Ang furuncles o mas kilala na tawag na pigsa, ay bacterial infections sa balat na sanhi ng bacteria na tinatawag na Staphylococcus aureus. Katulad ito ng tigyawat at cysts, nangyayari ang pigsa kung ang hair follicle at ang tissue sa paligid ay na-infect at inflamed dahil sa bacteria. Ito ay nangyayari sa unang stage ng pigsa.
Ang immune reaction na ito ay magreresulta sa nana upang punan ang infected na tissue na nakapaligid sa hair follicle. Ang pamamaga sa paligid ng tissue, kasama ng nana ay magreresulta sa malaki, malambot, mapula at masakit na pigsa.
Ito ay tinatawag na carbuncle kung ang multiple hair follicles na malapit ay naimpeksyon at naging mga pigsa. Bagaman tulad ng tigyawat, ang pigsa ay magkaiba pa rin dahil ang tigyawat ay naaapektuhan lamang ang sebaceous gland at ang mga katabi nito. Ang pigsa, sa kabilang banda ay malalim tulad ng sa hair follicle, na naaapektuhan ang malaking bahagi. Kaya’t ang pigsa ay nagreresulta sa malaki, nasakit, at may nana na bump. Paano nangyayari ang paglaki ng pigsa? Alamin dito.
Stages ng Pigsa
Maraming mga stage ang pigsa: ang initial infection, ang inflammation, ang swelling, at ang drainage at paggaling. Narito ang stages:
1. Initial infection
Sa stage na ito, mayroong bacterial infection sa hair follicle. Nangyayari ito kung ang hair follicle ay damaged, kadalasan sa pamamagitan ng labis na pagtanggal, pag-twist, o minor injuries tulad ng maliliit na sugat at gasgas.
2. Inflammation
Kung nakapasok na ang bacteria sa hair follicle, magsisimula na itong mag build-up at i-infect ang paligid ng tissue. Ang infection ay hahantong sa inflammation na sanhi ng sakit.
3. Swelling
Sa lahat ng stages ng pigsa, ito ang pinaka halata dahil ang infection ay magreresulta sa dugo na magre-react at depensahan ang sarili niya. Dadagsain ng white blood cells ang bahagi upang labanan ang bacterial infection. At matapos ang ilang mga araw o isang linggo, makikita mo ang pamamaga sa ilalim ng balat at ang pagkakaroon ng malaking whitehead.
4. Draining
Huli sa lahat ng stages ng pigsa. Ang pigsa ay kadalasan na tumatagal ng 20-21 na mga araw at natural na magde-drain. Gayunpaman, kung ang bahagi sa paligid ng pigsa ay hindi maayos na malilinis at mapananatili, ang bacteria ay maaaring mapunta sa surface ng balat at kumalat sa ibang hair follicles, na magreresulta ng mas marami pang infection. Maaaring magkaroon ng maraming pigsa o gawing mas malaki ang unang pigsa at mas masakit. Kailangan na magpa-check up na sa doktor kung ganito ang kaso. Maaaring i-drain ng doktor ang pigsa upang mapabilis ang paggaling.
Mga Sanhi at Pag-iwas
Dahil ang pigsa ay sanhi ng bacterial infection, mayroong ilang mga simpleng bagay na maaaring gawin upang maiwasan ito. Narito ang ilang tips:
- Pagpapanatiling malusog – Ang isang malusog na tao ay hindi gaanong magkakaroon ng pigsa dahil mas magiging epektibo ang kanilang immune system sa paglaban ng bacterial infection.
- Manatiling komportable – Ang pagsusuot ng masisikip na mga damit ay maaaring magresulta sa hair follicle na mairita. Maaaring magpataas ito ng tsansa ng pagkakaroon ng pigsa.
- Panatilihin ang good hygiene – Ipinapayo na regular na maligo at magpalit ng damit upang maiwasan na magkaroon ng dumi at bacteria. Ang kahit na anong pawis, dumi, alikabok, o bacteria na nasa iyong balat sa mahabang panahon ay maaaring humantong sa pagpapataas ng banta ng bacterial infection.
Diagnosis at Paggamot
Paano ma-diagnose ang paglaki ng pigsa? Madaling ma-diagnose ang pigsa mula sa itsura at sintomas at madali ring malunasan. Ang paggamot sa pigsa ay direkta lang kaya walang dapat ipangamba. Kung ang pigsa ay madalas na nangyayari sa parehong bahagi o hindi bumubuti o nawawala sa mahabang panahon, konsultahin ang iyong doktor.
Narito ang paggamot sa pigsa:
- Draining – Kung ang kondisyon ng pigsa ay hindi masyadong malala o walang komplikasyon, ang pag-drain at paglilinis ng pigsa ay karaniwang sapat na upang matanggal ito at gumaling. Gagawa ang doktor ng maliit na sugat sa pigsa upang ma-drain ang nana. Maglalagay rin ang doktor ng ilang maliliit na sterile na gasa upang malinisan ang loob ng sugat at matanggal ang natitirang nana. Mahalaga ang paglilinis ng sugat upang maiwasan ang kahit na ano pang infection.
- Antibiotic – Ginagamit lamang ito kung ang pigsa ay naging malala o nag-develop sa carbuncle at kumalat sa ibang bahagi. Kung ang pigsa ay naging malala, ang bacteria ay kakalat sa ibang parte ng katawan tulad ng bloodstream, puso, utak, at spinal cord.
Key Takeaways
Paano ang paglaki ng pigsa? Masakit ang mga pigsa ngunit simple at madali lamang na gamutin. Para sa malalang mga kaso, laging konsultahin ang doktor. Iwasan ang sariling pag-drain ng pigsa upang maiwasan ang kahit na ano pang infection. Matuto pa tungkol sa Impeksyon ng Balat dito.