backup og meta

Gamot sa Hadhad: Mga DIY Treatments na Magagawa sa Bahay

Gamot sa Hadhad: Mga DIY Treatments na Magagawa sa Bahay

Ang hadhad ay isang fungal infection na common sa mga lalaki at kabataang lalaki, bagama’t ang mga babae ay maaari ding maapektuhan. Ang fungal infection na ito – medically ay tinea cruris – kadalasang nabubuo sa mga basang lugar sa paligid ng genital area, tulad ng singit, panloob na hita, at pigi. Matuto nang higit pa tungkol sa kundisyong ito at ang pinakamahusay na gamot sa hadhad.

Ano ang sanhi ng hadhad?

Ang impeksyon sa balat na ito ay karaniwan sa mga aktibo at madalas magpawis, tulad ng mga atleta. Ang mga sintomas ng hadhad ay ang hindi komportableng pakiramdam at kasama din ang pamumula at matinding pangangati. Nakakahawa rin ang impeksyong ito dahil maaari itong kumalat sa pamamagitan ng skin contact o sa paghihiraman ng mga damit at iba pang kasuotan tulad ng mga tuwalya.

Ang mga sanhi ng hadhad ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Fungi. Ang pangunahing sanhi ng hadhad ay ang grupo ng fungi na tinatawag na dermatophytes. Ang fungus na ito ay lumalaki sa mga ma-masamasang lugar, kaya  ang singit ay isang pangunahing lugar kung saan ito dumarami.
  • Skin friction ng masikip na undergarments. Ang pagsusuot ng masikip na damit na panloob ay malamang na lumikha ng friction na nakakairita sa balat. Posible ring ma-trap ang pawis sa loob ng masikip na damit na ito, na maaaring humantong sa pagbuo ng fungi.
  • Hiniram na Damit. Dahil ang fungi ay nagdudulot ng nakakahawang hadhad, ang mga ginamit na damit ay maaari ding kontaminado ng fungi. Ang pagsusuot ng mga hiram na damit na panloob o damit mula sa isang taong may hadhad ay maaaring maglipat ng fungi mula sa isang tao patungo sa isa pa.

Risk Factors

Anumang kasarian ay maaaring maapektuhan ng hadhad. Gayunpaman, ang ilang mga tao ay mas madaling kapitan ng hadhad depende sa mga kadahilanan ng risk na ito:

  • Kasarian. Ang mga lalaki ay mas madaling makakuha ng hadhad dahil ang male genitalia ay madalas ang skin-to-skin friction at  trapped humidity.
  • Diabetes. Ang mga pasyente na may diabetes ay madaling kapitan ng hadhad. Madali silang mahawa ng fungi at makakuha ng mga impeksyon sa balat,  maging sa skin friction.
  • Obesity. Dahil mas mabilis dumami ang fungi sa mainit-init at mamasa-masa na bahagi ng katawan, ang mga taong obese ay madaling kapitan ng hadhad. Sila ay may posibilidad din na magkaroon ng mas maraming skin folds na maaaring maging target para tubuan ng fungi.
  • Weak Immune System. Ang mga taong may mahinang immune system dahil sa HIV/AIDS, hepatitis, at mga malalang sakit ay maaaring madaling kapitan ng pangangati dahil ang impeksyon sa balat na ito ay lubhang nakakahawa.
  • Humidity. Ang maalinsangang panahon ay nagiging sanhi ng pagpapawis ng mga tao. At kapag pinawisan ang mga tao, madaling dumami ang fungi.
  • Fungal Infections. Ang datihang fungal infection ay nagpapataas din ng tyansa sa pagkaroon ng hadhad. Maaari itong makahawa at kumalat sa iba pang bahagi ng katawan, tulad ng singit.

Ano ba ang mainam na gamot sa hadhad?

Maraming mga home remedy ang maaaring gamitin upang patayin ang mga fungi at mapuksa ang hadhad. Gayunpaman, bukod sa lahat ng mga home remedy, ang pinakamahusay na gamot sa hadhad ay pagbabago ng lifestyle habits.

Mahalagang palaging kumunsulta sa iyong doktor bago subukang gamutin ang anumang kaso nang mag-isa.

Narito ang ilang magagandang remedyo sa bahay para sa gamot sa hadhad:

Pagpapalit ng Diet Plan

Ang mga taong kumakain ng pagkain na mataas sa asukal at carbohydrates ay madaling kapitan ng fungus. Sa halip, kumain ng mas maraming prutas at gulay. Nakatutulong din na bawasan ang pag-inom ng alak at beer. Ang isang healthy lifestyle ay makapipigil sa paglala ng hadhad. 

Garlic at honey bilang gamot sa hadhad

Ang mga ito ay may natural na anti-fungal properties. Ang bawang ay mabisang bacteria-killer, habang ang pulot o honey ay kayang kontrolin ang mga sintomas tulad ng pangangati dahil sa impeksyon. Kapag ipinahid, ang bawang ay nagdudulot ng bahagyang paso at pangangati ng balat. Ang pulot naman ay magsisilbing moisturizer na magpapaginhawa sa epekto ng bawang.

Calendula

Ang katas nito ay kilala na may natural na anti-inflammatory at antiseptic properties. Kapag ginamit, nagbibigay ito ng cooling effect sa balat. Ito ay may magagandang likas na katangian na magiging epektibo sa paggamot ng hadhad.

Aloe Vera

Mayroon itong iba’t ibang natural properties  na perpekto para sa paggamot sa mga impeksyon at sakit sa balat. Mabisa rin ito sa pag-iwas sa kati at pag-alis ng pananakit dahil sa impeksyon sa balat.

Apple cider vinegar

Ito ay mahusay para sa pagpapahinto ng pagkalat ng bacteria at fungi sa hadhad. Bago ang aplikasyon, mas mainam na ilagay ito sa refrigerator at panatilihin itong malamig upang magbigay ng cooling effect kapag ipinahid sa isang inflamed na hadhad.

Oatmeal at Epsom salt bath

Useful para sa pagbibigay ng lunas at pagpapagaling para sa hadhad, ang mga ito ay maaaring gamitin sa pamamagitan ng paglalagay ng dalawang tasa ng oatmeal at isang tasa ng Epsom salt sa maligamgam na tubig bago maligo.

Regular na maligo

Regular na linisin ang bahagi ng singit gamit ang mild soap at maligamgam na tubig upang maiwasan ang mas kumplikadong mga impeksiyon. 

Magsuot ng maluwag na damit

Magsuot ng komportableng damit na panloob upang maprotektahan ang balat mula sa pangangati at friction.

Key Takeaways

Ang hadhad ay isang skin disease dahil sa fungi, tinea curis, na pangunahing tumutubo sa balat sa paligid ng singit at inner thighs. Ang best home remedy para sa gamot sa hadhad ay pagbabago ng lifestyle, katulad ng pagsunod sa healthy diet at pagkakaroon ng proper hygiene. Gayunpaman, hindi lahat ng mga home remedy ay epektibo para sa lahat. Pinakamabuting kumunsulta sa iyong doktor para sa tamang gamot sa hadhad, assessment at treatment.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Jock Itch: Causes, Symptoms, and Treatments, https://www.healthline.com/health/jock-itch Accessed January 2, 2021

Jock Itch, https://www.medicinenet.com/jock_itch/article.htm Accessed January 2, 2021

13 Natural Remedies to Get Rid of Jock Itch, https://www.stylecraze.com/articles/effective-home-remedies-for-treating-and-relieving-jock-itch/#what-is-jock-itch Accessed January 2, 2021

How to Get Rid of Jock Itch: 9 Natural Remedies, https://draxe.com/beauty/jock-itch/#9_Natural_Remedies_for_Jock_Itch Accessed January 2, 2021

Kasalukuyang Version

07/31/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Paglaki Ng Pigsa: Alamin Dito Ang Stage Ng Pigsa

Gamot Sa Fungi: Anu-Ano Ang Maaaring Makatulong?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement