backup og meta

Nakahahawang Sakit Sa Balat: Heto Ang Mga Dapat Mong Tandaan

Nakahahawang Sakit Sa Balat: Heto Ang Mga Dapat Mong Tandaan

Iba’t ibang uri ang mga nakahahawang sakit sa balat. Ang ilan sa mga sakit na ito ay maaaring mild at may kaunting pinsala. Ang iba naman ay mas malala at maaaring mangailangan ng medikal na atensyon. 

Gaano man kalubha ito, mahalagang may kaalaman sa mga karaniwang impeksyon sa balat na ito para malaman kung paano ito maiiwasan, at gamutin.

Mga Karaniwang Nakahahawang Sakit na Nakakaapekto sa Balat

Ang balat ay ang pinakamalaking organ sa katawan. Ito rin ang first line of defense ng katawan laban sa impeksyon. Gayunpaman, ang ating balat ay madaling kapitan ng lahat ng uri ng mikrobyo, at ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng impeksyon sa balat ang mga tao.

Ang mga impeksyon sa balat ay kadalasang sanhi ng bakterya, mga virus, fungi, o mga parasito, at maaaring makaapekto sa anumang bahagi ng balat ng isang tao.

Narito ang ilan sa mga karaniwang uri ng impeksyon sa balat:

Athlete’s Foot

Ang athlete’s foot ay isang impeksyon na dulot ng fungi na tinatawag na tinea pedis. Karaniwan itong nakakaapekto sa balat sa pagitan ng mga daliri ng paa, ngunit maaari rin itong kumalat sa buong paa, gayundin sa mga braso o dibdib ng isang tao.

Maaaring magka- athlete’s foot ang isang tao kung pawisin ang mga paa, at palaging naka sapatos. Ang halumigmig dito ay lumilikha ng perpektong lugar ng pagdami ng mga fungi na nagiging sanhi ng athlete’s foot. 

Ang athlete’s foot ay lubhang makati, at sa paglipas ng panahon ang isang tao ay maaari ding magkaroon ng mga paltos at sugat sa mga paa. Karaniwang ginagawa ang paggamot sa pamamagitan ng mga anti-fungal cream, pati na rin ang pagpapanatiling malinis at tuyo ng paa. 

Karaniwan itong nawawala pagkatapos ng ilang linggong paggamot.

Ringworm

Sa kabila ng pangalan nito, ang ringworm ay talagang isang uri ng fungal infection, tulad ng athlete’s foot. Ang pangalang ito ay dahil sa ring-shaped rashes na dulot nito. Ito ay malamang na makati, at maaari ding magmukhang namamaga, tuyo, o nagbabalat.

Karaniwan itong lumilitaw sa anit o singit ng isang tao, ngunit maaari rin itong lumitaw sa ibang bahagi ng katawan. Dahil fungal infection ito, may posibilidad din na kumalat ito sa ibang bahagi ng katawan. Iyon ang dahilan kung bakit mahalaga ang paggamot ng nakahahawang sakit sa balat. 

Pinakakaraniwan ang paggamit ng mga anti-fungal cream, na tumutulong na maalis ang impeksyon ng humigit-kumulang 4 na linggo.

Impeksyon sa Malassezia

Ang Malassezia, tulad ng athlete’s foot at ringworm, ay isa pang uri ng fungal infection na nakahahawang sakit sa balat ng isang tao. Ito ay kumakain ng mga langis ng balat, at kadalasang lumilitaw sa anit. Maaari itong magdulot ng maraming problema sa balat, tulad ng seborrheic dermatitis, balakubak, psoriasis sa mukha o anit, at folliculitis.

Ang mga sintomas ay maaaring mag-iba depende sa mga bahagi ng balat ang nahawaan. Ngunit ang karaniwang mga sintomas ay pangangati, iritasyon sa balat, balakubak, pati na rin ang mga skin flakes sa ibang bahagi ng katawan.

Ang paggamot para sa malassezia ay maaaring mga anti-fungal cream o shampoo. Para sa mas malalang kaso, maaaring gumamit ng mga topical steroid, lalo na sa mga kaso ng seborrheic dermatitis.

Kulugo

Ang warts o kulugo ay mga butlig sa balat na kadalasang lumalabas sa mga kamay ng isang tao. Gayunpaman, maaari rin silang lumitaw halos kahit saan sa katawan. 

Isa ang warts sa mga pinakakaraniwang uri ng mga nakahahawang sakit sa balat. Sanhi nito ang isang uri ng virus na tinatawag na human papillomavirus o HPV. Maaaring tumagal ang warts sa pagitan ng dalawa hanggang anim na buwan para mabuo pagkatapos na mahawaan ng HPV ang iyong balat.

Ang ilang mga strain ng HPV ay kumakalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik. At ang mga uri ng HPV na ito ay maaaring magpapataas ng panganib ng isang babae para sa cervical cancer. 

Sa kabila nito, karamihan sa mga kulugo ay hindi nakakapinsala, at sa pangkalahatan ay isang cosmetic problem. Maaaring ligtas na alisin ng mga doktor ang warts gamit ang salicylic acid, freezing, paggamot sa laser, o minor na operasyon. Ang ilang warts ay kusang nawawala din sa paglipas ng panahon.

Pigsa

Ang mga pigsa ay isang uri ng impeksyon sa balat na nabubuo kapag nahawahan ng bakterya ang mga follicle ng buhok sa iyong balat. Karaniwang lumilitaw ang mga ito sa mga bahagi ng balat na may buhok, madaling pagpawisan, o patuloy na friction. Nangangahulugan ito na kadalasang lumilitaw sa mukha, kilikili, likod ng leeg, hita, at pigi ng isang tao.

Maaaring masakit ang mga pigsa, at nagiging sanhi ng pamumula at pamamaga ng balat sa paligid nito. Sa gitna ng pigsa ay kadalasang may bukol na puno ng nana na lumalaki sa paglipas ng panahon. Sa katagalan, ang bukol ay pumuputok at pagkatapos ay maalis ang nana. 

Ang paggamot para sa mga pigsa ay maaaring gawin sa bahay gamit ang mga espesyal na cream sa balat, at sa pamamagitan ng pagpapanatiling malinis at sterile ang lugar. Gayunpaman, para sa mas malalaking pigsa, ang paghingi ng tulong medikal ay pinakamainam.

Scabies

Ang scabies ay isang uri ng impeksyon sa balat na dulot ng human itch mite. Ang mga mite na ito ay mga parasitiko na hayop na bumabaon sa ilalim ng balat ng isang tao, kung saan nagsisimula itong mangitlog.

Ito naman ay nagiging sanhi ng mga sintomas na kadalasang nauugnay sa mga scabies na matinding pangangati, at parang tigyawat na pantal.

Isang lubhang nakahahawang sakit sa balat ang scabies, at ang mga taong nakatira malapit sa infected nito ay maaaring mahawaan.

Ang paggamot para sa scabies ay kadalasang gamot na maaari lamang reseta ng doktor. Ang gamot na ito ay karaniwang sa anyo ng isang losyon na inilalapat sa mga lugar na apektado ng scabies. Ito ay hinahayaan sa balat ng ilang sandali para gumana, bago ito hugasan. Pinapatay nito ang anumang mite sa balat, gayundin ang mga itlog nito. Karaniwang tumatagal ng mga dalawa hanggang apat na linggo ang paggamot.

Ketong

Ang Leprosy, na kilala rin bilang Hansen’s disease, ay isang impeksyon na dulot ng bacteria na Mycobacterium leprae. Ang partikular na uri ng bakterya ay maaaring dormant nang mahabang panahon. Maaaring tumagal ng hanggang 20 taon bago magsimulang magkaroon ng mga sintomas ng ketong ang isang tao. Maaari itong makaapekto sa mga ugat, balat, mata, at lining ng ilong ng isang tao.

Ang mga sintomas ay maaaring mag-iba depende sa kung aling bahagi ng katawan ang apektado. Halimbawa, kung ang mga ugat ay apektado, ang isang tao ay maaaring mawala ang sense of touch, o kakayahang makaramdam ng sakit. Ito ay maaaring maging mahirap, dahil ang isang tao ay maaaring magdusa ng mga hiwa at paso nang hindi man lang napapansin. 

Ang isang karaniwang myth sa ketong ay ang mga daliri at paa ng isang taong may ketong ay maaaring “malaglag.” Sa totoo lang, ang nangyayari, dahil sa pinsala, ang mga daliri at/o mga daliri ng paa ng isang tao ay maaaring muling masipsip ng katawan, na ginagawang tila nawala ang mga daliri sa paa at kamay.

Sa panahon ngayon, ang ketong ay maaaring gamutin, at karamihan sa mga taong nahawaan ay maaaring mamuhay nang normal at malusog. Ang mahalagang bagay ay maagang pagtuklas, at pagsunod sa tamang paggamot ng nakahahawang sakit sa balat.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Athlete’s foot – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/athletes-foot/symptoms-causes/syc-20353841#:~:text=Athlete’s%20foot%20(tinea%20pedis)%20is,causes%20itching%2C%20stinging%20and%20burning., Accessed November 11, 2020

Ringworm – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/ringworm/, Accessed November 11, 2020

Skin conditions associated with malassezia | DermNet NZ, https://dermnetnz.org/topics/malassezia-infections/, Accessed November 11, 2020

Common warts – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/common-warts/symptoms-causes/syc-20371125, Accessed November 11, 2020

Boils and carbuncles – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/boils-and-carbuncles/symptoms-causes/syc-20353770, Accessed November 11, 2020

CDC – Scabies, https://www.cdc.gov/parasites/scabies/index.html, Accessed November 11, 2020

What is Hansen’s Disease? | Hansen’s Disease (Leprosy) | CDC, https://www.cdc.gov/leprosy/about/about.html, Accessed November 11, 2020

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement