Ang glowing skin ay tanda ng mabuting kalusugan. Alamin natin ang ibig sabihin ng malusog na balat, mga uri ng balat, at mga karaniwang skin conditions.
Ang balat ay ang pinakamalaking panlabas na organ ng katawan. Nagsisilbi itong proteksyon natin at pinapanatili ang ating kalusugan. Ituloy ang pagbabasa para matuto pa tungkol sa kahulugan ng malusog na balat.
Ano ang Iba’t-ibang Layer ng Balat?
Upang mas maunawaan ang kahulugan ng malusog na balat, mahalagang matutunan ang lahat tungkol sa mga bahagi nito. Ang balat ay binubuo ng iba’t ibang mga layer na tinatawag na:
Epidermis
Ito ay ang panlabas na layer, ang mabalahibong bahagi ng balat na nakikita natin. Ang epidermis ay masyadong manipis; gayunpaman, ang kapal nito ay depende kung saang bahagi ng iyong katawan.
Halimbawa, ito ay maaaring kasing kapal ng isang pirasong papel sa karamihang bahagi ng iyong katawan pero mas makapal ito sa iyong mga palad at talampakan
Dermis
Sa ilalim ng epidermis ay ang mas makapal na panloob na layer, ang dermis. Ang layer na ito ay nababanat at malakas. Meron din itong mga follicle ng buhok pati na rin ang mga glandula ng langis at pawis. Bukod dito, binibigyan din ito ng maraming mga daluyan ng dugo at mga nerve ending.
Hypodermis
Ang pangatlo at pinakaloob na layer, ang hypodermis o subcutaneous tissue, ay nag-uugnay sa balat sa pangunahing fibrous tissue ng mga buto at kalamnan.
Ano ang mga Function ng Balat?
Bago tayo sumabak sa talakayan tungkol sa kahulugan ng malusog na balat, alamin muna natin ang mahahalagang tungkulin ng ating balat pagdating sa ating kalusugan:
- Ang balat ay nagsisilbing ating first line of defense laban sa mga pathogen tulad ng bacteria at virus.
- Pinoprotektahan din tayo nito mula sa pisikal na trauma dahil sinasalo nito ang pagkabigla.
- Kinokontrol ng ating balat ang temperatura ng ating katawan. Halimbawa, ang pagpapawis ay ang ating paraan para magpalamig kapag masyadong mainit ang kapaligiran.
- Pinoprotektahan tayo nito mula sa mapaminsalang UV rays.
- Tinutulungan tayo ng balat na maramdaman ang temperatura, texture, sakit, atbp.
- Gumagawa ito ng bitamina D, na mahalaga para sa malusog na buto.
Ang Kahulugan ng Malusog na Balat
Ang talakayan tungkol sa kahulugan ng malusog na balat ay isinasaalang-alang ang maraming aspeto, tulad ng nutrisyon, pangangalaga sa balat, hydration, at siyempre, mga umiiral na kondisyong medikal.
Kaya ano ang kahulugan ng malusog na balat? Sa pangkalahatan, mayroon kang malusog na balat kapag ang iyong balat ay:
- Makinis
- Walang mga breakout sa ibabaw
- hindi tuyo o flaky
- Nababanat (elastic). Kapag ito ay naunat o naipit, ito ay mabilis na bumalik sa kanyang normal na anyo
- Ang kulay nito ay pare-pareho at pantay-pantay
- mainit-init
Siyempre, marami pa ring aspetong dapat isaalang-alang pagdating sa kahulugan ng malusog na balat. Kabilang dito ang uri ng balat na mayroon ka at kung mayroon kang partikular na kondisyon ng balat.
Mga Uri ng Balat
Upang maunawaan ang kahulugan ng malusog na balat, kailangan nating malaman ang limang magkakaibang uri ng balat.
Oily
Kapag sinabi mong oily skin, nangangahulugan ito na ang mga glandula ng langis ay mas aktibo kaysa kinakailangan. Sa buong araw, mapapansin mo ang isang manipis na layer ng langis sa ibabaw ng iyong balat. Ang mga taong may madulas na balat ay may posibilidad din na magkaroon ng mas malalaking pores. At panghuli, mayroon din silang mga breakouts tulad ng pimples at blackheads paminsan-minsan.
Dry
Ang kahulugan ng malusog na balat ay maaaring mag-iba kung ang balat ng isang tao ay partikular na oily.
Ang tuyong balat o dry skin ay may mapurol (dull) na kutis. Ito ay dahil ang balat ay natatakpan ng mga dead skin cells. Gayundin, ang mga taong may tuyong balat ay may napakaliit hanggang sa halos hindi nakikitang mga pores. At ang tuyong balat ay masikip at madaling kapitan ng pangangati
Combination
Karamihan sa mga dermatologist ay tumutukoy dito na kapag ang ilang bahagi ng iyong mukha ay oily, habang ang ilang bahagi ay tuyo. Halimbawa, oily ang noo at ilong, pero dry ang pisngi.
Ang iyong balat ay maaari ding maging sa uri ng kumbinasyon kapag ikaw ay may oily skin sa panahon ng tag-araw at pagkatapos ay tuyo sa panahon ng tag-ulan.
Sensitive
Ang mga taong may sensitibong balat ay kailangang gumamit ng banayad na mga produkto dahil maaari silang mabilis na magkaroon ng pamumula at pangangati.
Normal
Ang ilang mga dermatologist ay nagtatalo na talagang walang medikal na kahulugan para sa normal na balat. Kung ang iyong balat ay oily, iyon ay normal para sa iyo. Parehong bagay kung mayroon kang tuyo, kumbinasyon, o sensitibong balat. Sa madaling salita, ang normal na balat ay maaaring mag-iba sa bawat tao. Nangangahulugan din na normal ang balat kung kayang i-tolerate ang karamihan ng mga bagay nang hindi nag-ooverreact.
Sa pangkalahatan, ang kahulugan ng malusog na balat para sa lahat ng uri ay na ito ay well-hydrated. Mayroon din itong balanseng produksyon ng langis.
Karaniwang Kondisyon ng Balat
Ang balat ay nag-rereact sa panloob at panlabas na mga pagbabago, na maaaring humantong sa ilang mga kondisyon ng balat.
- Whiteheads
- Blackheads
- Pimples
- Maliit, mapupulang bukol na tinatawag na papules
- Malaki, solidong bukol na kadalasang masakit. Nodules ang tawag dito.
Acne
Ang acne ay karaniwan sa mga teenager, ngunit maaari itong makaapekto sa mga tao sa lahat ng edad. Ang karaniwang kondisyon ng balat na ito ay nangyayari kapag ang mga follicle ng buhok ay barado o nabara ng langis o dead skin cells. Kapag mayroon kang acne, maaari kang magkaroon ng:
Ang lagay ng acne ay mula sa banayad hanggang sa malubha. Kumunsulta sa doktor para sa naaangkop na paggamot.
Psoriasis
Ang psoriasis ay isang pangkaraniwang kondisyon ng balat na inilalarawan ng mga sumusunod:
- Pula, flaky patches
- Ang mga patch ay natatakpan ng silver scale
- Ito rin ay kadalasang nasa ibabang likod, siko, at tuhod
Ang mga taong may psoriasis ay maaaring dumaan sa mga panahon ng banayad hanggang sa malubhang sintomas. Minsan, walang sintomas. Walang lunas para sa psoriasis, ngunit may mga magagamit na paggamot upang mapawi ang mga sintomas.
Eczema at Dermatitis
Ang pinakakaraniwang uri ng eksema ay tinatawag na atopic eczema. Tinatawag din itong “atopic dermatitis.” Ang balat ay:
Ang eksema ay nakakaapekto sa iba’t ibang bahagi ng katawan, kabilang ang mga siko, tuhod, kamay, leeg, pisngi, at anit. Bagama’t ito ay madalas na isang pangmatagalang kondisyon, ang mga sintomas ay maaaring bumuti sa paggamot. Sa kabutihang palad, ang mga bata ay madalas na nalalampasan ito.
Fungal, Bacterial, at Viral Infections
Mahalagang talakayin ang kahulugan ng malusog na balat dahil sa iba’t ibang dahilan ay hindi malusog ang ating balat. Halimbawa, ang mga impeksyong dulot ng bacteria, virus, at fungi ay nakakaapekto sa balat. Ang ilang mga kondisyon sa kategoryang ito ay kinabibilangan ng:
Cold sores
Ang cold sores ay mukhang mga paltos o “mga sugat na puno ng likido” sa mga labi. Ito ay sanhi ng herpes simplex virus. Ang mga taong may cold sores ay kadalasang nakakaramdam ng paso, pangingiliti, o pangangati sa paligid ng kanilang mga bibig. Ang magandang balita ay maaari mo itong gamutin sa loob ng 7 hanggang 10 araw gamit ang mga antiviral cream.
Ringworm o Buni
Ang Ringworm ay mas kilala sa ating mga Pilipino, bilang “buni.” Ang buni ay hindi sanhi ng isang uod at hindi rin ito mukhang isa. Ito ay sanhi ng fungal infection. Parang bilog na pulang patch. Minsan, lumilitaw din ito na parang bilog na pantal na may kulay-silver na kaliskis. Karaniwan itong lumilitaw sa iyong mga braso at binti, ngunit maaaring mangyari kahit saan sa katawan. Maaari itong gamutin gamit ang mga antifungal cream.
Cellulitis
Ang cellulitis ay isang pangkaraniwang bacterial infection na nakakaapekto sa balat. Kadalasan, naaapektuhan nito ang mga kamay, paa, o ibabang binti. Ang balat ay mukhang namamaga at pula; masakit din at mainit itong hawakan. Ang kundisyong ito ay karaniwang ginagamot sa mga antibiotic.
Warts o Kulugo
Ang mga warts ay napaka-pangkaraniwan; para silang maliliit na bukol sa balat. Maaari mong makita ang mga ito kahit saan ngunit mas karaniwan sa mga kamay at paa. Sa kabutihang palad, karamihan sa mga kulugo ay hindi nakakapinsala at mawawala sa kanilang sarili kahit na walang paggamot. Gayunpaman, kung ito ay nagiging masakit o nagdudulot ito ng discomfort, maaari mong ipagamot ito.
Aging Skin
Ang panghuli ay ang aging skin o pagtanda ng balat.Habang tayo ay tumatanda, ang balat ay maaaring magkaroon ng:
- Age spots
- Panunuyo
- Wrinkles
- Pagkagaspang
- Sagginess
Habang tumatanda tayo, nagbabago ang ating balat at nagbabago rin ang kahulugan ng malusog na balat. Para “pabagalin” ang proseso ng pagtanda ng balat, maaari kang mag-adopt ng simpleng skincare para mapanatili itong malusog.
Ang pagbubuntis ay nakakaapekto rin sa kalusugan ng balat. Kapag buntis ang isang babae, may surge ng hormones sa kanyang katawan, na maaaring magdulot ng pagbabago sa kanyang balat.
Pag-Aalaga Ng Iyong Balat
Ano ang kahulugan ng malusog na balat? Maaari itong tukuyin ng pang-araw-araw na gawi ng isang tao. Ang ilan sa mga pinakamahusay na paraan upang pangalagaan ang balat ay ang:
- Kumain ng balanced diet
- Iwasan ang paninigarilyo
- Protektahan ang balat mula sa araw
- Gumamit ng banayad na skincare products
- Uminom ng maraming tubig
Key Takeaways
Ang ating balat ay mahalaga upang matiyak ang ating pangkalahatang kalusugan. Ang kahulugan ng malusog na balat ay multi-faceted. Kabilang dito ang pag-alam sa iyong uri ng balat, wastong skin care practices, at pag-unawa sa underlying condition na maaaring mayroon ka.
Panghuli, huwag kalimutan na mahalaga din para sa iyo na bisitahin ang isang dermatologist kahit isang beses sa isang taon.