backup og meta

Moisturizer vs. Lotion: Ano ang Pinagkaiba ng mga Produktong ito?

Moisturizer vs. Lotion: Ano ang Pinagkaiba ng mga Produktong ito?

Marami na ngayon ang mga nauusong produkto na nakatutulong upang pangalagaan ang ating balat. At ang dalawang pinaka-kilala sa mga tao ay ang moisturizer at lotion. Ngunit ano nga ba ang pinagkaiba ng dalawang produktong ito, at paano ito nakatutulong sa ating balat?

Magbasa dito at alamin kung ano at para saan ang moisturizer at lotion, at kung kailan dapat gamitin ang mga produktong ito.

Ano ang lotion?

Karamihan siguro sa atin ay pamilyar sa mga lotion. Ito rin siguro ang isa sa pinakaunang skin product na natutunan nating gamitin. Ngunit ano nga ba ang nagagawa ng mga lotion para sa ating balat?

Ang pangunahing gamit para sa lotion ay para i-lock ang moisture na nasa ating balat. Ibig sabihin, nakatutulong ang mga lotion para hindi madaling matuyo ang ating balat. Bukod dito, nakatutulong rin ang lotion na palambutin ang ating balat, at nakakaalis ito ng mga dry spots na minsan nagiging sanhi ng pagbakbak ng balat.

Ang ilang mga lotion rin ay mayroong mga vitamins na nakatutulong panatilihin ang kinis at kalusugan ng ating mga balat. Mayroon ding mga medicated na lotion na ginagamit para gamutin ang mga sakit sa balat tulad ng fungal infection, at ang iba naman ay nakakabawas ng irritation.

Karamihan sa mga lotion ngayon ay water-based, kaya’t hindi gaanong mabigat o mainit ang pakiramdam nito sa balat. Nakatutulong rin ang pagiging water-based para i-absorb ng balat ang lotion.

Ano naman ang moisturizer?

Ang mga moisturizer ay mga produktong ginagamit sa balat na nakakadagdag sa moisture nito. Mahalaga ang moisture sa balat dahil nakatutulong ito upang makaiwas sa dry, skin, wrinkles, at iba pang mga problema sa balat.

Nagagawa ito ng mga moisturizers dahil mayroon itong mga oil at iba pang ingredients na nakakadagdag ng moisture sa balat. Kapag may nararamdaman kang dry spots sa iyong balat, nakakatulong ang mga moisturizer upang palambutin ang balat at bawasan ang dryness nito. Ang isang drawback ng mga moisturizer ay mayroong ilan na hindi mainam sa mga taong mayroong oily skin. Ito ay dahil kung gumamit ka ng moisturizer sa oily skin, maaaring makasama pa ito.

Mas mabigat rin sa pakiramdam ang mga moisturizer dahil mas mataas ang oil content ng mga moisturizer. Gayunpaman, mayroon rin namang mga moisturizers na mas water-based, at hindi katulad ng ibang moisturizers na mabigat at mainit ang pakiramdam sa balat. Kaya rin mahalagang pumili ng moisturizer na magugustuhan mo.

Ano ang pagkakaiba ng dalawang produktong ito?

Pagdating naman sa usapin ng lotion vs moisturizer, bagama’t mayroong pagkakaiba ang mga produktong ito, marami rin silang pagkakahalintulad. Kung tutuusin, masasabi nga na isang uri ng moisturizer ang mga lotion dahil nakatutulong itong dagdagan ang moisture ng balat.

Mayroon ring mga moisturizing lotion na nakatutulong dagdagan ang moisture pati na rin i-lock ang moisture sa balat. Madalas ay ganito ang mga nabibiling produkto sa mga beauty shop dahil safe itong gamitin kapag mayroon kang oily skin.

Ngunit ang kinaganda talaga ng mga moisturizer ay mas mabisa ito pagdating sa dry skin. Kung dry ang iyong balat sa siko, sakong, atbp. maaaring sumubok ng moisturizer para palambutin ang mga bahaging ito ng iyong katawan. Bagama’t puwede ka ring gumamit ng lotion, kadalasan mas mabisa ang mga moisturizer sa ganitong mga problema. Bukod dito, nakatutulong rin ang mga moisturizer sa mga taong mayroong psoriasis o eczema.

Karagdagang Kaalaman

Pagdating sa usapin ng moisturizer at lotion, ang dapat tandaan ay ang pagpili ng wastong produkto na magiging angkop sa paggagagamitan nito.
Halimbawa, kung mayroong dryness ang iyong mukha, maaring mas mainam gumamit ng lotion kaysa moisturizer dahil mas magaan at presko ang pakiramdam nito sa balat. Kung may dry skin ka naman sa katawan, maaaring mas makatulong ang moisturizer dahil mas mabisa ito sa pagbibigay-lunas sa dry skin.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. What Is Lotion Used For?, https://www.medicinenet.com/what_is_lotion_used_for/article.htm, Accessed April 12, 2024
  2. Lotion and moisturizer for eczema – everything you need to know, https://nationaleczema.org/eczema/treatment/moisturizing/, Accessed April 12, 2024
  3. Tips on Choosing a Lotion: Manhattan Dermatology: General, Surgical, & Cosmetic Dermatology, https://www.dermatologistnewyork.org/blog/tips-on-choosing-a-lotion, Accessed April 12, 2024
  4. Moisturizer: Why you may need it if you have acne, https://www.aad.org/public/diseases/acne/skin-care/moisturizer, Accessed April 12, 2024
  5. The Importance of Moisturizing | UT Medical Center, https://www.utmedicalcenter.org/blog-post/importance-moisturizing, Accessed April 12, 2024

Kasalukuyang Version

04/12/2024

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement