backup og meta

Masama Ba Ang Antiperspirant? Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman

Masama Ba Ang Antiperspirant? Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman

Malamang na nabasa mo na ang ilang post sa social media o maaaring narinig mo sa isang kaibigan ang tungkol sa ilang panganib sa antiperspirant. Masama ba ang antiperspirant? Ayon sa sources na ito, ang mga antiperspirant ay may aluminum na maaaring magdulot ng cancer at Alzheimer disease. 

Ngunit gaano katotoo ang mga claim na ito? Ang mga antiperspirant ba ay talagang naglalaman ng aluminum? At paano mo mapapanatiling safe ang iyong sarili?

May mga panganib ba sa antiperspirant?

Bago natin pag-usapan kung masama ba ang antiperspirant, pag-usapan muna natin kung bakit naiiba ang mga antiperspirant sa isa pang katulad na produkto—mga deodorant.

Ang mga deodorant, gaya ng tawag dito, ay para sa pagtanggal o pagtatakip ng amoy sa katawan. Ang mga ito ay karaniwang naglalaman ng chemicals na kayang i-neutralize ang ilang mga amoy. Kasama dito ang mga fragrance para mabango ang isang tao. Ang mga antiperspirant ay mayroon ding mga kemikal na ito, pero may isa pang function, na bawasan ang pawis. Masama ba ang antiperspirant? 

Karamihan sa mga antiperspirant ay gumagamit ng aluminum hydrochloride para talagang harangan ang mga duct ng pawis at maiwasan ang paglabas ng pawis. Kahit na ang tradisyonal na “tawas” na antiperspirant ay gawa sa potassium alum, na naglalaman din ng aluminum. Kaya’t tungkol sa katotohanan na ang mga antiperspirant ay gumagamit ng aluminum, talagang totoo iyon.

Ngunit ang aluminum ba nasa mga produktong ito ay maaaring maging sanhi ng kanser at iba pang harmful effects?

Gaano nakakapinsala ang aluminum?

Ayon sa rumors na kumakalat online, ang paggamit ng mga antiperspirant ay nagiging sanhi ng pag-absorb katawan ng aluminum. Ito naman ay maaaring maging sanhi ng cancer o Alzheimer disease sa isang tao. Alamin pa natin kung masama ba ang antiperspirant.

Ngunit batay sa mga pag-aaral na ginawa sa antiperspirant use at cancer risk, walang konkretong ebidensya na nag-uugnay sa dalawa. Ang mga resulta ng mga pag-aaral na ito ay nagpakita ng walang pagkakaiba sa pagitan ng cancer risk para sa mga gumagamit ng antiperspirant at sa mga hindi gumagamit nito. 

Tungkol sa risk ng Alzheimer disease, ang dami ng aluminum na nasa mga antiperspirant ay napakaliit. Kahit na ang isang tao ay gumagamit nito araw-araw sa kanyang buong buhay, hindi ito magiging sapat na magdulot ng anumang makabuluhang toxicity. In fact, palagi tayong exposed sa iba’t ibang sources ng aluminum sa ating pang-araw-araw na buhay. 

Mula sa mga aluminum can, kaldero at kawali, gamot, packaging, at aluminum foil, gumagamit tayo ng maraming produktong aluminum araw-araw. Gayunpaman, hindi rin ito nagdudulot ng malaking banta sa ating kalusugan. Bukod dito, ipinapakita ng mga pag-aaral na walang kaugnayan sa pagitan ng environment aluminum at Alzheimer’s disease.

Ligtas bang gumamit ng antiperspirant ang lahat?

Bagama’t karaniwang ligtas ang mga antiperspirant, hindi ito nangangahulugan na hindi sila nagdudulot ng mga problema o kung masama ba ang antiperspirant.

Posible para sa isang tao na maging allergic o maging sobrang sensitibo sa ilang partikular na kemikal ng mga antiperspirant. Kung nangyari ito, pwedeng makaranas ng pangangati ng balat sa tuwing ginagamit ang mga produkto. Pero okay lang kung iiwasan nila ang paggamit ng mga ito. 

Kung partikular na sensitive ang balat mo, pinakamabuting kumunsulta muna sa iyong doktor. Ito ay bago subukan ang mga bagong produkto kung masama ba sa iyong balat. Maaari din silang magbigay sa iyo ng mga rekomendasyon ng mga produktong ligtas gamitin. At pati na rin kung aling chemical ingredients ang dapat iwasan. 

Isa pang mahalagang bagay na dapat tandaan ay gumamit lamang ng mga produkto na certified safe ng Food and Drug Administration o FDA. Iwasang bumili ng anumang antiperspirant o cosmetics mula sa unreliable sources dahil maaaring naglalaman ang mga ito ng harmful chemicals na balat. Hindi lamang maaaring magdulot ng pangangati ang chemicals, posibleng may harmful substances na pwedeng magdulot ng malubhang karamdaman kung long-term ginagamit. 

Key Takeaways

Masama ba ang antiperspirant? Ang paggamit ng antiperspirant ay ligtas. Walang napatunayang kaso na nag-uugnay sa paggamit nito sa cancer o Alzheimer’s disease. Ang anumang impormasyong nagpapalipat-lipat online tungkol sa link nito sa mga kondisyong ito ay mali, at hindi sinusuportahan ng anumang proper science.

Hangga’t ang mga antiperspirant na binibili mo ay ligtas at sertipikado ng FDA, walang dapat na masama sa paggamit nito araw-araw.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. No, you shouldn’t worry about aluminum in your antiperspirant | Ohio State Medical Center, https://wexnermedical.osu.edu/blog/aluminum-deoderant, Accessed September 16, 2021
  2. Antiperspirant Use and the Risk of Breast Cancer | JNCI: Journal of the National Cancer Institute | Oxford Academic, https://academic.oup.com/jnci/article/94/20/1578/1802711, Accessed September 16, 2021
  3. Deodorants and breast cancer-cancer myth – Cancer Council Western Aust, https://www.cancerwa.asn.au/resources/cancermyths/deodorants-breast-myth/, Accessed September 16, 2021
  4. Is Deodorant Harmful for Your Health? – Penn Medicine, https://www.pennmedicine.org/updates/blogs/health-and-wellness/2019/june/deodorant, Accessed September 16, 2021
  5. Antiperspirants/Deodorants and Breast Cancer – National Cancer Institute, https://www.cancer.gov/about-cancer/causes-prevention/risk/myths/antiperspirants-fact-sheet, Accessed September 16, 2021

Kasalukuyang Version

05/30/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Sinuri ang mga impormasyon ni Corazon Marpuri

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Corazon Marpuri


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement