaring magdulot ng sobrang produksyon ng sebum sa iyong anit na maaaring humantong sa balakubak.
  • Contact dermatitis. Ang kondisyong ito ay sanhi ng isang allergic reaction o pagiging sensitibo sa ilang partikular na produkto. Kapag madalas kang nagpapalit ng ginagamit mong hair products, maaaring nasa panganib kang magkaroon ng ganitong kondisyon. Ang contact dermatitis ay maaaring mag-iwan ng mapula at makating mga pantal sa anit.  Bagama’t hindi nakakahawa, maaaring hindi komportable ang pagkakaroon ng kondisyon ito.
  • Ang iba pang mga kondisyon tulad ng psoriasis o eksema ay maaari ding maging sanhi ng balakubak.

Kapag alam mo ang mga nagiging sanhi ng iyong balakubak, makakatulong ito sa iyo upang ikaw ay makahanap ng pinakamahusay na lunas kung paano mawala ang balakubak.

Paano mawala ang balakubak gamit ang mga natural na produkto?

Sa halip na gumamit ng mga produktong kemikal upang gamutin ang iyong balakubak, bakit hindi subukan ang mga organikong produktong ito? Narito kung paano mawala ang balakubak gamit ang mga natural na remedyo.

Tea Tree Oil

May iba’t-ibang uri ng tea tree oil products ang available sa merkado ang maaring gamitin para gamutin ang iba pang mga kondisyon ng balat tulad ng acne. 

Ang tea tree oil ay may anti-fungal properties na tumutulong sa pag-alis ng Malassezia, na nagiging sanhi ng pangangati na humahantong sa balakubak.

Ang tea tree oil ay maaari ring makapagpaginhawa ng anit at makabawas sa pamamaga at pangangati. Maaaring gamitin ang tea tree oil mismo, o maaari mo rin itong ihalo sa iba pang mga produkto.

Aloe Vera

Mayroong ilang iba pang popular na gamit ang aloe vera, tulad ng paggamot sa sunburn at mga problema sa paglalagas ng buhok. Ang aloe vera ay isang natural na lunas para sa seborrheic dermatitis, na nagiging sanhi ng balakubak.

Ayon sa isang pag-aaral, ang aloe vera ay nakakatulong sa pagbawas ng pangangati, scaliness, pati na rin ang iba pang nahawaang bahagi.

Neem

Ayon sa isang pag-aaral, ang neem extract ay may mga anti-fungal na katangian na makakatulong na pigilan ang pagkalat ng Malassezia sa anit.

Kumuha ng isang dakot na dahon ng neem at gupitin ito sa maliliit na piraso. Palambutin ang mga dahon sa pamamagitan ng pagbabad sa mga ito sa 400 ML ng ethanol at takpan ang mga ito ng Parafilm. Hayaang nakababad sa loob ng 48 oras bago salain.

Paano maiiwasan ang balakubak?

Kung nag-aalala ka kung paano mawala ang balakubak, nakakatulong ang pag-alam kung paano pigilan o kontrolin ang kondisyong ito.

Narito ang mga hakbang na maaari mong sundin upang maiwasan o ma-manage ang balakubak:

Iwasang gumamit ng maraming hair styling products

Ang paggamit ng maraming at iba’t ibang mga produkto araw-araw ay nagpapatuyo ng iyong anit at nagpapalala ng oil buildup. Hangga’t maaari, gumamit lamang ng mga produktong kailangan mo sa araw-araw tulad ng shampoo at conditioner. Gumamit lamang ng mga produkto sa pag-istilo ng buhok tulad ng hairspray at gel kung kinakailangan.

Regular na mag-shampoo ng iyong buhok

Kapag palagi kang nasa labas, halimbawa, bumabyahe ka papunta sa trabaho o nagtatrabaho ka sa isang humid o mainit na kapaligiran, inirerekomendang i-shampoo ang iyong buhok araw-araw upang maalis ang lahat ng dumi na naipon sa iyong anit. Kung ikaw ay may oily scalp, ito rin ang pinakamahusay na gawin upang maiwasan ang build-up.

I-exfoliate ang iyong anit

Ang pag-exfoliate ng anit ng kahit isang beses sa isang linggo ay makatutulong sa pag-alis ng flakes. Sa pag-exfoliate, maaaring gumamit ng baking soda o honey na may asukal. Kasama na rin dito ang lubusang paglilinis ng anit.

Huwag kamutin ang iyong anit gamit ang iyong mga kuko

Okay lang na i-massage ang iyong buhok gamit ang iyong mga daliri para makabawas sa pangangati. Gayunpaman, ang paggamit ng iyong mga kuko kapag kinakamot ang iyong anit ay dapat na iwasan. Kapag nagkamot ka gamit ang iyong mga kuko, maaari itong magdulot ng abrasion at pagpunit sa anit na maaaring humantong sa impeksyon.

Kumain ng Masustansya

Ang pagdaragdag ng mga pagkaing mayaman sa bitamina B, zinc, at ilang uri ng fats sa iyong diet ay maaaring makatulong sa pag-iwas sa balakubak.

Iwasan ang stress

Ang stress ay nagdudulot ng maraming negatibong epekto sa katawan. Ang pagiging stressed ay maaari ring magpalala ng balakubak. Subukang iwasan ang stressful situations o lubusang iwasan ang stress kung magagawa mo, upang maiwasan ang paglala ng kondisyon ng iyong anit.

Maraming tao sa buong mundo ang nahihirapan dahil sa balakubak.  Ngunit ang tamang paggamot, pati na rin ang pagsunod sa mga hakbang para sa maagang pag-iwas, ay maaaring makalutas sa iyong problema sa anit.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1. Dandruff https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dandruff/diagnosis-treatment/drc-20353854 Accessed June 10, 2020

2. Dandruff https://www.nhs.uk/conditions/dandruff/ Accessed June 10, 2020

3. How to Treat Dandruff https://www.aad.org/public/everyday-care/hair-scalp-care/scalp/treat-dandruffAccessed June 10, 2020

4. Seborrheic Dermatitis and Dandruff: A Comprehensive Review https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4852869/ Accessed June 10, 2020

5. Treatments of Dandruff With 5% Tea Tree Oil Shampoo https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/12451368/Accessed June 10, 2020

6. The Power of Vitamin A https://www.eggnutritioncenter.org/articles/the-power-of-vitamin-a/ Accessed June 10, 2020

7. Melaleuca Alternifolia (Tea Tree) Oil: A Review of Antimicrobial and Other Medicical Properties https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1360273/ Accessed June 10, 2020

8. Journal of Dermatological Treatments Volume 10 – A Double-Blind, Placebo-Controlled Trial of an Aloe Vera (A. badbadensis) Emulsion in the Treatment of Seborrheic Dermatitis https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.3109/09546639909055904 Accessed June 10, 2020

9. Anti-fungal Properties of Neem (Azardirachta Indica) Leaves Extract to Treat Hair Dandruff https://www.researchgate.net/publication/333671637_ANTIFUNGAL_PROPERTIES_OF_NEEM_AZARDIRACHTA_INDICA_LEAVES_EXTRACT_TO_TREAT_HAIR_DANDRUFF Accessed June 10, 2020

 

Kasalukuyang Version

03/03/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement