backup og meta

Paano Gamutin ang Alipunga: Mga Dapat Tandaan

Paano Gamutin ang Alipunga: Mga Dapat Tandaan

Ang alipunga ay isa sa mga karaniwang uri ng fungal infection. At dahil isa itong karaniwang kondisyon, ang pag-alam kung ang gamot sa alipunga ay mahalaga. 

Ang alipunga ay maaaring hindi naman maging banta sa buhay ng isa, ngunit maaari itong magdulot ng matinding hindi pagka-komportable, at maging ng pananakit kung hindi magagamot. Magpatuloy sa pagbasa upang malaman kung ano ang kondisyong ito, at ano ang mga hakbang na maaring maging gamot sa alipunga. 

gamot sa alipunga

Ano ang Alipunga? 

Ang alipunga, na tinatawag ding tinea pedis, ay isang uri ng fungal infection na nakaaapekto sa paa ng isang tao. Partikular na ito ay makikita sa pagitan ng mga daliri sa paa. 

Maaari itong dulot ng fungi na: 

  • Trichophyton rubrum 
  • Trichophyton interdigitale 
  • Epidermophyton floccosum 

Ito ay karaniwang nararanasan ng mga taong pawisin ang mga paa at nagsusuot ng sapatos sa loob ng mahabang oras. 

Ang alipunga ay may kaugnayan din sa ibang mga kondisyong gaya ng jock itch o buni. At gaya ng mga nabanggit na kondisyon, ang alipunga ay maaari ding makahawa. 

Nangangahulugan itong kung ang isang taong may alipunga ay nagpagamit ng kanyang twalya o sapatos sa ibang tao, maaari itong mahawa. Maaari ding makontamina ang sahig kung ang isang taong may alipunga ay lumakad dito nang nakapaa. 

Ang gamot sa alipunga ay mahalaga sapagkat makatutulong din ito para maagapan na mahawa pa nito ang ibang mga tao. 

Ano-ano ang mga Sintomas? 

Ang mga sintomas ng alipunga ay mabilis na makita. Narito ang ilang mga sintomas na dapat bantayan: 

  • Mga patsi na kulay puti sa pagitan ng mga daliri sa paa na makati 
  • Namamaga, at mapulang mga patsi sa mga paa 
  • Ang balat ay maaaring mag-crack at dumugo, lalo na sa pagitan ng mga daliri sa paa
  • Isa pang senyales ng alipunga ay ang pagiging mukha nitong mapula at malakaliskis na mga rashes 
  • Ang ilang anyo ng alipunga ay maaaring magdulot ng mga paltos o ulcer sa balat 
  • Ang balat sa paa ay maaaring mapalitan o magbalat dahil sa alipunga
  • Ang ikaapat at ikalimang daliri sa paa ang kadalasang apektado ng alipunga. 
  • Ang alipunga ay maaari ding kumalat sa kamay kung kinakamot ng isa ang kanyang paa. 

Ang alipunga ay maaaring maging isang napakasakit na kondisyon, at maaari itong magdulot ng impeksyon sa kuko at sa ibang bahagi ng katawan. Maaari din itong kumalat sa iba’t ibang bahagi ng katawan kung hindi magagamot. 

Paano ka Maaaring Mahawaan ng Alipunga? 

Narito ang ilan sa mga posibleng paraan kung paano mahahawaan ang mga tao ng alipunga: 

  • Kung nakikipaghiraman sila ng sapatos, medyas, o tsinelas sa isang taong may alipunga. 
  • Ang paglalakad nang nakapaa lamang sa mga kontaminadong sahig ay maaaring magdulot ng impeksyon. 
  • Ang mga basang medyas at pagsusuot ng sapatos sa loob ng mahabang oras ay maaari ding magdulot ng impeksyon. 
  • Sa iba’t ibang kadahilanan, ang alipunga ay higit na karaniwan sa mga kalalakihan. 

Paano Gamutin ang Alipunga? 

Kung ikaw ay nahawaan ng alipunga, kailangan mong sundin ang sumusunod na hakbang upang magamot ito: 

Panatilihing Tuyo ang Iyong mga Paa Hangga’t Maaari 

Ang fungi na nagdudulot ng alipunga ay namumuhay sa madidilim at basang mga lugar. Para maiwasang ito ay kumalat at mas lumala pa, makatutulong ang pagpapanatiling tuyo hangga’t maaari ng iyong mga paa. 

Ito ay nangangahulugan na kung ang iyong mga paa ay nababasa dahil sa pawis, kailangan mo itong patuyuin at palitan ang iyong mga medyas. Mas mainam kung magsusuot ka ng tuyong sapatos upang maiwasang mabasa ang nasa loob ng iyong sapatos. 

Sa ganitong paraan, mapipigilan mo ang paglaki ng fungi sa iyong mga paa. 

Magsuot ng Tsinelas o Flip Flops  sa Loob ng Bahay 

Ang pagsusuot ng mga tsinelas o flip flops ay nakatutulong para mahanginan ang iyong paa, at nakapagpapahinto sa pagdami ng bacteria. Magandang ideya rin ang pagsusuot ng tsinelas sa loob ng bahay sa halip na pagyayapak para maiwasan ang pagkalat ng fungi. 

Paano Gamutin ang Alipunga? Gumamit ng Over-the-Counter na Gamot

Ang alipunga ay madaling magamot sa pamamagitan ng paggamit ng gamot na anti-fungal. May mga cream at powders na mabibilis sa mga botika na maaaring makatulong sa pagpatay ng fungi sa iyong mga paa. Sa ilang mga sitwasyon, ang iyong doktor ay maaaring magmungkahi sa iyo ng isang espesipikong gamot na anti-fungal para magamot ang iyong kondisyon. 

Ngunit kadalasan, ang mga over-the-counter na gamot ay nakapagpapagaling ng alipunga nang walang anumang problema. 

Gayunpaman, tanadaan na ang mga fungal infections ay kadalasang mas matagal na magamot kumpara sa mga impeksyon na bacteria ang dahilan. Ang paggamit ng mga over-the-counter na mga gamot na ito ay dapat na sa ilalim ng gabay ng isang propesyunal sa kalusugan. 

Paano Maagapan ang Pagkakaroon ng Alipunga? 

Narito ang ilan sa mga epektibong paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng alipunga sa una pa lamang: 

Gawing Salitan ang mga Sapatos na Sinusuot 

Ang pagsasalitan ng mga sapatos na isinusuot ay makatutulong para maipahinga ang sapatos, at makapipigil sa pagkabasa nito. Ito ay higit na mahalaga lalo na kung nagsusuot ka ng sapatos nang buong araw, o kung mayroon kang pawising mga paa. 

Tiyaking Magaan at Nahahanginang mabuti ang iyong Sinusuot na Sapatos 

Sikaping iwasan ang mga masisikip na mga sapatos na gawa sa mga sintetikong materyales. Ang mga ganitong uri ng materyales at kalidad ng pagkakagawa ay hindi nagbibigay ng pagkakataon sa iyong mga paa para makahingi, nasusukol nito ang moisture, na nagiging sanhi ng pagiging breeding ground ng fungi ng iyong mga paa. 

Para sa Pawisin na Paa, Maaaring Makatulong ang Foot Powder 

Kung pawisin ang iyong mga paa, may mga espesyalisadong uri ng mga foot powder na makatutulong para mapigilan ang sobrang pamamawis ng iyong mga paa. Ang mga tulong na ito ay makapagpapanatili ng pagiging tuyo ng iyong mga paa at maiiwasan din nito ang pagkalat ng fungi, 

Tiyaking Mapapalitan ang Iyong mga Medyas kung Mabasa man ang mga Ito

Hindi lamang dahil hindi komportable ang pagsusuot ng basang medyas, kundi dahil ang mga ito ay isa ring breeding ground para sa mga fungi. Kung ang iyong paa ay pawisin, sikaping magdala ng medyas na pamalit. 

Matutulungan nito ang iyong mga paa para hindi mabasa at mapipigilan ang pagdami ng bacteria at fungi. 

May ilang mga uri din ng medyas na may anti-fungal properties. Isang magandang ideya rin kung gagamit ng mga ganitong uri ng medyas para matiyak na walang maninirahan o lalaking fungi sa iyong mga paa. 

Matuto nang higit pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How to prevent athlete’s foot, https://www.aad.org/public/diseases/a-z/athletes-foot-prevent, Accessed September 09, 2020

Athlete’s foot – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/athletes-foot/symptoms-causes/syc-20353841#:~:text=Athlete’s%20foot%20(tinea%20pedis)%20is,causes%20itching%2C%20stinging%20and%20burning., Accessed September 09, 2020

Athlete’s foot – Diagnosis and treatment – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/athletes-foot/diagnosis-treatment/drc-20353847, Accessed September 09, 2020

Athlete’s foot – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/athletes-foot/, Accessed September 09, 2020

Athlete’s foot | DermNet NZ, https://dermnetnz.org/topics/athletes-foot/, Accessed September 09, 2020

Athlete’s Foot | Tinea Pedis | MedlinePlus, https://medlineplus.gov/athletesfoot.html, Accessed September 09, 2020

Athlete’s Foot, https://myhealth.alberta.ca/Health/Pages/conditions.aspx?hwid=hw28392&lang=en-ca, Accessed September 09, 2020

Kasalukuyang Version

07/31/2023

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Paglaki Ng Pigsa: Alamin Dito Ang Stage Ng Pigsa

Gamot Sa Fungi: Anu-Ano Ang Maaaring Makatulong?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement