Ang Tinea Cruris, o hadhad (“jock itch), ay isang karaniwang impeksiyon sa mga lalaki, partikular sa mga atleta. Ngunit ano nga ba ito? Ito ay isang uri ng fungal infection na nadedebelop sa pinakamataas na layer or bahagi ng balat at nagiging sanhi ng makating pantal.
Matuto nang higit pa tungkol sa mga sanhi ng hadhad dito.
Ano ang Sanhi ng Hadhad?
Ang Hadhad, tulad ng ibang fungus, ay mahilig sa mainit at mamasa-masang lugar, kaya naman ito ay tumutubo na malapit sa singit. Ang mga nagkakaroon nito ay kadalasang mga aktibong tao tulad ng mga atleta, at mas karaniwan sa mga lalaki. Gayunpaman, maaaring magkaroon ang sinuman ng impeksyong ito.
At dahil ito ay fungul infection, ito ay nakahahawa at madaling maipasa sa pamamagitan ng direktang kontak o hindi direktang kontak, sa paghihiraman ng mga kasuotan tulad ng mga damit, tuwalya at damit na panloob.
Bilang karagdagan, kung nasa mainit, mamasa-masang lugar tulad ng gym, isa pang karaniwang fungal infection at sintomas ng hadhad ay ang alipunga. Sa katunayan, ang alipunga ay maaaring kumalat sa lugar ng singit, na nagiging sanhi ng hadhad kung hindi ginagamot.
Ang mga sintomas na sanhi ng hadhad ay:
- mapula-pula, parang hugis na singsing na pantal (ring-like rashes)
- Mga flaky patch ng balat
- pagbabalat ng balat
- cracks, at hindi gaanong (moderately) pangangati ng balat
- Parang paltos na maliliit na pag-umbok (Blister-like bumps)
Kahit na ito ay hindi mapanganib, ito ay nakahahawa at maaaring makabahala kung hindi ginagamot. Sa kabutihang palad, napakadali nitong makita, medyo madali ring gamutin, at kayang maiwasan ito.
Paano Maiiwasan ang Hadhad?
Ang ilang paraan para gamutin o maiwasan ang pangangati ng hadhad ay ang sumusunod:
Panatilihin ang kalinisan
Dahil ang hadhad ay isang fungal infection na tumutubo sa balat, ang regular na pagligo ay makatutulong upang makaiwas sa pagkuha ng impeksyong ito. Ang pagpapanatili ng kalinisan ng iyong mga damit tulad ng iyong damit na panloob at regular na pagpapalit ng mga ito ay makatutulong din na maiwasan ang pagkahawa sa impeksyon.
Manatiling tuyo
Dahil ang hadhad ay fungal, panatilihin ang iyong sarili na tuyo hangga’t maaari, lalo na sa paligid ng groin area.
Magsuot ng maluwag na damit
Ang isa pang dahilan kung bakit karaniwang dinadapuan ang mga lalaking atleta ng hadhad ay dahil sa masikip,non-breathable fabrics na maaaring magdulot ng sugat at gasgas sa iyong balat, magdudulot rin ng mataas na panganib ng pagkakaroon ng hadhad. Inirerekomenda na magsuot ang mga atleta ng mga damit na cotton o sweat-wicking apparel.
Iwasan ang hiraman ng damit
Huwag manghiram o humiram ng mga personal na gamit gaya ng damit na panloob at tuwalya dahil ang fungal infection ay maaaring direktang kumalat. Bilang karagdagan, regular na palitan at linisin ang iyong mga punda at bedsheet.